James pov
napatayo ako dahil sa lakas ng sigaw ng babaing ito.
Kunot noo akong napatingin sakanya habang nagkakamot pa ng ulo.
Tinignan ko siya ng bakit-ang-ingay-mo-look
oo nga pala inilipat ko siya dito para maayos ang tulog niya, hindi ko din namalayan na nakatulog na ako sa tabi niya. ewan kakatitig sa mukha niya habang tulog HEHE
"bakit tayo magkatabi sa kama?" bulyaw niya
sus yun lang pala akala ko kung ano na. umiling iling muna ako saka nakangiti siyang sinagot
"ano naman? natulog lang naman tayo. WAG OA ha. " habang paupo ako sa kama
"sigurado ka ba na walang nangyari ? " nanginginig niya pang sabi
"haha. wala nga. at kung meron man.. pananagutan kita sakaling magbunga." then kinindatan ko siya at tumayo na sa kama.
nabigla ata siya sa sinabi ko. Pero seryso naman ako if ever na mangyari yun.
natahimik nalang siya na akala mo naman nirape ko. tss Tinap ko yung likod niya ng makapantay ko siya at nginitian siya. Bigla nalang ito natahimik at namula.
Di kaya may epekto na din ako sa kanya? hehe sana.
"hatid mo na ako." mahina niyang sabi bago pa man ako makapasok sa cr.
"SURE," maikli kong sagot saka tuluyang pumasok ng hindi siya nililingon.
saglit lang naman ako sa cr at lumabas na din agad, wala na siya sa kwarto mukhang nasa labas na siya at nag aalmusal.
nagpalit lang ako ng normal na shirt at pants.
Bumaba na ako at dumeretso sa kusina si manang lang ang naabutan ko doon.
“ Si Kristine po?” aniko na ikinalingon ni manang naghahanda kasi siya ng dinner
“ ah nandun sa sala. Dumaan dito kanina huminga lang siya ng juice saka tumungo na doon” anito habang nagpupunas ng plato
“ah sige po salamat, pahanda nalang po yung pagkain para makakain na po kami nagpapahatid na kasi si kristine eh “ aniko habang nagkakamot ng batok saka na tumalikod at lumabas ng kusina.
“ HUY! Bat ka tulala?” paggulat ko dito nakatulala kasi eh saka ako tumabi sakanya sa sofa
“ ah wala. Hindi mo paba ako ihahatid?” aniya na naka kunot ang noo
“later kain muna tayo ng dinner.” Aniko saka nag dekwatro ng upo
Maya maya tumunog yung cellphone ko si sis ko tumatawag. Pauwi na siguo sila galing sa out of town nila.
“wait ill take this, “ paalam ko saka lumayo saglit sa kinaroroonan namin kanina ni kristine.
Tumango lang ito saka ko sinagot.
“hi sis hows your day?” masigla kong bati dito pero agad naman nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ko itong umiiyak
“whats wrong sis? Umiiyak kaba?” nag aalala kong tanong
“huhuhu.. kuya.. huhu inaway nanaman ako ni kristoff.. huhu he left me here alone “ pagsusumbong nito
“ano?! Bakit ka iniwan at bakit kayo nag away ? ano nanaman bang problema ng de guzman na yan?” pasinghal kong sabi. Nakakabadtrip na itong lalaking to akala ko ba mahal na niya kapatid ko? Tss patay sa akin yun pag nakita ko!
“ku-kuya wag mo nalang awayin si kristoff nagselos lang naman siya kasi may lalaking naghatid sa akin papunta sa hotel na pinagcheck in-an namin eh ako din may kasalanan kasi nag inarte pa ako kanina na isama siya kaya yun.. “ pagpapatuloy niya.
BINABASA MO ANG
One night stand (ONS)
RomansaMinsan ang Destiny hindi naayon sa gusto mo kaya minsan kailangan ikaw mismo kikilos para magkatotoo ito :)