Kabanata 3 ... Nagpakilala na si Gomera.

105 8 0
                                    


"Nagpakilala na si Gomera"

-----------

Marahan ang takbo ng kanyang kabayong itim. Nasa likuran na siya ng kwartel ng mga Kastila. May iilang gaserang nakasindi sa kwartel. Isa sa harapan. Marahan siyang bumaba sa kabayo. Nakatayo ang isang bantay sa pintuan. Nakatungo ang ulo sa dulo ng mahabang baril at tulog. Lumapit siya. Hawak ang punyal. Bigla niyang sinaksak sa leeg.

" Ugh" Tagos sa kabila .

Binunot niya ang punyal at sinalo ang katawan ng bantay. Hinila papunta sa dilim. Pinatay niya ang gasera. Pumasok siya sa loob. Bawat pintuan ng mga silid na tulugan ng mga kawal ay kanyang tinalian sa labas. Sa dulo ay ang kulungan ng mga preso. Walang nakakulong pero may lalaking nak-upo sa mesa at tulog.

Si Basco. Nakita niya ang lata ng langis. Dinampot niya ito at binuhusan ang sahig papalabas sa mga pintuang nakatali. Bumalik siya sa kulungan. Hawak ang latigo. Hinagupit niya ang natutulog na si Basco. Lumatay sa leeg. Napakislot at nagising ang berdugo.

Hinaplos ang leeg. Mahapdi at nanlaki ang mga mata niya ng tignan ang kamay. Puro dugo. Tumayo siya at ngumisi pa. Kaharap niya ang isang nakamaskara.

"Madre de Puta ka! " Tumalikod siya para bunutin ang espadang nakasabit sa dingding. Humagupit muli ang latigo.

" Whhhip! Ugh!" Lumatay sa kamay niya ang dulo ng latigo. Biyak ang balat.

"Punyeta!"

Sumugod siya para dakmain ang nakamasakara. Umilag si Gomera. Itinulak ng kaliwang kamay niya ang kamay ni Basco at kasabay ng pagpalo niya ng hawakan ng latigo sa ulo ng berdugo.

"Urgh!"

Sapol ang kaliwang mata. Napa-ikot si Basco at namilipit sa sakit. Umalsa kaagad at sumara ang mata. Natumba siya sa mga naka-ayos na gamit sa pagpapahirap ng mga bilanggo. Dinampot niya ang isang palakol. Humarap siya kay Gomera. Binunot ng nakamaskara ang espada niya. Tinaas ng berdugo ang palakol at pinalakol si Gomera. Yumuko si Gomera at umilag pakanan. Lumagpas si Basco na sa pag-ikot niya paharap kay Gomera dulo ng esapada ang sinalubong.

" Arkhh! "

Tuhog siya sa kanang dibdib. Nabitawan ang palakol. Pagbunot ng espada ay umikot ang dulo. Gumuhit sa leeg ni Basko ang dulo at bumulwak ang dugo. Itinataas ng berdugo ang kamay para hawakan ang leeg niya. Malakas na taga ng espada ang pumigil at naputol sa siko. Napaluhod si Basco sa sahig na kahoy. Sinipa siya sa dibdib ni Gomera. Patihaya siyang natumba. Dilat na dilat ang kanyang mga matang nakatitig kay Gomera. Nanginginig ang katawan ni Basco. Kinuha ni Gomera ang lamparang may ilaw. Binuksan ang takip at ibininuhos ang langis sa katawan ni Basco. Inihagis ang dulo na may ilaw sa kaniya. Sumiklab ang apoy .

" Ayyeeee!"

Namilipit si Basco sa sakit habang nilalamon siya ng apoy. Dinampot ni Gomera ang kaputol na kamay ng berdugo. Lumabas siya ng kulungan. Kasunod niya ang apoy na kumakalat sa sahig na kahoy. Naglakad si Gomera sa pasilyo. Nilalamon ng apoy ang mga pintuang itinali niya.

Sa bukana ng kwartel ay hinablot niya ang bandila ng Espanya. Sinulatan ng Gomera gamit ang kaputol na kamay at saka ibinalot ang kamay gamit ang bandila. Lumalaki ang apoy. Nagsisimula ng magsigawan ang mga kawal na nakakulong sa kanilang mga silid tulugan. Hindi sila makalabas. May mga rehas na bakal ang kanilang mga bintana sa mga silid.

Sumakay si Gomera sa kanyang kabayo at nawala siya sa kadiliman ng gabi.

Sa bahay ni Eduardo ay nagising ang binata sa naririnig na hiyawan. Tumayo siya at lumabas ng silid. Napansin niya ang liwanag sa labas ng bahay sa tapat ng kwartel ng mga kawal Kastila. Binuksan niya ang bintana. Nagulat siya sa nakita. Nasusunog ang buong kwartel. Napangiti siya at napansin niya sa kalayuan ang anino ng isang taong nangangabayo ng mabilis. Isinara niya ang bintana. Bumalik siya sa kaniyang silid at muling humiga sa kama.

Gomera  (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon