Leanah POV
Ngayon ang last day ko sa school kaya maaga akong pumasok. Bukas na din kasi ang alis ko papuntang states. Pumasok lang ako ngayon para magpaalam na nang tuluyan kay Gian. Pero kanina kupa siya hinahanap hindi ko siya makita. Halos linibot ko na lahat ng room dito sa campus namin pero hanggang ngayon hindi ko parin siya makita. Siguro absent siya ngayon? Pero hindi, hindi ugali ni Gian ang magabsent lalo na at pwedeng makasira ng image niya yon dahil siya ang susunod na tagapagmana ng malaking kompanya sa china, ang selenn company.
Gian POV
Alam kung ngayon na ang alis ni Leanah kaya naisipan kung magsaya saya muna. Ayaw ko na kasing isipin siya kasi mas nasasaktan ako kapag naaalala ko yung araw na naghiwalay kami.
To be honest, mahal ko pa si Leanah at never mawawala yon dahil siya lang ang tinuturing kung babaeng para sa akin at babaeng papakasalan ko someday. Kahit ikasal pako sa iba hindi parin magbabago ang nararamdaman ko kay Leanah.
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa isang secret room sa campus namin na kung saan ako lang ang nakakalam dito ko dapat idadala si Leanah para dito ako magpropose pero dahil nangyari na hindi ko man lang nagawang ipakita to sakanya. Mabilis akong natapos sa pagpipinta ganon din ang kasalukuyan kung kasama ngayon, si Alexa. Ang babaeng nakilala ko dahil sa isang hindi inaasahang sitwasyon. Sa mga oras nato parehas na kaming natapis kaya naisipan na naming lumabas sa room para bumalik sa sari sarili naming mga klase pero pagbaba palang namin hagdan nakita ko si Leanah. Ang babaeng hindi ko pa kayang makita ngayon. Kaya naisipan kung hindi siya pansinin at biglang umalis kasama si Alexa.
Alexa POV
Mabilis kaming natapos ni Gian sa pagpipinta kaya naisipan na naming bumaba at bumalik sa aming mga klase pero pagbaba palang namin sa hagdan. Bigla naming nakita si Leanah. Ang secret ex girlfriend nito. Kitang kita ko sa mukha ni Gian ang lungkot pero wala akong magawa dahil problema nila iyon. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinila at bigla na lamang kaming umalis na wala man lang siyang sinasabi kay Leanah. Pero hindi pa kami nakakalayo nang biglang nagsalita si Leanah na kinatigil nang aming paglalakad.
"Hindi mo ba akong kakausapin kahit ngayon lang. Pumasok ako para magpaalam sayo dahil bukas na ang alis ko kaya pwede ka bang magstay muna dito kahit konting oras lang?" favor ni Leanah kay Gian
Dahil doon naisipan ko munang umalis at magpaalam kay Gian para naman makapagusap sila ng maayos. Pero hindi ako pinaalis ni Gian.
"Excuse me lang ah" sabi ko sakanila
"Huwag kang aalis alexa, ako ang nagdala sayo dito kaya ako ang magbabalik sayo sa room mo kaya dont go" sabi nito habang nakaharap kay Leanah
Nabigla ako sa mga oras nayon at ganon din si Leanah. Pero dahil sinabi niya hindi nako umalis.
"Okay" sabi ko
"So Leanah? Ano yung gusto mong marinig? Good bye? Well good bye sayo sana maging okay ka sa states and ingat ka lagi. Tama na ba yon?" sabi ni Gian kay Leanah
"Gian, i know malaki yung kasalanan ko sayo but please try to understand it. Ginawa ko yun hindi para sa akin kung hindi para din sayo kaya please" sagot naman ni Leanah
"You know what Leanah nang dahil sayo mas naging malungkot ako ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nung tayo pa lagi mokong ginagabayan. Hindi kuna alam kung mabubuhay pa ba ako kung wala ka. Hindi ko talaga alam" sabi ni Gian at nagsimula na itong umiyak
Gusto kong damayan si Gian sa mga oras nato at punasan ang mga luha niya gamit ang mga kamay ko pero hindi ko magawa dahil wala akong karapatang gawin yon. Gusto ko siyang pasiyahin sa kabila nang ginawa ni Leanah. Pero dahil isang hamak na ordinaryong tao lang ako para sakanya lahat ng iyon hindi ko magawa.
Patuloy sa pagiyak si Gian kaya hindi nako nagdalawang isip na lapitan siya. Pero hindi pako nakakalapit ng bahagya sakanya nang biglang lumapit si Leanah sakanya at bigla niya itong hinalikan sa labi. Isang halik na ginantihan din ni Gian. Isang halik na sumaksak sa puso ko sa mga oras nayon. Pero may isang bagay lang akong hindi maintindihan. Bakit lubusan akong nasasaktan kay Gian? Hindi naman ako dapat masaktan sa kanya pero dahil sa isang halik biglang nasasaktan ang puso kung dating nakastand by mode.
Napaatras ako sa mga oras nayon. Kitang kita ko ang paglapat ng kanilang mga labi kasabay nang kanilang mga yakap sa isat isa. Hindi ko tuloy maiwasang maop kaya naisipan kung umalis na. Tumakbo ako hanggang sa makalayo ako sakanila. At habang patakbo ako naramdaman ko na may pumapatak na sa mga mata ko.

BINABASA MO ANG
Unspoken Love
RomanceSi Alexa, isang babaeng matapang pero hindi naman kagandahan. Nabibilang sa mga taong walang karanasan sa pagibig. Virgin kung tawagin, pero nagbagao ang lahat ng makilala niya si Gian. Si Gian, isang singer at artista. Playboy at walang sineseryoso...