Kabanata 12 . . . Sumiklab na ang Himagsikan

68 10 1
                                    

--------

"Sumiklab na ang Himagsikan"

-------

 

Sinamahan ni Mang Mario sina Don Enriquez at ang mga katiwala sa isang kweba. Nasa isang mataas na burol ito malapit sa kabundukan. May malalagong puno kaya hindi nakikita sa malayo. Pumasok sila sa loob. Maluwang at may ilang sulo na may ilaw pa ang nakasabit sa gilid. May mga papag at mga kagamitan. Nakasabit ang ilang piraso ng mga itim na damit at sombrero na iisa ang disenyo. Nakita ng don ang dalawang itim na kabayo na nakatali sa isang tabi. Nagtaka siya. Nakasabit din sa mga damit ang latigo at espada. Lumapit siya kay Mang Mario.

" Mang Mario, kanino ho damit ang mga ito. Kayo ho ba si Gomera?"

Napabuntung hininga si Mang Mario.

"Sa inyong anak po. Siya si Gomera. Katulong lang po niya ako"

" Ha? Si Maria si Gomera?"

Pagkabiglang tanong ng don at umupo si Mang Mario. Nagsimula na siyang magkwento.

" Noong nag-aaral pa lang siya sa Pransiya ay binabasa niya ang kasaysayan ng bansang iyon. Humanga siya sa katapangan at kagitingan ng mga Pranses. Lumaban sila sa mga dayuhang mananakop sa kanilang bansa. Humanga siya sa tres muskiteros ang lihim na samahan na tapat sa Reyna ng Pransiya. Kaya naisip niya na gayahin sila para labanan ang mga Kastila rito sa atin . Nagpaturo siya sa paghawak ng mga armas at nagpakasanay. Si Piedmont na inyong kaibigan ang nagturo sa kanya. "

"Ahhhhh! Ang aking matalik na  kaibigan. Kaya pala magaling sa eskrima si Gomera."

Tinignan ng don ang espada. Binunot ito. Matagal na rin siyang hindi humahawak ng espada.

" Kaya ng umuwi ho siya ay lihim niya akong kina-usap. Sinabi sa akin ang balak niya. Kaya nanahi kami ng mga itim na damit. Dala na po niya ang mga espada, latigo at pistola. Matapang po si Maria. Walang takot at napakahusay. Tinuruan po niya ako rito sa loob. Nang mabaril siya ay tinulungan ko siyang pumasok sa silid niya. Alam namin na parating na ang mga Kastila kaya humiga siya kama at nagkumot na lamang. Sinuot ko ang isang damit na itim at ako ang nagpakita sa kanila para iligaw sila. Ako rin po ang pumasok sa simbahan. Para ipakita sa mga Kastila na kaya ni Gomera ang magpunta kahit saan sa bayan. Sa aking tiyuhing si Tata Belo po ako nagtago at iniwan ang kabayo roon. Kaya madali po siyang makapagpalit ng damit at lumabas na Gomera."

Hindi makapaniwala si Donya Rosela sa kaniyang naririnig na ang kaniyang anak na dalaga ay si Gomera.

" Kung ganoon po Mang Mario ay kayo ang kasama ni Maria sa kaniyang silid nang pasukin siya ni Kapita Ruiz?"

" Opo. Inutusan niya ako noon na kunin ang mga gamot dito sa kweba at dalhin sa kanya. Naroroon na ho ako ng dumating ang kapitan. May lakad ho sana kami ng gabing iyon pero hindi na natuloy dahil sa nangyari. Para malito ang mga Kastila ay sabay kaming nagpapakita sa magka-ibang lugar. Pero siya lamang po ang lumalaban at umaalis na ho ako. Napakatalino ni Maria. Hanga po ako sa kaniyang abilidad kaya sumang-ayon ako sa kaniyang mga balak. " isinabit ng don ang espada.

" Saan pupunta ngayon si Maria, Mang Mario?"

" Ngayon po ang itinakdang araw para sa lahat ng mga Katipuneros sa buong bansa ay mag-aklas. Kaya patungo na ho sa bayan ang pangkat ni Heneral Pio kasama po si Don Eduardo. "

Habang nag-uusap sila ay narinig nila ang mga pagsabog ng mga kanyon sa malayo.

" Boom! Boom! Boom!"

"Mang Mario mga putok ng kanyon iyon."

"Opo Don Enriquez. Huwag po kayong matakot. Ligtas po kayo rito. "

Gomera  (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon