Alexa POV
Patuloy sa pagiyak ang lalaki at damang dama mo dito ang sakit na nararanasan niya sa mga oras na iyon. Gusto ko siyang lapitan at damayan pero wala akong karapatan. Sa mga oras ring yon gusto kong umalis pero parang may pumipigil sa akin. Isang magnetic force na tila nangagaling sa lalaki, syempre joke lang haha. Akma na sana akong tatalikod nang biglang humarap ang lalaki sa may pintuan dahilan upang magtagpo ang mga mata namin. Halos matagal tagal din kaming nagtitinginan hanggang sa bigla itong tumayo at pumunta palapit sa akin. Palapit ng palapit sa akin. Hanggang sa napunta na ito sa tapat ko at bigla akong itinulak na naging dahilan upang masandal ako sa pader.
"Hoy ikaw! may narinig ka ba sa mga usapan namin kanina?" tanong nito sakin
"Pake mo kung may narinig ako" sagot ko dito at sinimulang alisin ang kamay nito na nakasagal sa dinadaanan ko
"Talaga? Akala mo ba maloloko moko? Hoy kapag nalaman ko na may kumalat about dito or about sa mga sinabi ko na narinig mo humanda ka sa akin" sabi nito at naglakad na paalis
"Gawin mo i don't fucking care!" mahinang sagot ko dito
"May sinasabi ka?" tanong nito at tumingin patalikod sakin
"Wa-wa-wala" sagot ko at mabilis na umalis
Umalis ako kung saan nandoon siya kitang kita ko sa mga mata niya ang galit na may halong sakit. Aba! Hindi ko naman kasalanan na marinig yung usapab nila eh kaya bahala siya. Mga ilang minuto din yata akong tumatakbo at sa wakas nakarating narin ako nang canteen. Bumili ako ng pagkain at dali daling bumalik ng room.
Gian POV
Hindi ko alam kung anon yung mararamdaman ko ngayon. Ang alam ko lang para akong sinaksak ng makalawang na kutsilyo sa puso at dahan dahan na inaalis na nagiging dahilan para mas maramdaman ko ang sakit. Mamaya na ang concert pero biglang nawala lahat ng good vibes at good mood ko. Parang ayaw ko ng ituloy pa ang concert ewan ko ba.
"Gian! Pre, ano na excited ka ba para sa concert mamaya?" tanong ng isa sa mga tropa ko
"Hindi nga eh parang ayaw ko na ngang ituloy yung concert" malungkot kung sagot sa mga ito
"Tanga ka ba pre? Hindi pwedeng hindi matuloy yon nakapagdecide na yung school na kayo ang magrerepresent dito kaya wala ng back out back out" sagot naman ng isa
Ayon nga wala nakong choice kung hindi ituloy ang concert kahit alam kung pwedeng makasakit sa akin mamaya. Hindi pako ready makita si Leanah hindi pa ready iaccept ng puso ko ang mga masasakit na desisyon niya. Hindi ko alam kung may rason pa ba para mabuhay ako? Gusto ko nang mamatay hays
Alexa POV
Mga ilang oras din ang itinagal nang subject namin kanina. Halos mabagot nako kakahintay at halos mamatay matay na sa excited ang mga kaklasi ko. Ngayon na daw kasi yung concert and yun nga ako lang hindi excited at ready.
"Guys, i cant believe it concert na nina gian omygosh!" sabi ng isa kong kaklase
"Ano pang hihintay natin gora na baka maubusan tayo ng upuan!" sagot naman ng isa
At ayon nga mabilis silang kumaripas papunta sa theater kung saan gaganapin ang concet nung gian. Pogi ba talaga yon? As in poging pogi? Bat ang daming girl na baliw na baliw sakanya? Hays makapunta na nga rin
"Alexa! Tara na!" sabi ng tatlo kung kaibigan at sabay sabay akong hinila nang mga ito

BINABASA MO ANG
Unspoken Love
RomanceSi Alexa, isang babaeng matapang pero hindi naman kagandahan. Nabibilang sa mga taong walang karanasan sa pagibig. Virgin kung tawagin, pero nagbagao ang lahat ng makilala niya si Gian. Si Gian, isang singer at artista. Playboy at walang sineseryoso...