XXXII. Something I Need (2)

1.5K 64 7
                                    


XXXII. Something I Need (2)

"I wanna die with you..."

"Siguro naman kahit papano pwede mo nang i-share ang nangyari... Yung reason kung bakit ka lasing na lasing last night?" tanong ni Karylle kay Vice na katabi naman niya.

"Aba! Edi syempre dahil dun sa alak! Kaloka ka ah!" pabirong sagot ni Vice kahit na alam niya na ang punto ni Karylle.

"Vice..."

Nasa may beach kasi sila ngayon tulad nga ng request ni Karylle. Kasalukuyang naka-upo ang dalawa sa buhangin at pinapanood ang pagyakap ng alon sa mga butil ng buhanging naaabot nito.

"Ahhh. Wag na yun! Move on, teh!" Vice faked a laugh sabay inom ng beer na hawak niya.

Tiningnan naman siya ni Karylle, diretso sa mata, na ikinailang naman ni Vice.

"Your eyes tells the other way 'round. Ganun mo talaga siyang minamahal, noh?" si Karylle na nakatitig pa rin sa mga mata ni Vice.

Napa-sigh na lamang si Vice at mapait na napangiti sa sinabi ni Karylle.

"Bakit kailangan pang ako yung lokohin, eh ako naman yung nagmahal ng tunay? Gusto ko lang naman maramdaman na may nagmamahal sa akin eh. I want to be loved." his voice, it's cracking habang shini-share ng kaniyang hinaing kay Karylle.

"Hindi na talaga maiiwasan 'yan. Masasaktan ka talaga kung hindi talaga para sa'yo yung taong mahal mo," napatingin na si Vice sa mga mata rin ni Karylle. "Feeling ko hindi mo lang masyadong maramdaman yung pagmamahal ng taong natural na nasa paligid mo. Yung pagmamahal ng mga kaibigan mo, ng pamilya mo kaya hinahanap mo dun sa romantic feeling of love... na imbes you'll feel love, you'll feel cheated. Well, oo pwedeng sa simula matamis pero papait din talaga yan kung in the first place ang isa sa inyo manloloko at may intensyon talagang magloko." dugtong ni Karylle.

Hindi na naramdaman ang pagtulo ng luha niya habang nakatitig parin sa mga mata ni Karylle.

"Kailangan mo muna sigurong maramdaman yung pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa'yo, bago ka makaramdam ng pagmamahal mula dun sa taong kaya mong isakripisyo ang lahat, dahil nga sa siya ay mahal mo." nakangiti pang dugtong ni Karylle, still not breaking the stare.

"Marami ang tutulong sa 'yo. Kahit na kakikilala ko palang sa'yo, tutulong ako. Tutulong akong punasan 'yang mga luha mo." saad ni Karylle kasunod ay pinunasan luha ni Vice sa magkabilang pisnge nito using her both thumbs.

Agad na hinawakan ni Vice ang isa sa kamay ni Karylle, then kissed her knuckles na siyang labis na ikinabigla ni Karylle, which lasted for a few seconds. At nang tapusin na ito ni Vice ay agad niya nang inakap si Karylle ng pagkahigpit-higpit.

"T-Thank you." humihikbing pasasalamat ni Vice.

Nang masabi ito ni Vice ay marahan siyang itinulak ni Karylle, na nailang na sa mga ikinikilos ni Vice.

"Uhm... ano? T-Tara na." sabi ni Karylle at tumayo na, sabay pagpag ng buhangin mula sa damit niya.

"Ay? S-Sorry na. Nakapagdrama pa tuloy ako." paumanhin ni Vice sabay punas ulit sa pisnge niya. Agad na rin siyang tumayo.

"Hindi. Okay lang. May pinagdadaanan ka eh." nakangiting sagot ni Karylle.

"May gusto ka pa bang puntahan? Okay lang naman eh. Mahaba-habang gabi rin 'to noh." saad ni Vice na pinapagpagan ang sarili.

"Wag na. Umuwi na tayo, tsaka magpahinga ka na pag makauwi na. Ayusin mo na yang sarili mo at matuto ka nang maghintay." at naglakad na si Karylle pabalik sa kotse, agad rin naman siyang sinundan ni Vice.

The Pile | Vicerylle One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon