"PUSONG NASAKTAN"Puso'y nasaktan dahil iyong iniwan
Matapos mangako sa ilalim ng buwan
Akala ko'y tayo'y pang walang hanggan
Ngunit ni isang dahilan wala kang iniwanMaraming tanong sumagi saking isipan
Bakit kailangan humantong sa ganitong sakitan?
Bakit kailangan sa ganitong paraan mo ako iiwan?
Bakit hindi naging sapat ang ating pagmamahalan?Simula ng ako'y iyong iniwan
Ika'y aking kinamuhian
Pero salamat dahil ako'y binigyan mo ng kasiyahan
Kasiyahang kailanma'y hindi ko malilimutanPagdating ng araw, sana'y iyong pagsisihan
At ika'y bibigyan ng kapatawaran
Kapatawarang nagmula sa puso't isipan
Mahal kita kaya kong gawin ang lahat ng iyan.Salamat sa ala-ala
Kahit ika'y nawala na parang bula
Tatlong salita tumatak sa aking puso't isipan.
WALA NG TAYO!-ginger_pretts