Five

50 7 1
                                    

Leanah POV

Nasa labas palang ako at rinig na rinig ko na ang mga hiyawan ng mga tao. To be honest natatakot ako ngayon. Natatakot ako na baka magbago ang desisyon ko na hindi ibreak si Gian pero bawal kung palitan iyon dahil napagdesisyunan kung pumunta muna ng ibang bansa para sa isang importanteng bagay. Ito na ang pinakalast concert ko ngayon sa campus namin. Ewan ko ba mas focus ako sa career at study ko ngayon kaysa kay Gian.

Pagpasok ko sa theater habang kumakanta kita ko sa mga mata ni Gian ang lungkot sakit at galit nito pero wala akong magagawa kahit gustuhin kung maging asawa niya hindi pa pwede. Bata pa kami at marami pang pwedeng mangyari. Kasalukuyan akong kumakanta ngayon at ganon din siya. Dinig na dinig naming dalawa ang hiyawan at request nang mga tao sa amin may ilang nagsasabing "kiss" pero hindi pwede dahil hindi na kami at may ilan naman na nagbabash at nagsasabing "umalis ka na diyan hindi kayo bagay" but still mas pinili kung hindi bumaba

"Kiss naman diyan oh!" pasigaw na request nang nakararami

"Oo nga kiss naman kayo!" sabi din nang mga kaibigan ni Gian sa amin

Nagkatinginan kami ni Gian, nginitian ang isa't isa pero hindi niya ako hinalikan sa labi. Nagulat na lang ako ng akma niya akong hilain at hinalikan sa may noo. Ramdam ko ang labi nito na dumampi sa noo ko. Ganon din ang mga hiyawan at tilian ng mga tao kaya hinayaan ko nalang hanggang sa matapos namin ang kanta at sabay na nagpaalam sa mga students na naroroon.

"Salamat guys at sinuportahan niyo kami hanggang matapos ang concert. You guys are so fabulous!" sabay na sabi namin ni Gian

"Ayieeee, syempre kayo pa! Hindi kami mapapagod na suportahan kayo pati ang mga concert niyo right? Ginahnatic?" sabi nang mga grupo nang kababaihan na nasa taas

"Yes naman were one as nation" sabi naman ng iba

Pagkatapos non ay tuluyan na nga kaming lumabas ng theater ni Gian.

Alexa POV

Kaninang pagpasok ni Leanah kitang kita ko sa mga mata ni Gian ang lungkot pero kainis lang bigla kasi siyang sumaya nung kiniss niya si Leanah sa noo. Akala mo naman sila pa, duh Gian hindi na kayo wag ka ng umasa tsk.

"Anyway bat pala ako nagkakaganito? Hoy! Alexa anong nangyayari sayo? Akala ko ba kinaiinisan mo yung lalaking iyon mula nung magkita kayo? Diba diba sinabi mo palang yon?" sabi ng isang side ng utak ko

"Hoy! Wala ka kayang sinabi! Sa pagkakalam ko mabilis na tumibok yung puso mo nang kindatan ka ni Gian. At kita ko rin ang inis mo nang makita mung hinalikan niya si Leanah sa noo. Wag mong sabihing?...." sabi naman ng isang side ng utak ko

Hays hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito duh ilang oras lang kaming nagkakilala wag mong sabihing nagugustuhan ko na siya? Hahahahahahahahahahahaha alexa gumising ka nga para ka ng tanga

"Tanga na ba talaga ako?" mahinang tanong ko ulit sa sarili ko

Hanggang sa may biglang sumagot dito na bigla ding kinabuhay ng kaluluwa ko

"Oo bessy ang tanga tanga mo kasi kanina mupa kinakausap sarili mo, bessy tapos na concert tayo nalang nandito oh? Anong balak mo? Matutulog ka ba dito hanggang bukas? Hay" sabi ni Cathy at bigla itong umalis

"Hehe sorry naman bessy heto na nga aalis na" sagot ko dito at bigla siyang inakbayan at sinabayan sa paglalakad

Ayon na nga at nakalabas na kami ng theater. Halos kaming dalawa na nga lang ang natira akala ko marami pang tao dito pero halos lahat yata napagod kakasigaw kanina kaya mabilis na umuwi ang mga ito para matulog. Kaya napagisipan na namin ni Cathy na umuwi na rin kaya lumabas na kami ng campus at tuluyan ng sumakay ng jeep papunta sa aming mga bahay.

Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon