Kabanata 6 ... May Sugatsi Gomera

73 6 0
                                    


-----------
"May Sugat si Gomera"

-----------

"TOK! TOK! TOK!"

Malakas ang katok ni Kapitan Ruiz sa pinto ng silid ni Maria Cecilia. Lumabas si Donya Rosela sa kanyang silid at nagulat nang makitang maraming kawal sa loob ng kanilang sala.

Lumapit siya kay Kapitan Ruiz.

"Kapitan, masama ang pakiramdam ni Maria. Bakit kailangan pang pasukin ang kanyang silid?"

"Señora, kailangan ko na makita an kanya na silid. Ito lan an amin na hindi pa napasok. "

"Kapitan, may mana patak na dugo an sahig! " sabi ng isang kawal.

Tinignan ng kapitan at patungo ang mga patak ng dugo sa nakasaradong pintuan ni Maria.

"Gibain an pintuan! " sigaw ng kapitan. Sinipa ng isang kawal ang pinto.

"Blag! "

Biglang nabuksan ito. Nakita ni kapitan si Gomera na nakatayo na sa hamba ng bintana. Nakahiga naman sa kama si Maria na nakakumot. Bakas sa mukha ng dalaga ang pagka bigla.

"Alto!" (Tigil)  Sigaw ni kapitan at ina-asinta niya ng pistola si Gomera. Pero nakatalon na ito sa bintana. Patakbong lumapit sa bintana si kapitan. Dumungaw siya.  Madilim na sa labas. Nawalang muli sa kadiliman si Gomera. Nakarinig sila ng mga yabag ng kabayo. Papalayo sa bahay.

"Perdoname (Patawad) Señorita Maria. Akina hinahabol an tulisan na si Gomera!" Sabi Kapitan Ruiz na inis na inis at lumabas siya ng silid ni Maria.

"Dispensa (Paumanhin) Señora Rosela, Señor Enrique. Nakatakas an tulisan na si Gomera. Vamos soldados.(tayo na mga sundali)" Galit na galit si Kapitan at umalis kasama ang kanyang mga tauhan. Lal9ng umasim ang kanyang mukha nang makita si Eduardo na paakyat sa hagdanan. Hindi sila nagbatian.

Kaagad namang pumasok sa silid sina Doña Rosela at Don Enrique.

"Maria hija! Hindi ka ba sinaktan ni Gomera?" Sabi ng donya na lumapit at umupo sa tabi ng kama ng dalaga.

"Hindi naman po mama. Nagulat lamang ako." Inaayos niya ang kanyang kumot.

"Maria narito si Don Eduardo. Nag-alala sa pagpunta  rito ni Gomera.," sabi ng Don.

"Papa pakisabi bukas ko  na lang siya kakausapin. Masakit ang aking ulo!"

"Sige anak. Matulog ka na!"

Lumabas ang mag-asawa sa silid ng dalaga.

" Don Enriquez kumusta ho si Maria?" Na nag-aalang tanong ni Eduardo. Nakatayo siya malapit sa hagdanan.

" Mabuti naman siya at masakit ang ulo lang. Bakit kaya rito nagpunta si Gomera? "

"Iyan din po ang pinagtatakahan ko. May sugat siya. Bukas tignan natin kung sino ang may sugat sa ating mga kakilala rito sa Sta Maria."

"Tama ka Don Eduardo.  Sa misa bukas tignan natin sa mga magsisimba."

"Tutuloy na ho ako señor at señora. Pakisabi kay Maria na magpagaling siya at bukas na lang kami magkikita sa simbahan."

"Sige Don Eduardo sasabihin ko. Adios! (Paalam)" Sagot ni Dońa Rosela. Bumaba na ang binata.

Samantala sa isang silid ay ginagamot ni Gomera ang kanyang sugat sa baywang. Mabuti at dumaplis lang ang bala. Naampat na niya ang pagdurugo. Nilagyan niya ng gamot at benda. Nagbihis siya.

"Malaking tulong ang mga gintong ito para sa mga rebelde! Kailangan ko ng mag-ingat mabuti sa susunod."

Humiga siya sa kama.

Gomera  (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon