Kabanata 4 ... Kapitan Taling

99 7 0
                                    


"Kapitan Taling"

-------

Sa isang barangay ng Sta. Maria ay nagmamakaawa ang isang ginang sa kolektor ng simbahan. Wala na silang alagang hayop na pambayad buwis. Said na rin ang laman ng kanilang tapayang lalagyan ng bigas. Sampung pesetas na lang ang pera nila at pambili pa nang pagkain. Pinakatatago na niya pero nahalungkat pa rin ng kolektor. Nag-iiyakan ang kanyang tatlong anak.

"Maawa naman po kayo. Walang kakainin ang aking mga anak."

"Wala akong magagawa. Narito sa aking listahan ang inyong pangalan. Kung hindi kayo magbibigay. Alangan namang ako pa ang mag-abono sa inyo. Kung bakit kasi gagawa-gawa kayo ng mga anak na hindi ninyo kayang pakainin. Humabi ka riyan!"

Itinulak niya ang babae. Wala ring magawa ang mga kapitbahay niya. May kasamang apat na kawal ang kolektor. Hindi nila napansin ang dumating na nakakabayo.

Nagulat ang kolektor ng biglang humagupit sa likuran niya ang latigo. Nasira ang damit niya. Umaringking siya sa sakit. Humarap sa naka-kabayo ang apat na kawal.

" Ugh! " Bumaon sa dibdib ng isang kawal ang punyal. Ikinakasa ng tatlo ang kanilang mga armas.

" Whiiip! Whhip!" Magkasunod na tumilapon ang kanilang armas. Nahagip ng latigo.

" Ugh" Sinipa niya sa mukha ang ikatlo. Bumagsak ito sa lupa bumunot ng espada ang dalawang nawalan ng baril. Bumaba sa kabayo ang nakamaskara. Binunot ang kanyang espada. Sumugod ang dalawa.

"Urgh! Arkkh!"

Ilang ulos lang nila na sinangga ng mabilis ni Gomera at magkasunod na tinusok ang kanilang leeg. Halos sabay-sabay silang. Bumagsak sa lupa. Tumayo ang nasipa ni Gomera. Bumunot na rin ng espada. Binunot ni Gomera ang kanyang pistola. Pinaputukan ang kawal.

"Hunngk!" Sapol siya sa kanang pisngi. Bumaligtad at nagkikisay sa lupa.

Nakasubsob sa lupa ang kolektor. Hawak niya ang kanyang ulo. Takot na takot. Lumapit sa kanya si Gomera at sinipa siya sa puwitan na lalong napasubsob sa lupa ang kaniyang mukha at nakakain pa ng alikabok.

"Huwag po! Maawa na ho kayo sa akin. Marami ho akong mga anak."

"Marunong ka rin pa lang magmakaawa hudas. Bubuhayin kita taksil. Pero sa susunod na makita pakitang nangongolekta ng buwis. Tatanggalan kita ng dalawang tenga at ipakakain ko sayo!"

"Hindi na ho ako mangongolekta. Aalis na lang po ako sa bayang ito."

Tumayo ang kolektor at patakbong umalis. Naiwan ang mga supot ng salapi sa lupa at sa karuwahe na sinaksakyan nila. Kinuha ni Gomera ang mga supot . Ibinigay niya amg isa sa babaing tumatangis kanina. Tinawag niya ang iba.

"Kayo. Paghatian ninyong lahat ang mga ito. Kapag dumating dito ang mga Gwardiya Sibil, sabihin ninyo. Ako si Gomera ang pumatay sa mga kawal at kinuha lahat ng mga salapi! "

Natuwa sila. Lapitan sa karuwahe. Kinuha ang mga nakolekta at pinaghatian nila. Sumakay sa kabayo si Gomera at pinatakbo ito ng mabilis.

Sunod-sunod ang mga pagsalakay ni Gomera sa mga kolektor na nasa mga kanayunan. Binibigay niyang muli sa mga tao ang mga salaping nakokolekta nila. Kahit may mga kasama na silang mga kawal ay nagagapi pa rin sila ni Gomera.
Naging bukang bibig ang pangalang Gomera sa bayan ng Sta. Maria. Galit na galit si Padre Ramirez at Kapitan Ruiz.

"Kapitan, masyado na perwisiyo sa atin an Gomera na yan. Kailanan na siya mahuli. Magpalabas na ikaw na mana polyetos. Magbibigay an simbahan na liman daan na pilak sa sino na makagtuturo kun sino si Gomera."

"Si padre. Masakit na akin na ulo na rin. Nalaman na ni Gobernador an Gomera na yan at magpapadla siya na dagdag na soldados natin dito sa Sta. Maria. Ayoko na mapahiya. "

Gomera  (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon