Part 26

5.2K 94 0
                                    

James pov

Kakaalis lang ng eroplano at magkatabi kami ngayon ng mahal ko. Siyempre alam niyo na kung sino. Hehe

Si baby tulog na tulog hawak siya  ni tine. Kanina sinabi ko ako naman maghawak sakanya ayaw naman niya sungit. Kaya lalo ko tong minamahal eh.

Pagkatingin ko kay tine nakatulog na din pala ito. Ang aga kasi nagising eh. Tapos im sure puyat pa ito sa pag aalaga kay baby.

Inayos ko yung pagkakasandal niya nakatabingi kasi siya baka mangalay yung leeg niya. Di ko maiwasan ang mapatingin sa lips niya. Sheet I want to kiss her. Nung una tinry ko ilapait yung mukha ko. Hindi naman siya gumagalaw tapos yung ididikit ko na yung lips ko sa lips niya ayun si baby biglang umiyak. ‘Anak naman eh istorbo!’ Sabi ko sa isip ko. Agad akong umayos ng upon a parang wala lang nangyari saka siya nilingon.

“akin na siya ako naman mag buhat” aniko saka ko nilahad yung mga braso ko.

Tinignan niya lang iyon saka hindi pinansin. Hinanap niya nalang yung gatas saka pinadede si baby.

Haay ang sungit niya pa rin sa akin. Napabuntong hiniga nalang ako saka sumadal sa upuan at pumikit.

“pasalamat ka mahal kita..” bulong ko ewan ko kung narinig niya iyon hindi ko din nakita yung face expression niya ng sabihin ko yun dahil nakapikit ako.

Ilang oras din ang lumipas nakatulog pala ako. Nakababa na din yung eroplano.

Ang ganda ditto napaka fresh ng hangin ang sarap magrelaks. Pinadala ko ditto yung kotse ko para may magamit ako. Sakto nandito na.

“at talagang pinadala mo ditto yan ha?” napalingon agad ako ng marinig ko ang boses niya napangiti ako ng makita ko siya.

“why? Ang hirap kaya magcommute.” Dahilan ko

“tss arte!” bulong niya saka nilagpasan ako. Nakasunod lang ang nanay niya sakanya. Nakita ko siyang nagtawag ng taxi kaya agad ko siyang pinigilan.

“hey.. bakit ka nagtatawag ng taxi? I have my car. I can ride you home.” Ani ko.

“no thanks. “ masungit niyang sabi.

“please? Sabi ko naman sayo diba? Liligawan ulit kita?” nagmamakaawa kong sabi. Nakatingin lang siya sa akin.

“fine!” saka binigay sa akin yung bag ni baby. At nauna ng sumakay sa kotse. Nakita ko naman na nakangiti sa akin “pagpasensyahan mo na si Kristine ha?” aniya.

I smiled at her then tapped her back “ yes po. Don’t worry.” Nakangiti kong sabi “tara na po.” Pag yaya ko sa kotse.

Kristine pov

Im on our way to my aunt’s house. Doon kami magstay total siya naman ang nag invite sa amin. Bahala si mokong kung saan siya matutulog sinabihan ko na siya na wala siyang space doon eh, pero mapilit siya bahala siya hmp. Galit pa din ako sakaniya.

Dito nga pala kami nakasakay sa kotse niya, ihahatid niya daw kami eh edi sige. Dito kami umupo sa passenger seat yung una nga ayw niya ako paupin dito sa likod dahil magmumukha daw siyang driver. Well, dahil matigas ang ulo ko. Bahala siya. Wala din naman siyang nagawa at ako din ang nasunod.

After nth hours nakarating na din kami sa bahay ng tita ko. Sinalubong ako ng pinsan ko na ikakasal nextweek.

“hi ate! Ang ganda ganda mo pa rin..” aniya saka bumeso sa akin.

“mas maganda ka” aniko naman saka sabay kami nagatawanan.

Nakita ko naman bigla siyang ngumuso na parang may tinuturo sa likod ko. Napakunot noo naman ako.

One night stand (ONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon