Part 11

5.9K 111 3
                                    

Naupo ako sa isang bar stool doon since ako lang naman magisa. First time ko magbar. Dahil hindi naman ako ganon klase ng tao na mahilig magbar hopping at pumarty party. Pero not that innocent para hindi ko malaman kung ano ang mga pwedeng mangyari at nangyayari sa mga bar na kagaya nito,

well you know I have friends naman who loves going to this kind of places but I never had a chance to come with them,YES they always inviting me lalo na pag Friday night. But I kept on saying “nextime” to them kasi nga  masyado akong busy magpayaman para lang sa ganitong bagay tulad nito,

humanap muna ako ng bar tender na available at ng makuha ko ang atensyon niya ngumiti siya sa akin saka lumapit sa gawi ko.

Nag smile din ako sakanya .. wait ? am I flirting? Ow gosh! Nag smile kasi siya so dapat ngitian din diba? Ah yeah now im talking to myself. Geez

“anything to drink?” anito at ngumiti nanaman,

“Yes please.” Agad ko nanamang sagot

Kumindat ito sa akin saka pinrepare yung order ko. Nilibot muna ng paningin ko ang buong loob ng bar.

Ang daming tao karamihan mga magkakaibigan at meron din naming dalawa lang or magkakasintahan ew. Gross,

“here.” Ng marinig ko yun nilingon ko agad yung pinanggalingan ng boses. Bartender pala

“thanks.” Aniko saka kinuha yung baso.  

Medyo matagal tagal na din kami nagkwekwentuhan nakaka anim o pitong baso na ata ako ng vodka kaya medyo hilo na din ako.

“bakit nga pala ikaw lang mag isa?” anito saka sinandal ang mga siko niya sa bar habang nakatingin sa akin.. OH GREAT now he’s the one flirting ha.

Sasagot na sana ako ng may una ng nagsalita.

“ no. im with her. “ sabi nito at kilala ko kung kaninong boses yun kaya agad ako lumingon sa likod ko, at hindi ako nagkamali.

“JAMES!” sigaw ko saka siya niyakap. Ewan nabigla din ako basta ginawa ko nalang.

“What are you doing here ? ALONE?” anito na parang tatay ko kung makapagtanong

“hmm nothing im just chillin.. “ Cool kong sabi kahit hindi naman                                

“any problem ? “ he asked habang umuupo siya sa tabi ko, saka niya nilingon si bartender na nakatingin pa pala sa amin. “Don’t stare. Im Her boyfriend so  do you mind? “ masungit niyang sabi kaya umalis nalang yung bartender  habang umiiling iling ito.

James Pov

“ so tell me bakit ka nagpapakalasing?” seryoso kong tanong sakanya hindi naman kasi siya ganito eh

Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. Lasing na nga ito.

“ang pogi mo pala.” Aniya saka humagikhik ng tawa

Tsk. “ you’re drunk. “ seryoso kong sabi saka ako tumayo at hinawakan yung braso niya para alalayan siya tumayo.

“Wait. San tayo pupunta? “ she asked.

“Im sending you home.”  Sabi ko saka siya itinayo                           

Bigla naman niya binitaw ang kamay ko sa braso niya. “WHAT ?!”tanong ko.

“ayoko pa umuwi. I WANT TO DRINK!” sigaw niya. ano bang problema nito?? Saka siya bumalik sa  bar stool at akmang oorder ulit ng drinks ng bigla ko siyang binuhat na parang sako ng bigas.

One night stand (ONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon