"YUNG IKAW AT AKO"
Sa loob ng mahabang panahon
Hindi ko inakala na ikaw ang makakapagpahinahon
Sa puso kong pag kinikilig ay tumatalon
Na dati ikaw ay isang imahinasyon na ngayo'y isang adiksyon.
Nang lumaon ay mga ngiti sa labi ay palaging baon
Kung saan ako pumaroon ikaw ay palaging naroroon
Walang makakapigil saatin maging ang mga alon
Mga alon kumakatawan sa pagsubok na tayo'y hinahamon.
Sana sa lahat ng problema lagi tayong may solusyon
Pero pakatandaan mo lahat ay may limitasyon
Tandaan mo rin na ikaw at ako ang pundasyon
Pundasyon na ikaw at ako ang kombinasyon
Hindi ko hinihiling na magkaroon ng perpektong pagsasama
Wag lang yung paggising ko sa umaga ay wala ka na
Wala ka na at may mahal ka ng iba
At yung nararamdaman mo sakin ay parang inanod lang ng baha sa bilis ng pagkawala.
Kaya naman tamana ang dudahan
Pag-ibig ay atin ng nasimulan
Yung dating IKAW at AKO na samahan
Ay mayroong ng TAYO na pang walang katapusan
-ginger_pretts