Kabanata 1 ... "Maria Cecilia Palma"

254 9 0
                                    

No part of this book maybe reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage or retrieval system without the written permission of the author.

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, luving or dead, events or locales is entirely coincidental.

******

"Maria Cecilia Palma"

-----------

''TAONG 1898 . .. NASA ilalim pa rin ng pamamahala ng bansang Espanya ang Pilipinas. Sa halos 300 taong nasakop ang bansa ay natutong maghimagsilk ang mga Pilipino. Naisilang ang Katipunan isang lihim na samahan ng mga manghihimagsik. Karamihan sa kanila ay nasa kabundukan. May namumuno rin sa kanila ng lihim. Sila ang mga matatalinong Pilipino na ang iba ay nasa Maynila at ibang bansa. Sa gitna ng himagsikan ay isinilang ang isang wagas na pag-iibigan nina Maria Cecilia at Eduardo. . . at isinilang ang isang nakabalakatkayong matapang na mandirigma si Gomera laban sa mga mananakop na Kastila.

******

PARIS, PRANSIYA. Dalawang eskrimador ang nagtatagisan ng kahusayan sa pag-eskrima. Halos isang oras na silang naglalaban pero wala pang sumusuko. Maestro ang isa at tinuturuan niya ang kanyang estudyante, isang babae. Si Maria Cecilia Palma isang Pilipina.

" Ha ha ha! Ilang pagsasanay na lang at tatalunin mo na ako Maria. "

" Hi hi hi! Hindi naman po maestro."

Umupo silang dalawa. Humihingal ang maestro. Pinupunasan naman ng dalaga ang kanyang espada hzbang pinagmamasdan niya ang kanyang maestro.

" Wala na yatang tatalo sayo rito sa Paris, Maria. Katulad ka ng iyong ama, bihasa sa eskrima. Sayang at baldado na ang isang paa niya. Nagmana ka sa kanya"

Tumayo ang dalaga at isinukbit ang kanyang espada. Nagpupunas naman ng pawis ang matandang maestro.

" Maestro, huwag po ninyong ipapaalam kay Papa. Magagalit po siya sa akin"

" Asahan mo iha."

" Isa pa ho maestro?" Umiling ang maestro.

" Bukas naman iha. Pinagod mo ako, ha ha ha!"

Maganda si Maria Cecilia, matangkad na balingkinitan ang katawan. May kahabaan ang buhok na bumagay sa makinis at maputi niyang kutis. Matangos ang ilong at may maninipis na namumulang mga labi. Mapagkakamalan siyang isang banyagang puti kung hindi siya kilala. Ilang buwan na lang ay uuwi na siya sa Pilipinas. Gusto na niyang makita ang kanyang mga magulang.

-------

STA. MARIA, Linggo ng umaga, araw ng pagsimba. Punong-puno ang simbahan kahit na mainit sa loob ay nagtitiis ang mga tao. Malapit sa altar naka-upo ang mga mayayaman ng bayan. May mga pinuno ng Guwardiya Sibil na nakahalo sa mga mayayaman. Panay ang paypay ng mga kababaihan at nagpupunas ng pawis ang mga kalalakihan. Malapit sa unahan naka-upo si Don Enrique Palma at katabi ang kanyang asawang si Donya Rosela Palma. Siya ang pinakamayaman sa bayan ng Sta Maria. Malakas sa Gobernador Heneral na nasa Maynila. Kaya takot sa kanya ang alkalde ng bayan na si Don Tiburcio San Jose.

Tapos na ang misa ni Padre Roja, isang Kastilang Prayle at nagsesermon na lang siya. Tahimik na nakikinig ang mga nagsisimba kay Padre Roja.

" Lapastanan ang mana Indio. Hindi na ginagalan an Dios. Masunog sana an inyo na mana kaluluwa sa impyerno. Karamihan dito ay mana magnanakaw. Hindi nagbabayad ng tama na buwis sa simbahan. Kinukupitan an para sa Dios. Sirberguenza sila lahat! Bukas, tataasan ko an mana buwis an hindi magbabayad na tama ay may dagdag na palo ng latigo. Alkalde Tiburcio, sabihan an mana kolektor, sipagan an pangongolekta. Intiyende Alkalde! " Tumango si Don Tiburcio.

Gomera  (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon