Kabanata 7 . . . Hulihin si Don Eduardo

75 8 0
                                    


--------

"Hulihin si Don Eduardo"
 

DUMAGSA ang mga tao sa bagong bukas na tindahan ni Eduardo. Nagdatingan ang mga kilalang mamamayan sa kanilang bayan. Pinupuri nila ang tindahan at hindi na raw nila kailangang lumuwas pa ng Maynila para bumili ng kailangan nila. Nakita nilang halos lahat ay nasa tindahan na ng binata.

Dumating sina Maria Cecilia. Tuwang-tuwa ang binata ng makita ang dalaga. Magkasabay na dumating rin sina Padre Ramirez at Kapitan Ruiz. Nakita nila ang dalawa na nag-uusap. Kapwa sila nakaramdam ng pag kainis. Sa tingin nila, tila malapit na si Maria kay Eduardo.

Nagbulungan ang dalawa.

"Kapitan, yan si Don Eduardo, alam mo ba kun ano na pamilya ang kanya na pinagmulan? Paano siya yumaman? "

"Nada Padre. Que pasa para malaman ko an kaniya na pinagmulan? "

"Kapitan. Alam ko na may gusto ka kay Maria. Kun mawawala yan si Don Eduardo sa kaniya na buhay, wala ka na na karibal. Intiendes Kapitan? "

"Si mi padre! Akina siya paiimbistegahan sa akin na mga ahente. Ha ha ha! "

Lumapit silang dalawa kina Eduardo at Maria. Nagkabatian ang apat. Nagkumustahan. Dumating si Don Tiburcio kasama ang asawa na nanlaki ang mga mata sa mga paninda ng binata. Kumuha siya ng lalagyan at nagsimulang mamili para ipagyabang sa kaniyang mga amiga.

Habang abala ang mga tao sa loob ng tindahan, dalawang bata ang pumasok at nakihalubilo sa kanila. Lumapit sila sa lagayan ng bigas at ang isa ay sa mga pinatuyong isda. Nakatali ang pantalon ng batang lalaki at nakapasok sa pantalon ang kanyang kamisa de tsino. Dumadaklot siya ng bigas ng palihim at ipinapasok sa loob ng kaniyang damit. Katulad ng kapatid niyang babae, kumuha ng ilang piraso ng isda at ipinasok rin sa kaniyang damit. Papalabas na sila ng harangin ng isa sa katiwala ni Eduardo.

"Hoy mga bata. Ano ang nasa loob ng damit ninyo?

Nagitla ang balawang bata. Tumingin sa dalawa ang mga tao. Narinig ni Padre Ramirez ang pagsita ng katiwala at lumapit siya. Napasunod sina Eduardo at Maria.

"Patawad po. Hindi pa ho kami kumakain, dalawang araw na ho."Sabi ng bata.

Kaagad namang. Piningot ni Padre Ramirez ang tenga ng batang lalaki.

"Aray po! Aray po! "

"Animale! An bata mo pa isa ka na na magnanakaw, he! Dapat sayo ay turuan na lesiyon! Kapitan, iyo na dalhin an mana bata na ito at paluin an kanila na mana kamay hanggan sa mamaga"

Namula si Eduardo sa kaniyang nakita at narinig. Tinapik niya ng malakas ang kamay ni Padre Ramirez.

" Pak! "

"Hindi na sila dapat saktan, padre! Sila'y mga musmos pa. Kung may dapat mang magparusa sa kanila, ako ho dahil pag-aari ko ang kinuha nila."

Nabigla ang pari sa ginawa ni Eduardo. Napahiya siya sa mga tao sa loob ng tindahan. Hindi siya nakapagsalita na ng makita niyang umupo si Eduardo.

"Anong pangalan mo utoy? Bakit ka kumukuha ng walang paalam?"

Lumuluhang nagsalita ang batang lalaki.

"Hernando po ang pangalan ko at Amelia po itong kapatid ko. Maysakit po si ama mula po ng mamatay ang aming ina. Kaya wala po kaming makain. May kapatid pa po kaming maliit sa bahay."

"Ano ang pangalan ng iyong ama at saan kayo nakatira. "

"Sa ibayo po ng ilog. Anacleto po ang pangalan ng ama namin at Gervacia naman po ang namatay naming ina na kailan lang po naililibing. Wala pong trabaho ang ama namin. Dati ho naglalaba si ina sa simbahan . Hindi po namin alam kung bakit siya nagpakamatay."

Gomera  (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon