Part 23

5K 83 1
                                        

Tim pov

Niyaya ko sa tine mamasyal kasama si baby j sa mall. Para naman malibang kami. Kaya lang masyado pa kasing baby si J kaya hindi pa niya maappreciate yung mga makikita niya

Napagpasyahan namin na kumain sa isang fast food chain doon ng may Makita kaming hindi inaasahan.

Si James with his Girl.

Hindi ko na sana sasabihin kay tine na nakita ko sila pero nagulat nalang ako ng palapit na sila sa amin. Nakita na nila kami.

“Hi brad! Nandito din pala kayo.” Bati niya sa amin saka napatingin kay tine na may hawak na baby.

“yeah. Namamasyal lang..” agad ko naman sagot. Tinignan ko si tine nakayuko lang sa amin.

“wait? Baby nyo? “ ani ng girl saka sinilip si baby james.

“eh?” nagreact ito..

“why babe?” kunot noong tanong ni james sa date niya

“kamukha mo..” ani ng babae saka turo kay james.

Nanlaki ang mga mata namin tatlo.

“akala mo lang yun.” Biglang sabat ni tine saka iniwas si baby.

“really? Patingin nga..” excited na sabi ni james na ikinataka namin. Really? Naexcite siya?

“tulog na siya.. “ masungit na sabi ni tine.

“oo nga oh siya alis na kami. Ingat kayo” paalam ko dahil hindi na mapakali si tine alam kong nao-awkwardan na siya ngayon.

“oh sige. Ingat!” paalam din nila. Saka umalis na kami.

Pagkasakay namin sa kotse ko.

“woah. That’s was close.” Aniko saka inistart ang kotse

“hindi ako makapaniwala.” Nanginginig na sabi na sabi ni tine,

“ha?” napalingon kong tanong sa kanya bakas sa mukha niya yung pagkabigla.

“kamukha ba talaga ni james si baby?” balik tanong niya agad

“yup. The nose.. the eyes.. sayo lang ata ang lips saka color ng skin. Hehe” agad ko namang sabi. Totoo naman eh.

“hindi kaya yun magtaka? Kung bakit kamukha niya anak ko?”

“I don’t think so.. pero kung nakita mo yung reaction niya kanina.. ewan ko ha? Pero parang naexcite siya.. samantalang kagabi ng magkausap kami kakasabi niya lang na ayaw niya makasal at magkababy­­—“ bigla kong pinutol yung sasabihin ko dahil hindi niya pala dapat malaman iyon.

“ganon ba? Pero sabi niya dati magpapakasal kami. At excited siya maging daddy. Pati ba naman yun binura na sa isipan niya?” nalulungkot niyang sabi.

“ssshhh that’s not what I meant.. I mean siguro sa ngayon. Pero diba? Matagal na siyang inlove sayo kaya nasabi niya yun sayo. Iba kasi ang sitwasyon ngayon. “ paliwanag ko.

“ano ba yan hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Minsan iniisip ko nalang na magresign na para hindi na ko nagguguluhan pa.” saka siya bumuntong hininga.

“akala ko ba willing kang hintayin na magbalik yung memory nya?” saka ko na inumpisahan magdrive.

“yeah, pero nakakapagod din na umasa. Lalo na’t ngayong my NEW GIRL na siya.” Saka siya nagsuplada. Uy selos.

“haha. Ewan ko nga dun kung san niya nahatak yun. Babaero.” Sabi ko habang natatawa.

“hatid mo nako.” Bigla niyang sabi.

One night stand (ONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon