Part 8

6.6K 111 2
                                    

'"nakakagulat ka naman" nanginginig kong sabi naestatwa ako saglit sa ginawa nya.

"hehe. sorry nadala lang.. " saka na siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin, namula siya nakita ko yun.

"so?" saka ako humarap sakanya "tell me something about yourself" taas kilay kong sabi

nagulat ata siya sa tanong ko dahil medyo nanlaki ang mga mata niya pero agad naman itong nakabawi at ngumiti habang nakahawak sa batok nito.

"ano ba gusto mo malaman about sa akin?" pacute niyang sabi habang nakapamulsa ito

tumalikod ako sakanya at nilibot ng mata ko ang paligid ng garden saka ulit nagsalita.

"yung gusto mo lang na malaman ko," aniko saka ngumiti.

bumuntong hininga muna ito at humakbang papalapit sa kinaroroonan ko. nang makalapit na siya sa akin saka ito sumagot.

nagulat ako dahil bigla niyang inilahad yung kanang kamay niya na parang nakikipagshake hands.

"Hi Im James ethan Villafrancia, you can call me Jei or Ethan. but i prefer James para mas casual" then he smirked

tinugunan ko naman yung offer niyang shakehands

"okay james.. hmm ano pa? aside from that! what about family background or do you have a wife? gilfriend? anu trabaho mo?" sunod sunod kong tanong dito

na ikinagulat niya dahil medyo napaatras ito at natawa.

"woah! easy.. isa isa lang mahina ang kalaban pero pogi naman hehe" sabay mr. pogi pose nito

"sagutin mo nalang!" pag iinarte ko saka humalukipkip at kunwari galit

umayos muna siya ng tayo saka pumamewang "okay fine. hmm" anito habang nakahawak sa baba nya na parang nagiisip

"about my family background. my dad and mom nasa states to manage our businesses there dun na talaga sila nag stay. " kwento niya habang paupo kami sa isang swing doon na kahoy.

tinignan ko lang siya na ng ipagpatuloy-mo-lang-look saka tinulak ko ng paa ko bahagya ang sarili para umandar ang swing.

"ako at ang only sis ko nandito sa pilipinas. ako ang nagmamanage ng co. namin dito sa pilipinas. " after nya sabihin iyon nilingon nya ako

"what?" irita kong tanong "hindi mo pa nasasagot lahat ng tanong ko" aniko habang sa malayo nakatingin

narinig ko siyang napatawa ng mahina saka bumuntong hininga at nagpatuloy sa pagkwekwento,

"wala pa akong asawa or girlfriend " napahinto ito saglit dahilan para lingunin ko siya.

ngumiti muna siya sa akin bago magpatuloy sa pagkwento "pero may gusto akong babae kaya lang......"

napakunot noo naman ako "kaya lang ano?"

"kaya lang.. diko alam kung gusto nya ko. actually unang makita ko pa lang siya sa kumpanya nakuha na niya agad yung atensyon ko" pagpapatuloy niya.

"wow hehe " yun lang nacomment ko ewan bigla akong na awkwardan sa topic

"ikaw?" biglang tanong nya sa akin na ikinagulat ko.

"anong ako?" kunot noo kong tanong

"its your turn, magkwento ka naman bout sayo" nakangiti nyang sabi

hindi ko maiwasan kabahan. ewan ko nahiya ako bigla na ewan.

"uh, wala akong boyfriend" nakayuko kong sabi.

"haha, wala na or wala pa?" nang aasar ba sya?

"wala na! hmp tara nagugutom nako " saka ko tumayo at nauna ng pumasok

One night stand (ONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon