POEM 13

350 4 0
                                    


"Untitled"

Sana hindi ka na lang pumasok sa buhay ko.
Sana hindi ko na lang nararamdaman ang presensya mo.
Sana hindi na lang ako nakipaglaro.
Sana hindi na lang ako yung ginusto mo.

Ang hirap magpanggap.
Konsensya ko'y hindi na kasing puti ng ulap.
Pano kasi, hindi talaga ikaw ang tunay na hanap.
Hanap ng puso kinakailangan ng yakap.

Isang malaking kalokohan
Ang sinasabi pagmamahalan
Yung sinasabing pang walang hanggan
Yun pala'y isang katangahan.





(Wala po ako maisip na title. Kung meron po kayo naisip ay feel free to comment. Thank you po.)

Poems of LOVEWhere stories live. Discover now