Mga ilang minuto din ang itinagal ng pagtatakbo namin ni cathy and finally nakarating narin kami. Pagpasok palang namin dito ramdam muna ang ingay
"Hoy guys si Gian may concert mamaya! Im so excited" sabi nang isang girl na classmate namin
"Oo nga gosh i cant believe it, ang pogi pa naman niya" sabi naman ng isa
"Hoy mga malandi wag kayong mangaagaw akin lang yon" sabi naman ng kakarating palang na babae
"Hahaha in your dreams, anyway huwag na natin siyang pagawayin kasi may nanalo na sa puso niya" sabi naman ng isa na kinalungkot nilang lahat
"Oo nga pala, hay wala na tayong chance! Huhu fafa Gian why?" sabi naman ng isa pang babaeng nakaupo banda sa akin
Hindi ko alam kung tatawa ba ko o maaawa sa kanila at kung titignan mo talaga sila parang patay na patay ang mga ito kay Gian. Pogi ba talaga 'yon? Na curious tuloy ako
Gian POV
Mamaya na ang concert at hindi ko alam ang mararamdaman ko about dito. Halong kaba, saya at takot. Mamaya na rin kasi ako magpropopose kay Leanah. Dahil kailangan na, hindi ko alam kung sasagutin ba niya ako or what basta ang alam ko hindi ako mabibigo mamaya. Pero what if kung hindi nga niya ako sagutin ng oo? Ano na gagawin ko? For sure matutuloy na yung fixed marriage na sinasabi nina lola. Pero Gian be positive pogi ka at never kang mabibigo sa pagibig.
Habang nakaupo at pinagaaralan ang kantang itutugtog namin mamaya biglang dumating si Leanah sa room kung saan ako ngayon nagprapractice.
"Leanah, ikaw pala!" pasigaw kong sabi dito
"Gian i have something to say kaya please wag kang mabibigla" seryosong sabi nito
"Huh? A-ah osige ano ba yon?" nakangitin kung sagot sakanya
"Magbreak na tayo" seryoso ulit nitong sabi na talagang ikinagulat ko sa oras nato
"What? Haha tapos na april fools hehe kaya huwag ka ng magbiro" sagot ko dito
"Hindi ako nagbibiro, tapos na tayo Gian! We're over" sagot ulit nito at sa mga pagkakataong ito tumayo ako at linapitan ko siya
"Ano bang problema? Leanah bat bigla ka nalang nagkakaganyan? Kahapon nagagalit ka ng walang dahilan tapos ngayon makikipagbreak ka din nang walang dahilan? Hindi ko alam kung totoo mo ba talaga akong mahal o ginagamit mo lang ako dahil alam mo na mayaman ako" sagot ko dito
"Mahal kita Gian, but hindi ko na kayang makipagrelasyon sayo. Ayoko ng isang patagong relasyon. Wala tayong kalayaan na magdate sa labas puro nalang tayo nagtatago. Kaya mas mabuting maghiwalay nalang tayo besides mas focus naman ako sa ginagawa ko ngayon kaysa sa relationship natin." sagot nito na ikinalungkot ng puso ko
"Edi pakasalan moko, kung papayag kang magpakasal sakin magagawa na natin lahat ng mga sinasabi mo at hindi narin tayo magtatago sa mga maraming tao kaya Leanah, will you marry me?" tanong ko dito
Hindi naman ganyan yung pinlano ko pero wala na nangyari na tama nga yung sinasabi nila na hindi natin hawak ang mga mangyayari may mga pagkakataong talaga na kahit imposibleng mangyari sa totoong buhay bigla nalang mangyayari sa atin katulad nalang ngayon
"Sorry Gian, but hindi ko kayang magpakasal sayo. Hindi ko pa kayang mabuhay sa isang boring na buhay na meron ka ngayon. Kaya its a no" sagot nito at tuluyan nang umalis
"Leanah, wa--"
Hindi kuna napigilan ang luha ko at bigla na lamang tumulo ang mga ito kasabay nang mga yapak ni leanah na patuloy na sa paglayo malayo sa akin at sa puso ko
Alexa POV
Mabilis na natapos ang klase namin at may konting oras pang natitira. Kaya mabilis din akong lumabas sa room namin para bumili sa may canteen. Habang papalakad ako pababa ng hagdan. May naririnig akong usapan sa isang room na malapit sa hagdan kung nasaan ako ngayon. Rinig ko ang seryoso nilang usapan kaya mas nacurious ako kung ano ba yung topic nila kaya mabilis ako pumunta doon at sumilip sa may pintuan. Pagsilip ko dito nakita ko ang isang lalaku at isang babaeng naguusap. Humarap bigla ang lalaki sa babae pero umalis ang babae dito dahilan para hindi ito mahawakan ng lalaki. Kitang kita ko sa mga mata ng lalake ang sakit at pait na nararamdaman niya sa mga oras na yon.
"Pero ano nga ba kasi yung pinaguusapan nila? Ahh oo yung about sa kasal at relationship nila. Ayaw na yata nung girl kaya ayon. Anyway sino nga ba ako para makialam diba hay makaalis na nga" sabi ko sa sarili ko
Akma na akong yayapak at aalis nang biglang may tumunog na kakaiba sa paligid dahilan para masira ang katahimikan dito. Pinakinggan ko ang ingay at nakita ko na nagriring pala ang phone ko kaya mabilis ko itong pinatay pero anak nang teteng narinig yata nila. Mabilis ako lumapit sa pinto at nakita ko na mabilis na papalabas ng room ang babae pero hindi pako nakakaalis nang lubusan nang makita ako nito. Matagal kaming nagkatinginan hanggang sa umalis na ito nang tuluyan. Naiwang nakabukas ang pinto at makikita sa loob ng room na yon ang lalaking umiiyak na hawak hawak ang isang gitara.

BINABASA MO ANG
Unspoken Love
RomansaSi Alexa, isang babaeng matapang pero hindi naman kagandahan. Nabibilang sa mga taong walang karanasan sa pagibig. Virgin kung tawagin, pero nagbagao ang lahat ng makilala niya si Gian. Si Gian, isang singer at artista. Playboy at walang sineseryoso...