Seven

43 5 0
                                    

Kinaumagahan agad akong bumangon at nagayos para pumasok. Kumain, nagtoothbrush and after that naligo. Mabilis akong natapos kaya naisipan kunang lumabas ng bahay. Hindi pa gising sina mama at papa pati yung kapatid kung sira kaya ako nalang nagasikaso ng breakfast, ayoko na din kasing makausap sina mama at papa about sa kasal ngayon lalo na at hindi pa ko nakakapagdecide. So ayon nga lumabas na nga ako nang bahay at kinuha yung bicycle ko para agad makapunta ng school.

"Ang sarap ng hangin ngayong umaga hay. I feel relaxed and free to stress" sabi ko sa sarili ko

Dahil sa kabilisan kung magbicycle agad akong nakarating nang school kaya dali dali akong pumunta ng art department room. Pagpunta ko palang ng 1st floor ramdam ko na ang katahimikan sa paligid. Halos wala pang tao at madilim pa ng konti. Mga 6:30 palang kasi eh kaya ayon. Anyway going back to the topic. So ayon nga umakyat na ko ng hagdan papunta 2nd floor pero yung art department room sa may 4th floor pa yon kaya super pagod umaakyat ng hagdan. Anyway, nasa 2nd floor na ako sa mga oras nato pero napagisipan ko munang magpahinga ng konti kaya umupo ako sa may upuan sa bangdang banyo ng mga lalaki. Wala pa namang tao so expect ko wala ding lalabas doon. Hanggang sa biglang nagbukas yung pinto ng banyo nang mga lalaki at dali dali akong tumayo. Tumayo ako at humarap. Doon ko nakita ang isang lalaki pero hindi ko masyadong makita yung mukha dahil sa sobrang dilim pa sa loob kaya tumakbo ako. Siguro dahil narin sa takot or what basta tumakbo ako but sad to say naabutan pa niya ako huhu. Hinawakan niya ako at biglang hinarap sakanya. Ramdam ko ang kanyang mga kamay at alam kung ramdam nito ang aking kaba. Kaya mabilis niya rin akong binitawan.

"Sino ka!" tanong ko dito

Mga ilang minuto din siyang hindi sumasagot at nakatayo lang sa tabi ko. Nakasandal sa pader at tila parang nagiisip.

"Wag kang oa diyan panget! Ako to si Gian. Yung poging singer kaya wag kang matakot kasi mas nakakatakot pa itsura mo sakin" seryosong sabi nito

"Talaga? Sus pogi ka nga panget naman ng ugali mo wala din" mahinang sagot ko dito

"Huh? May sinasabi kaba?" tanong nito

"Wala sabi ko oo pogi kana" sagot ko ulit sakanya

"Alam ko hindi muna kailangang ulit ulitin" sabi nito at bigla siyang ngumiti

Umalis sa pagkakasandal si Gian sa mga oras nayon at bigla niya akong hinila. Tumakbo siya habang hawak hawak ang kamay ko hindi ko alam kung ano ba yung nasa isip nang lalaking to at bakit niya ko biglang ginaganito. Yung kamay niya napakalambot walang bahid ng gaspang. Pero speaking of that, habang hawak hawak niya ang kamay ko at kasalukuyan kaming tumatakbo. Bigla ko din lg naramdaman ang pagtakbo ng tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang tignan ang mukha niya sa mga oras nato na nagiging dahilan ng mas lalong palakas na palakas na tibok ng puso ko. Hindi ko mawari kung ano ba yung nararamdaman ko pero naisipan ko na magsimula nang makilala ko siya biglang nagbago lahat. Pati emosyon ko at yung nararamdaman ko ngayon. I guess im started to like him.

Ilang oras din kaming tumatakbo at bigla na niyang binatawan ang kamay ko. Kitang kita ko sa mukha niya ngayon ang saya. Kanina kasi napakaseryoso niya pero ngayon naging maaliwalas na ulit ang mukha niya. Nakatayo kami ngayon nang bigla niyang tinuro ang isang secret room sa campus namin. Ito pala yon. Ito pala yung pinuntahan namin, isang room na punong puno nang mga magagandang paintings. Agad na pumwesto si Gian sa isang bakenteng upuan na nakapwesto sa bandang left. Tinawag niya ako at itinuro din ang isang chair.

"Hoy panget tara paint tayo. Gusto kung makalimot ngayon kaya samahan moko" sabi nito at biglang ngumiti na nakadagdag sa kapogian niya

"Tss oo na heto na" sabi ko dito

Ayon nga at mabilis akong pumunta sa chair na banda sakanya at nagsimula na rin kaming nagpinta. Seryoso itong nagpipinta kaya kitang kita mo dito na gustong gusto talaga niyang makalimot ngayon. Kaya mas naganahan akong samahan at tulungan siya.

Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon