POEM 4- TAGALOG

689 6 0
                                    


"PUSONG MARUPOK"

Nakakapagod ng magmahal
Sa bawat sakit, kay sarap manampal
Lalo na kapag hinarap ko sakin ang mukha mong kay kapal
Wala akong paki kung ako'y brutal.

Kay galing mong mambola
Tapos mawawala na parang bula
Handog sayo aking tula
Para lahat ng sakit na iyong maalala.

Ganon ba ako kahirap mahalin?
Para iyong lokohin
Para iyong limutin
At para biguin.

Isang gabi sabi mo AYAW MO NA
Mundo ko'y gumuho ng biglaan
Mga mata ko'y biglang luhaan
Isang kaganapang hindi ko inaasahan.

Di malaman kung anong gagawin ko.
Ako'y nasaktan ng lubusan, yun lang ang alam ko.
Puso ko'y naging marupok
Kaya sarap mong bigyan ng isang malakas na sapok.





-ginger_pretts

Poems of LOVEWhere stories live. Discover now