Mabilis kaming nakauwi ni Cathy sa mga sari sarili naming bahay. Halos haggard ako sa super pagod jusko. Hindi ko alam kung deretso na ba ako ng tulog o kakain muna? Well, parang masarap yata ulam namin hehe kain muna siguro ako bago matulog haha. Pababa ako ng hagdan para kumain. Pumunta ako ng kusina pero wala akong nakitang ulam huhu kaya sinimulang ko nalang buksan ang ref. Doon nakita ko ang tirang kim chi, kinuha ko ito at umupo para kainin ito. Wala pang ilang oras halos naubos kuna lahat ng kim chi kaya napagdesisyunan ko nang bumalik ulit ng kwarto para matulog. Paakyat na sana ako ng hagdan ng bigla akong tawagin na mama at papa. May kailangan daw silang sabihin, isang importanteng bagay pero wag daw akong mabibigla kaya ayon sumama muna ako sa kanila kahit nararamdaman ko na ang antok. Halong kaba at ewan ang nararamdaman ko sa mga oras nato pero nacurious ako kaya naisipan kung makinig muna sa kanila kahit konting oras lang.
"Ma? Ano na po yung sasabihin niyo?" tanong ko sa kanila habang umuupo kami sa may sala
"Anak, kung malaman mo man sana ito wag mo sanang isipin na hindi ka namin mahal ah?" sabi ni mama at bigla itong umiyak
"Ano ka ba mercy, bat ka umiiyak sa harap nang anak mo. Hindi naman siya mamamatay eh aalis lang siya kaya tahan na" sabi nito na ikinagulat ko naman
"Ano ba kasi yun ma at pa? Bakit hindi niyo ko deretsuhin. Kakainis naman kayo eh huhu" sabi ko sa kanila at nagsimula na ring umiyak
"Anak tahan na. Ganito kasi yan may kasunduan ang lola mo at ang kaibigan niya dati. Napagkasunduan nila na ipakasal ka sa kasalukuyang anak ng isa sa mga tagapagmana ng isang kompanya sa china. Bilang isang regalo sa lola mo sa pagiging magkaibigan nila naisipan nong kaibigan nang lola mo na ikaw ang gawing asawa ng magiging bagong tagapagmana ng Selenn Company, isa sa mga malaki at maunlad na kompanya ngayon. Anak, kailangan mong pakasalan ang lalaking iyon para na rin sa kinabukasan mo at kinabukasan namin. Alam mo naman na hindi natin kaya ngayon dahil walang trabaho ang ama mo at hindi pa permanent ang trabaho ko kaya anak pagisipan mo muna ng mabuti ang desisyon mo bago ka umayaw. Bukas namin itatanong anak kung ano talaga ang pasya mo. Magisip ka muna ngayon. Remember mahirap lang tayo hehe" sabi ni mama at bigla itong ngumiti
Hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon. Kasi naman jusko nakakabigla na may naging kaibigang mayaman pala lola ko dito napaka unexpected, kasi naman ang hirap lang namin pero akalain mo yon. Anyway going back to the kasalan topic? I dont know kung ano magiging pasya ko huhu sino ba kasi yon? Hindi ko naman kilala eh huhu so paano ako makakapayag at isa pa gusto ko yung papakasalan ko yung mahal ko hindi yung hindi ko kilala huhu.
Mabilis akong pumanik ng kwarto at ganon din sina mama at papa. Nakahiga ako ngayon at nagiisip. Iniisip kung papayag ba ako o hindi. Well, tama nga naman kasi sina mama na kailangan namin yon dahil sa hirap ng buhay ngayon. Pero hindi pa talaga buo ang desisyon ko huhu. And lastly kailan ba yon? Baka bukas na omg. Hays alexa! Magisip isip ka dali. Kaya mo ba talagang pakasalan ang taong hindi mo pa kilala at nakikita? Hays. Pagkatapos ng ilang oras na pagiisip napagisipan ko na matulog na muna at bukas na ituloy ang kalokohang ito.

BINABASA MO ANG
Unspoken Love
RomansSi Alexa, isang babaeng matapang pero hindi naman kagandahan. Nabibilang sa mga taong walang karanasan sa pagibig. Virgin kung tawagin, pero nagbagao ang lahat ng makilala niya si Gian. Si Gian, isang singer at artista. Playboy at walang sineseryoso...