Part 17

5.7K 91 0
                                    

Nanay Pov

Earlier

Nagulat nalang ako ng biglang pumunta dito si James. Hindi naman na ako nagdalawang isip pa na patuluyin siya mukha namang mabuti siyang tao.

“Hello po nay si tine po? Dadalawin ko lang sana kasi balita ko po hindi maganda ang pakiramdam niya.” Magalang niyang sabi at napangiti ako dahil meron pa siyang dalang mga prutas.

Totoo nga ang sinabi ng anak ko na gustong gusto niya si Kristine. Sabagay wala namang mali sa lalaking to. Gwapo na mayaman at mabait pa.

“ah sige tara. Nandun siya sa kwarto niya .. eh baka nagpapahinga akyatin mo nalang.” Nakangiti kong sabi.” Yung unnag pinto ang kwarto niya.” Dagdag ko.

Tumango muna ito “ah sige po.. salamat nay..” magalang niyang tugon saka siya umakyat ng hagdan at tumungo sa kwarto ng anak ko.

Bahala na ang anak ko kung pano niya ie-entertain yan si james.

James pov.

Im with my Love right now. Kilala niyo naman kung sino yun diba? Of course! Si Kristine. Binisita ko kasi siya dahil sabi niya masama pakiramadam niya.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Eto ako binubwisit siya.

May kakaiba lang sakanya kasi parang nagiging moody siya minsan masungit minsan naman hindi.

“Hindi ka pa ba uuwi?” masungit niyang tanong. O kitams? Bipolar? Tsk kak

Tumabi muna ako sakanya hanggang sa magdikit ang mga balikat naming.rating ko lang eh

Nilingon niya ako ng nakakunot noo. “problema mo?” tanong niya

Ngumiti lang ako.. ang saya saya ko lang kasi nakakasama ko na siya. Buti nga hindi ako pinalayas ng magising ko siya kanina eh.

“usog ka kaya. “ irita niyang sabi. Pero hindi ko siya pinansin.

“huy,” aniya.  Nung hindi pa ako gumagalaw ay tumayo na ito sa kama.

“oh san ka pupunta?” agad kong tanong.. palabas na kasi siya ng kwarto

“sa labas. Magpahangin.” Kalmado niyang tugon.

Agad akong tumayo  “ sige sama ako,” nakangiti kong sabi.

She rolled her eyes saka tuluyang lumabas ng pinto. Nakasunod lang ako sakanya.

Nakita kong nakangiti ang nanay niya ng bumaba kami ng hagdan. Kamukhang kamukha ni tine yung nanay niya. Kasing bait niya din yun nga lang hindi kasingbugnutin :P

Sinundan ko siya hanggang sa mapahinto kami dito ang garden nila. Maliit lang ito pero maraming mga bulaklak at nakatanim

Nakita kong umupo siya sa may upuan doon sa gitna ng garden na may bilog na lamesa.

Tinignan ko siya para namang ang lalim ng iniisip niya. Ano ba talagang problema niya? Bumuntong hininga muna ako bako lumapit at umupo sa harapan niya.

Nang maupo ako saka ko lang napansin na nakatingin napala siya sa akin.

Nanliliit ang mga mata niya animoy nasisilaw sa liwanag na hatid ng araw.

“what? Alam kong pogi ako. Wag ka naman magpahalata.” Pagmamayabang ko saka ko siya kinindatan.

Ngumiti siya.. OO NGUMIITI SIYA. “mas gumaganda ka pag naka smile.” Nakangiti kong sabi.

Bigla naman itong umiwas ng tingin.. sa malayo na ito ngayon nakatuon ang kanyag tingin. Narinig ko siyang nagclear throat saka nagsalita “Pano nagkakilala sina Jessy at Kristoff?” nakakunot noo niyang tanong sa akin.

One night stand (ONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon