Kabanata 8 . . . Simula ng Himagsikan sa Sta. Maria

70 8 0
                                    


"Simula ng Himagsikan sa Sta. Maria"

---------

LINGGO ng umaga. Iilan lang tao ang nagsimba. Galit na galit si Padre Ramirez habang nagsesermon siya sa itaas ng pulpito. Sinabi niya na sa susunod na tamarin pang magsimba ang mga tao ay dadagdagan niya ang buwis nila buwan-buwan. Natapos ang kanyang sermon at matapos basabasan ang mga nagsimba ay nagmadali rin silang lumabas.

Sa plaza ay marami na ang naghihintay na mga tao. Dumating ang mga nagmamartsang  Gwardiya Sibil. Pinaikutan nila ang bilog na entablado. Marami pa rin ang mga nagdaratingan sa mga tao. Dumating sina Maria Cecilia, silang dalawa lang ng ama niya. Masama ang pakiramdam ni Donya Rosela kaya hindi na siya sumama. Pumuwesto ang mag-ama sa ilalim ng isang puno para hindi sila mainitan sa sikat ng araw na papainit na. Maraming tao sa paligid nila. Karamihan ay mga babae pa at nakatalukbong ng mga bandana dahil sa mainit na sikat ng araw. Dumating sina Don Tiburcio pero hindi siya umakyat sa entablado dahil kasama niya si Donya Estefania. Tahimik na naghihintay ang mga tao. May mga dumarating pa na galing sa malalayong lugar.

Nagsimulang umingay ang mga tao sa paligid ng entablado. Dumarating ng ang mga kawal na naka-kabayo. Kasunod ang karuwaheng may mga rehas na bakal. Nakatayo sa loob ang mga katiwala ni Eduardo. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagpapahirap na ginawa sa kanila sa loob ng kulungan. Umiiyak si Nana Sela. Nakita niya si Mang Simon at Sebastian. Nakakadena ang mga kamay at paa. Huminto ang karuwahe sa tabi ng entablado. Binuksan ang pintuan ng karuwahe. Itinulak na papalabas ang anim na muntik pang mahulog ang isa sa lupa. Umakyat sila sa entablado. May anim na upuan na nakahanda. Isa-isa silang pina-upo. Itinali ang mga kamay at paa sa upuan. Bakas sa mukha ng anim ang galit at hindi takot. Nilagyan ng talukbong ang kanilang mga ulo.

Sumisigaw sa iyak si Nana Sela at ilang kababaihan. Inilagay ng berdugo ang katad na parang sinturon sa leeg ng anim. Sa likod ng upuan ay may pihitan na kapag pina-ikot ay unti-unting hihigpit ang katad at sasakalin ang naka-upo. Isang garote,  uri ng pagbitay ng mga Kastila. Awang-awa sina Maria at Don Enriquez. Umakyat sa entablado ang isang tenyente ng Gwardiya Sibil.

"An anim na ito ay amin na bibitayin kun hindi susuko si Don Eduardo. Akin siya na binibigyan na isa na oras para na sumuko."Sigaw ng pinuno ng mga kawal.

Nagbulungan ang mga tao. Walang makalapit sa entablado dahil sa mga kawal na nakapaikot dito. Nagsisiksikan na sila . Lahat ay gustong makita ang pagbitay sa anim. Tinitignan ni Don Enriquez ang kanyang relo. Malapit na ang isang oras. Hanggang sa matapos ang itinakdang oras ng pagsuko. Walang Don Eduardong dumating. Galit na galit ang tenyente kaya nag-utos na siya.

"Hindi na nagpakita si Don Eduardo. Ibig sabihi isa na siya na tulisan at rebelde. Berdugo! Iyo na simulan. Bitayin sila na lahat!"Lumapit ang berdugo sa pinaka-una sa mga bibitayin. Tumayo siya sa likuran nito. Si Mang Simon ang una. Umiyak ang mga babae. Kilala nila si Mang Simon. Nag-antanda sila ng krus at nagsimulang magdasal. Hinawakan ng berdugo ang pihitan at nagsisimula na siyang pihitin ito.

"BANG!"

Isang malakas na putok ang umalingawngaw. Sapol sa sentido ng ulo ang berdugo. Tumimbuwang ito sa likod ng upuan ni Mang Simon at kumikisay. Isang lalaki na may takip sa mukha at nakasombrerong nipang malapad ang biglang sumigaw.

"Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang himagsikan! Lipulin ang mga dayuhan!"

Nagkagulo na ang mga tao. Kaniya-kaniya ng takbuhan. Biglang nagtanggal ng talukbong na bandana ang mga babae at naglabas ng mga baril. Mga lalake silang bagbihis ng mga damit pambabae.  Nagsimula na ang putukan na ikinabigla ng mga kawal na Kastila.

"Bang! Bang ! Bang!"

Maging ang mga lalaking nakatayo sa tapat nila ay naglabas ng mga tabak na mahahaba. Pinagtataga sila. Nagkahiwalay sina Maria at Don Enriquez dahil sa kaguluhan. Sa gitna ng mga manghihimagsik ay nakatayo ang lalaking sumigaw. Si Kapitan Taling.

Gomera  (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon