One

106 8 2
                                    

Alexa POV

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa isang magandang upuan na kung saan nakaharap ito sa isang malapad na papel. Bilang isang painter marami ka munang dapat daanan bago mo tuluyang magawa ang mga bagay na gusto mong ipinta. Parang sa buhay lang kailangan mong maghintay bago mo makuha ang mga bagay na gusto mong makamit. Sa pagibig naman, kailangan mo munang masaktan bago ka matuto. Pero minsan kung iisipin natin lahat ng mga bagay na gusto at ninanais nating mapasaatin hindi naman dumadating. Kahit maghintay ka ng maghintay at gumawa ka ng paraan, wala laging bokya.

Habang kinakausap ko ang sarili ko gamit ang sarili ko ding utak hindi ko namalayan na nasira na pala ang pinipinta ko. Hindi ko ba alam bat lahat nalang ng bagay na gusto ko hindi ko makuha. Sa kalagitnaan nito, biglang naging maingay ang kapaligiran sa loob ng art department room at 'yon ay dahil sa mga kaibigan kung sadyang pasaway.

"Alexa, may naririnig kaming balita na may gaganapin daw na concert mamaya sa loob ng campus at sa theater sa gagawin" sabi ni Crystal isa sa mga kaibigan kung sobrang pasaway pero love na love ko

"At nabalitaan ko din na nandoon daw si Gian, yung sikat na singer at artista sa campus natin? Diba kilala mo yon?" tanong naman ni Mila na ikinurot ng kilay ko

"Ewan ko sa inyo, hindi 'yon kilala ni alexa. Kasi mas focus siya ngayon sa painting kaya umalis na nga kayo diyan. May paguusapan lang kami" seryoso pero pasigaw na sabi ni Cathy na isa din sa mga kaibigan ko

"Okay po" sabay na sagot ng dalawa

Mabilis na umalis sina Mila at Crystal, dahil alam nila na kapag hindi pa sila umalis kakalagkarin ni Cathy ang mga ito kaya mabilis silang kumaripas papunta sa susunod naming klase

"Alexa, may naririnig ako tungkol sayo" sagot nito na kinabigla ko naman

"Ano naman 'yon?" nagtataka kung tanong

"Naririnig ko kasi sa iba na ikakasal ka na raw at narinig nila 'yon mismo sa mga magulang mo" sagot nito ba talaga namang kinagulat ng pagkatao ko

"Hahahaha ano kaba Cathy wag kang maniwala doon, tsismis lang yon atchaka never na magsasabi si mama at papa na about sa kasal lalo na at ako lang ang babae nila at bata pako" taas noo kung sagot

"Gaga, paano kung totoo? Aber?" tanong nito na bigla ko namang kinatakot

"Basta, maniwala ka sa akin malabong mangyari 'yon. Anyway speaking of Gian? Sino ba 'yon?" tanong ko dito

"What the f***, hindi mo talaga kilala 'yon? Sikat 'yon gaga!" pasigaw nitong sagot

"Eh hindi ko nga kilala? Pake ko ba doon?" pilosopo kong tanong

"Si Gian Ong, isa sa mga sikat na singer at artist sa campus natin" sagot nito

"Ahhhhh so siya pala yung magcoconcert mamaya" sabi ko dito

"Yes, kasama niya yata si Leanah, yung girlfriend niya" sabi ulit nito

"Talaga? Maganda ba girlfriend niya?" tanong ko dito

"Sabi nila at sa pagkakaalam ko oo maganda daw. Bakit ba?" nagtatakang tanong nito

"Wala lang hehe nacurious lang ako" sagot ko ulit sakanya

"Okay, anyway oras na! Tara na punta na tayo sa next subject. Mamaya muna tapusin 'yan" sabi nito at tuluyan akong hinila upang makalabas ng art department room

Paglabas namin dito mabilis kaming tumakbo papuntang room. Pero sa hindi inaasahang pangyayari biglang nasira ang sapatos ko huhu. Grabe monday na monday malas agad hay

"Oh napano ka?" tanong ni Cathy sa akin

"Gaga, kasi naman ang bilis mo kaya ayan nasira yung sapatos ko" sagot ko dito at tinaas ang takong nang black shoes ko

"Gosh, napakaclingy at tanga mo talaga alexa. Anyway may dala naman akong extrang shoes pahiram nalang kita later" mayabang nitong sabi

"Mayaman ka kasi kaya ka ganyan eh, alam mo ba last shoes ko nalang 'to" naiiyak kung sagot

"Kawawa naman bestfriend ko, wag kang magalala gift ko na sayo yung papahiram kung shoes sayo mamaya" sabi nito

Pagkatapos non tinulungan niya akong bumangon at pinagpatuloy na namin ang paglalakad papunta sa susunod naming klase

Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon