Kabanata 9 ... Ang Manggamot

78 7 0
                                    

"Ang Manggagamot"

--------

IPINATAWAG si Kapitan Ruiz ng Gobernadorcillio ng Malolos. Galit siya sa nangyari sa Sta. Maria na maraming kawal na Kastila ang namatay. Inutusan niya ang Kapitan na ubusin na ang mga rebelde sa kanyang nasasakupan. Para lumakas ang puwersa niya ay  humingi ng dagdag kawal ang Gobernadorcillio sa Gobernador Heneral na nasa Maynila. Tinugon ang hiling niya. Limang daang kawal kastila ang ipinadala sa Bulacan. May dala silang mga kanyon. Isang impormate ang nag-ulat kay Kapitan Ruiz kung saan matatagpuan ang kuta ng mga manghihimagsik sa bundok ng Sierra Madre. Sinabi rin niya na ang pinuno nila roon ay si Kapitan Pio. Kaagad na inutusan ng Kapitan ang kanyang mga ayudante at gabi silang umalis patungo sa kuta ni Kapitan Pio.

Sa kampo ng mga rebelde ay wala silang kaalam-alam na paparating na ang mga Kastila. Marami ang mga sugatan na ginagamot at nagpapagaling pa ang iba. Habang nagpapahinga sila.

"Boom ! Boom! Boom!"

May sumabog, sunod-sunod. Nagkagulo sa kuta. Lumabas si Eduardo at Kapitan Pio. Kinakanyon sila ng mga kalaban.

"Kapitan, may mga Kastila sa ibaba. Napakarami nila at paakyat dito sa ating kampo!" Sigaw ng isang kasamahan nila.

"Ilikas ang mga bata, babae at sugatan. Ang iba ay sumunod kayo sa akin"

Sigaw ni Kapitan Pio. Wala pa sa limampu katao ang sumunod kay Kapitan Pio. Sa hangganan ng kanilang kampo ay may hukay sila na pahaba at hanggang balikat ng tao ang lalim. Dito sila pumuwesto para hadlangan ang mga susugod na kalaban. Sunod-sunod pa rin ang pagkanyon sa kanilang kuta. Marami na ang nasusugatan at namamatay. Inipon naman ni Eduardo ang mga tauhan niya at umakyat sila sa bundok at kumanan. Nang malayo-layo na sila saka sila bumaba. Iikutin nila ang mga kaaway.

Nakarating na sa hangganan ng kampo ang mga Kastila. Sinalubong sila ng mga bala mula sa mga tauhan ni Kapitan Pio na nasa mga mahahabang hukay. Nagkaputukan ang magkabilang panig. Nahihirapang umabante ang mga Kastila dahil paakyat sila sa bundok at kitang-kita sila ng mga rebelde.

"Soldados. Wala na aartras. An umatras ay akina babarilin." Sigaw ng isang ayudante ni Kapitan Ruiz.

Dahil sa dami nila ay napilitang umatras ang mga rebelde at pumunta sa kasunod na hukay. Patuloy pa rin ang paglikas ng mga sugatan at mahihina.

"Mga kasama, huwag silang hahayaang mka-akyat pa kahit isang pulgada. Kailangan natin silang pigilan kung hindi ay marami ang mamatay sa ating mga kasamahan." Sigaw ni Kapitan Pio.

Nasa ibaba na sina Eduardo. Nakikita nila ang anim na kanyon na ginagamit ng mga Kastila. Wala pa sa dalawampu katao ang naiwan kaya gumapang silang papalapit sa mga kanyon. Nang malapit na sila ay saka sila nagpaputok.

"Bang ! Bang! Bang !"

Nalagas kaagad ang kalahati sa mga kawal. Tumayo sina Eduardo at lumusob na. Walang nagawa ang mga Kastila. Naunahan sila.

"Catalino, ihanda ang mga kanyon ." Atas ng binata.

Inayos nila Catalino ang anim na kanyon. Binaba ang anggulo, nilagyan ng bolang bala.

"Boom ! Boom ! Boom !"

Tumama sa hanay ng mga Kastilang sumusugod ang mga bala, nabigla sila.

"Tenyenta, bakit tayo an pinapuputukan na mana kanyon. Baka namamali sila na anggulo. "Sigaw ng isang sarhento.

Tumitilapon ang mga kasamahan niya na tinatamaan ng mga pagsabog. Napilitan silang umatras. Ng nasa ibaba na sila ay sinlubong naman sila ng mga bala mula sa mga tauhan ni Eduardo.

Gomera  (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon