POEM 6- TAGALOG

602 4 0
                                    

KAYA PA BA KITANG KALIMUTAN?

Sinaktan mo ako at Iniwan.
Iniwang parang basahan.
Ginamit dahil may kailangan.
Ngunit puso'y ikaw pa rin ang nilalaman.

Luha'y tumutulo sa aking mga mata.
Umiiyak at hindi malaman kung saan pupunta.
Naging sunod sunuran, parang isang tuta.
Nagawa ang mga bagay bagay iyon ay dahil mahal kita.

Sabi nila isa akong dakilang tanga.
Kahit ako rin biglang humanga
Sa sarili kong nagpapakatanga
Para sa isang taong walang kwenta.

Ngunit kahit anong sabihin nila
Tila'y puso ko'y iyong hinihila.
Anong meron sayo at kay hirap kang kalimutan?
Ganon na ba kita kamahal para hindi kita bitawan?

Isang umaga, paggising ko
Natawa na lang ako
Ang isang dakilang nagpakatanga sayo
Ay bigla ka ng KINALIMUTAN.


Poems of LOVEWhere stories live. Discover now