XVIV. The Myth (5)
***
"Anak! Gising na, kumain ka na!" sigaw ng Mama ni Vice mula sa labas ng kaniyang kwarto.Agad namang napabalikwas ng bangon si Vice nang marinig niya ang sigaw ng ina. Walang pasabi ay agad siyang lumabas ng kaniyang kwarto na labis na ikinagulat ng kaniyang ina.
"Ayos ka lang ba, nak? Naghihikahos ka ata?" may pag-aalala sa boses ng kaniyang ina na nakasalubong niya.
"Mamaya na ako kakain. Dun lang ako sa painting room ko." paalam ni Vice, wearing only his boxers ay dumiretso na nga siya sa painting room niya.
Kinuha niya agad ang canvass, ang pintura at ang paintbrush niya. Wala na siyang sinayang na segundo at agad na nagpinta sa blankong canvass.
It took him a few strokes, few dips in the paint. Tuloy-tuloy ang kamay niya sa loob ng ilang minuto, ngunit bigla na lamang siyang namali ng stroke kaya kailangan niyang magpalit ng canvass.
Tuloy tuloy ang kaniyang kamay sa pagguhit, tuloy tuloy ang kamay niya sa pagpinta.
A few more strokes until his hands we're caught in mid-air, the tip of his paintbrush almost touching the canvass.
"Shit!"
Nakalimutan niya na ang dapat niya ipinta. All he painted was just eyes. Eyes that look so familiar to him, which got this hazel brown looks.
"Who are you?" he asked staring the eyes he painted.
2 months later
"Vice?"
Karylle called out for Vice as she entered Vice's pad.
"Vice?" she repeated at hinanap na si Vice sa loob ng bahay. Ngunit wala siyang Vice na nakita.
Hanggang sa narinig niya ang ingay na likha ng tawanan ng mga bata sa labas ng bahay. Napukaw naman ang atensyon niya kaya't agad siyang lumabas sa bahay, at hinanap kung saan nanggagaling ang ingay na iyon.
"Wohoooow!" narinig ni Karylle ang sigaw ng isang lalaki, which sound so familiar to her. And she thinks, she knows who was it.
And she's right.
It was Vice.
Playing with the kids.
Napatigil naman siya, trying to mesmerise kung ano man ang nakikita niya kay Vice playing around with the kids. Ilang minuto ang binilang, ngunit hindi na natanggal ang kaniyang mga mata sa binata. Sa mata at labi nitong kitang-kita mo ng saya. Tulad ng sa mga batang nakakalaro niya.
It's her first time seeing Vice with kids, and can say, na Vice is good with kids.
Ilang minuto pa ay nabaling na ang tingin ni Vice sa kinatatayuan ni Karylle. Labis na ikinagulat ni Vice ang presensya ng prinsesa na hindi kalayuan sa kanila.
"M-Mahal na Prinsesa!" tarantang si Vice at agad na lumuhod at nagbigay respeto nang makita ng prinsesa, ngunit nang marinig ito ng mga bata ay agad itong nagsi-takbuhan patungo kay Karylle. Napatingin na lamang si Vice sa mga bata na nagtungo sa direksyon ng prinsesa.
"Kamusta na kayo?" narinig ni Vice na tanong ni Karylle sa mga bata nang siya ay papatayo at nagpagpag ng kaniyang damit.
Naglakad na rin siya patungo sa prinsesa ngunit nanatili sa likuran ng mga bata.
BINABASA MO ANG
The Pile | Vicerylle One Shot Stories
Hayran KurguCompilation of Vicerylle One Shot Stories