Chapter 2

41 7 6
                                    

Jeanine's POV

"Class dismiss."

"Goodbye Ma'am Arlene"

So recess na ulit.

Parang ambilis lang ng araw ko ngayon. Its 3:00 pm already. To be honest andami naming groupings.

Kanina kasi nagseating arrangement na kami. Iba ibang seat sa bawat subject.Tapos iba iba ring groupings sa bawat subject.

Ngayon ko lang naencounter yung ganitong style sa pag aaral. Yung tipong maraming groupings at seating arrangements.

Well special science school kasi heto eh so ganun talaga. Minsan nga naiisip ko na paano kaya nakaka survive ang mga mag aaral dito? I mean... 0 basis ang paggawa ng grade dito eh. Yung kung sa regular school 0 is equal to 50, sa school na ito... hindi. 0 is 0 talaga.

So now... tapos na recess. Ano ba yan di ako nakakain. Hays... well I guess sa bahay nalang ulit ako kakain.

After 15 minutes... Wala parin ang sunod naming teacher. Eh ang sistema kasi dito sa school namin is kapag wala pa ang teacher ng 15 mins., It simply means na walang class.

So... right now... where doing nothing but to sing, laugh, get to know each other, nag sisigawan yung iba, yung iba nag aadvance ng lesson.

So in short, nag iingay. Hahaha.

Tahimik lang ako since tahimik yung seatmate ko. Lalake kasi. Ewan ko ba pero parang heto lang ang lalakeng tahimik dito. Baka siguro wala pa siyang kilala masyado or kaclose kaya siya tahimik.

"Del Carmen, right?" Sabi ko sa seatmate kong lalake.

"Yup... Ikaw si Jeanine diba?"sabi niya.

"Englishera ka ba talaga? Manonosebleed naman ako sayo ate. Hahaha."-dagdag pa niya.

"Ayy... I'm not. Este hindi. Sadyang nasanay lang siguro ako sa previous school ko na nag eenglish because I'm part of the Student Council. My position is P. R. O. in english so that's why I got use to it."

Pagkatapos ko sa kanya sabihin yun... nagulat nalang ako kasi bigla siyang pumalakpak. Tapos ang creepy lang kasi kanina parang seryoso siya and now? Para siyang baliw. Real talk lang sorry.

"Wow... Idol. Pa FS naman po. Galing mag english oh. Nice naman."-sabi niya.

"Uhm... what's FS? I mean... Ano yun?"- sabi ko sakanya.

"FS... Uhm... Fan Sign."- sabi niya.

"Ahh... now I know. Thanks for the info."- I replied.

Tinawanan niya lang ako.

And then maya maya lang...

Biglang may lumapit samin.

Si Julie.

"Jeanine, may paper ka?"sabi niya sakin.

"Yup. Heto oh." Sagot ko sa kanya sabay abot ng isang pirasong one whole sheet of paper.

"Thank you. Dito muna ako sa inyo boring dun sa puwesto ko eh."-sabi niya.

"Go on I won't mind."-sagot ko sa kanya.

Maya maya ulit, nakita kong maypapalapit samin. Si Wilhelm pala. Gosh, observing mode on.

Habang papalapit siya eh, I just act normal like I always do. Para hindi halata. Magaling naman ako magpanggap eh so maybe effective. I mean effective naman lagi. Never pa akong nagfail pagdating sa pretend.

"Oy Julie..."-sabi ni Wilhelm.

"Ano nanaman?"-sagot ni Julie.

"Oh ba't ka galit?"-pagtataka ni wilhelm.

The 8 Year PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon