Poem 9- Tagalog

516 5 0
                                    

O PAG IBIG

Tuwing nakikita kita
Mundo ko'y tila kay saya
Bumubuo sa araw kong kay ganda
Hinihiling na ika'y parati makasama.

Mga ngiti sa labi'y hindi mawala
Ikaw na yata ang itinadhana
Sa puso kong nagwawala
Tuwing nakikita ka.

Kilig hindi mapigilan
Puso ko'y biglang tinamaan
Kaya naman gagawa ng paraan
Ikaw lamang ay masilayan.

Hindi alam kung kelan naramdaman.
Basta alam ko totoo at walang pag aalinlangan
Sana umabot ng walang hanggan
Kahit hindi pa natin nasisimulan.

Sa bawat araw na lumilipas
Sana'y pag-ibig maging wagas
Tadhana sana'y maging patas
Para puso natin ay lumipad ng mataas.







-ginger_pretts



(A/N: Ngayon lang po ako nakapag UD kasi ngayon pa lang po ako nainspired gumawa. Kaya Alam na😂😂 Next Time po uli. Thank you)

Poems of LOVEWhere stories live. Discover now