POEM 12

322 6 0
                                    


"Pagsisisi"


Labis na nahihirapan
Sa sitwasyong walang kasiguraduhan
Kung totoo o isa lamang kalokohan
Sitwasyong may nasasaktan.


Nagsisisi sa mga desisyong ginawa
Bigat na nadarama'y idinadaan na lamang sa tawa.
Napapaisip ako, ako'y nakakaawa.
Pero sa huli, mali kasi pumasok ako,  hindi ko pala kaya.


Bitaw.  Bitaw.  Bitaw.
Bitaw sa damdamin kong iyong saklaw.
Pakiusap,  ika'y bumitaw
Upang problema hindi lumitaw.


Magulo tayo.
Malabo tayo.
Teka,  wala nga palang tayo.
Kasi ayokong magkaroon ng tayo.

Pwede bang tigilan na?
Kasi nakakapagod na?
Kasi nakakairita na?
Kasi nagsisisi na talaga ako, sa desisyong akala ko ay ikakasaya ko.



Poems of LOVEWhere stories live. Discover now