XIV. Random
***
Start
"Paging all students ng school pati narin ang ating mga guro at staffs, na magpunta sa covered court para sa ating program sa Valentine's special ng school. Maraming salamat."
Pagtawag ng atensyon ng Principal sa lahat ng mga estudyante.
"So I guess, pansamantala muna nating tatapusin ang klase, dahil sa activity sa court." si Vice habang inaayos ang mga gamit niya sa lamesa.
"Ano na naman kaya pakulo ng school?" bulong ni Anne sa kaibigang si Karylle.
"Pabayaan mo na, atleast walang klase." sagot ni Karylle habang ina-ayos ang mga gamit sa bag niya.
"Asus! If I know, badtrip ka na naman kasi hindi makakapagklase 'yang prof-crush mo!" tukso ni Anne sa kaibigan sabay turo kay Vice na kasalukuyang kausap ang kaklase nila, actually palabas na ito.
"Manahimik ka nga, Anne."
"Edi tama nga!" natatawang sambit ni Anne at sabay na silang tumayo ni Karylle.
Senior Highschool students silang dalawa, both studying under STEM.
"Tara na!" at nagpunta na nga ang dalawa sa covered court tulad rin ng ibang estudyante.
Kanya-kanya silang upo sa mga bakanteng upuan, kung saan ay magkakasama ang isang buong section. Habang ang mga guro ay naka-upo sa bandang harapan, at ang iba ay nakatayo sa may gilid.
"Uy Karylle!" pagtawag ni Anne sa kaibigan.
"Ano?"
"Yung crush mo oh!" sabay turo ni Anne kay Vice na nakatayo sa may gilid, kasama ang ibang teachers.
"Pwede ba, tumigil ka Anne?" pakiusap ni Karylle sa kaibigan at pakunwaring kinurot ang tagiliran ni Anne. "Kaya halos lahat nalang 'yan ang iniisip eh."
"Oh eh bakit? Totoo naman!" nakangiting panunukso ni Anne kay Karylle.
"So seems like everybody is here! Leeet's start!"
Nagsimula na nga. Nagkaroon pa ng opening program bago nagstart.
"Formal nang binuksan ng ating principal ang activity ngayong umaga! Magsimula tayo sa simula, ofcourse."
Nagsimula sila sa paligsahan ng paghugot. May mga intermission numbers din, may mga nagshare din ng mga buhay pag-ibig nila, teacher man o estudyante. May program din silang nagbigay tsansa sa may mga crushes na magsayaw ng slow dance, at marami pa.
"Ok, so nakaka-OP 'to." sa isip ni Karylle habang pinanunuod ng mga mag-jowang naglalaro sa stage, kasunodng pag-vibrate ng cellphone niya. Agad niya naman itong chineck, at agad na binasa ang text message na natanggap niya.
From: Sir Vice
Bored? OP? Same here 😌
Napangiti naman si Karylle at agad na nadako ang tingin sa kung saan ay nakatayo si Vice.
BINABASA MO ANG
The Pile | Vicerylle One Shot Stories
FanfictionCompilation of Vicerylle One Shot Stories