Part 4

9.1K 195 1
                                    

Late nako dumating sa opisina. ewan tinaghali ako bigla ng gising.

habang naglalakad sa hallway ng kumpanya tinawag ako ni tim.

"tine! " sigaw nito na patakbong lumapit sa kinatatayuan ko

"yow? morning .. " sabay sip sa hawak kong starbucks coffee.

"late ka nanaman. lagot ka kay bossing. " pananakot niya. as if naman na matakot ako. eh ni hindi niya nga kami magawang silipin sa dept. eh magkaroon pa kaya ng time na lagutin ako. tss

"sarap matulog eh. hehe. " saka bumukas na yung elevator sumabay na din ito sa akin paakyat.

"maagang pumasok si sir ngayon. dami niya gagawin eh. " bulong niya habang nakatingin sa floor numbers ng elevator.

uminom lang ulit ako ng kape ko. oo nga pala siya yung secretary ng boss ko at sya pa lang ang nakakakita at nakakasalamuha dito kaya alam niya.

*ting tunog ng elevator at agad naman kaming bumaba.

dumeretso lang ako sa station ko saka nilapag ang mga gamit ko sa table at umupo sa chair ko saka humila ng malalim na hininga.

ilang minutes lang din ang lumipas nag start na akong magtrabaho.

medyo nagulantang ako sa mga papers na nasa table ko. langya! tambak! ano ko ? makina?

tapos may note pa. "i need this later 2pm." -BOSS

sheet of paper talaga oh! packing tape. matatapos ko ba to ? its already 9am. eh isang folder nga lang baka abutin ako ng siyam siyam ang kapal kaya!

yung totoo ? tss.

agad akong tumayo para puntahan si tim. magrereklamo ako. rush yun masyado! baka bukas pa ako matapos nun.

pagkarating ko sa table ni tim " huy! bakit ganun kadami yung nasa table ko na paper works? tapos kelangan ng 2pm? the hell! " bulyaw ko kay tim na nakanuot noo sa akin

"what ? anong papers?" taka nitong tanong.

"seriosly tim?  wala kang alam ? " bagot kong tanong

"nope. wala pa akong nilalagay sa table mo. sure ka na work mo yun ? " kunot noo nitong tanong

bumuntong hininga muna ako bago pumamewang. "yup. sa kin mga yun eh. pero sino naglagay?" ani ko.

"baka si boss mismo ? dikaya? "si tim habang nakahawak siya sa baba niya.

"ye think ? eh bakit siya pa maglalagay nun ? eh diba never pa siyang nakasilip sa dept natin ? at saka ikaw yug secretary nya no! " bulalas ko saka humalukipkip

"ewan. maaga siyang dumating kanina eh. pero wala pa siyang nauutos sa akin.  ewan. nasa good mood ata siya ngayon." kibit balikat niyang sabi saka inikot ang upuan niya at humarap na ulit sa laptop niya.

"really? good mood ? tapos ako yung babatripin niya sa dami ng paper works ko ? tss! " inis kong sabi " he's crazy! " saka umalis na sa station ni tim.

nagdadabog akong bumalik sa station ko at tinignan ulit mga papers na nasa table ko. " bwisit!" bulong ko.

hindi nako naglunch break para matapos ko tong pesteng papers na to!

5 folders ba naman! 12nn na nakakadalawa pa lang ako. wala naman akong ginawa kundi ang tapusin nalang ito. pasalamat siya at kailangan ko magtrabaho maigi dahil kung hindi matagal nako nagresign.

 "o. " si jane saka inabot yung naka takeout na pagkain sa mesa ko.

tinignan ko lang iyon saka ulit nagtype.

One night stand (ONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon