Chapter 21

3 0 0
                                    

Mackiee's POV

"Ma!!" Lumapit agad ang nakabusangot na McCoy kay mama pagkapasok na pagkapasok palang,

Kaya agad kong hinagis ang pwet ko sa couch kase ang laki ng tyan kaya sa dami ng kinanin ko.

"Baby McCoy i like you too me, Sam... Sam Ishioka this is my son McCoy" ang sama ng tingin ni McCoy kay Sam saka tiningnan mula ulo hanggang paa, pero di ngumiti. Mukhang may something

"Bakit sya nandito?!" mukhang galit na si McCoy ah
....

"She's your new alalay, dito na sya titira dahil pag aaralin ko sya. And kung papayag ang papa nyo aampunin ko sya so she could be your lil sis---"

"NO!!!" Ahh, napatingin sakin si sam pero nagkibitbalikat nalang ako.

"What's wrong McCoy?"

"Ma naman! Mag kakameron na nga ulit ako ng kapatid e! Dadagdag pa yang sam nayan! Sabi mo nga sakin kahapon pupunta tayong park para magpicnic pero asan ka?! Diba wala?! Nandun ka sa Mall nagsha- shopping ng kung anong gusto mo?! Then ngayon sabi mo sakin sasamahan moko sa kumpanya para ituro lahat ng kailangan kong gawin!! Pero secretary mo lang ang nandun!! Then nagpromise ka sakin sa text na ipagluluto moko ngayon para pambawi!! Pero ano?! May bago ka nanamang pagkakaabalahan?!"

"McCoy it's not like that, kung gusto mo ipagluluto kita ngayon----"

"Edi ipakain mo dyan sa sam mo!!!"

*pak*

Okay hindi to ang ine- expect ko, hindi kasama dun ang sasampalin ni mama si McCoy. Patay kang bata ka talaga.

"How dare you! To say thing like that! My god McCoy inalagaan naman kita diba? Dahil ba kay nathaniel? I told you bad influence yang lalaking yan!---"

"SHUT UP!!!"

"McCoy that's enough okay" umawat nako, diko na kayang manuod lalo na nung sinigawan ni McCoy si mama. Let's say na napaiyak si mama unexpected kasi eh never nagkaganito si McCoy.

Mukhang bad mood kasi.

"Bakit ba ganyan ka sakin ngayon McCoy"

"Mam Trish tahan na po kayo" nagwalk out si McCoy saka binalibag yung pinto ng kwarto nya. Waahhh~ mukhang magagalit si papa.

"Ma, magsosorry din si McCoy galit lang talaga sya okay" inakap ko si mama saka hinalikan sa noo. Pano pag nalaman ni papa to.

Pinaupo ko sa couch si mama saka inabutan ng tubig ni sam kaya napasimangot ako. Nagulat lang siguro kasi parang makaasta bahay nya to.

"McCoy saan ka pupunta?!" Kuya Mmahon

"Kuya McCoy, anong nangyare kanina?"-Maikel

"McCoy stop packing your things mapapagusapan naman to"-Kuya Mark

"Hindi makakabuti ang paglalayas McCoy"-Kuya Mike

Pero kita ko si McCoy pababa ng hagdan dala ang bagahe nya. Kasunod nyang bumaba sina kuya Mike.

"McCoy?! Saan ka pupunta?!"

"Lugar na hindi maririnig at makikita mukha mo" nagulat kami sa sagot ni McCoy kay mama, na mas napaiyak pa si mama.

"Ako na ang bahala sakanya ma" tumakbo ako palabas saktong kakapasok palang ni McCoy sa sasakyan nya.

"McCoy bumaba ka dyan magusap naman tayo please!" Pero  pinaharurot nya lang yung sasakyan nya,

Hay ano banv nangyayare sayo McCoy.

"Asan si McCoy?"

"Sorry ma umalis na kasi sya eh"

"Mam Trish tahan na po kayo im sure uuwe din si McCoy para magsorry sa lahat ng sinabi nya sainyo" automatic na tumaas ang kilay naming LAHAT sa sinabi ng babaeng to.

"Excuse me, Who are you?" Taray ni Kuya Mmahon oh!

"Hi sainyo! Ako nga pala si Sam Ishioka, ako yung bagong alalay ni McCoy pero mukhang wala si McCoy e. Pag aaralin ako ni mam Trish sana maging kaclose ko kayo hihihi... G---"

"Stop! Masyado kang maingay! Alam mo ba sa bahay nato ako lang ang may karapatang magingay? /death glare;" nilapit ni kuya yung mukha nya kay sam, tsk. Type naman nya ayaw pang aminin. 100% playboy amputs.

"Mmahon! From now on may karapatan na sya dito sa mansion at kung pwede lang ituring nyo syang kapatid!" Iniwanan kami ni mama kasama si sam, tsk. Bakit nga ba ako pumayag iuwe yan dito?

"Sana tanggapin nyo ko kahit isang katulong lang o kaya bilang kapatid! Diba masaya yun hihi"

"Umasa ka sa wala /walk out;"- Kuya Mark

"Ayoko ng kapatid na babae" umalis na si kuya Mmahon at sumunod na rin sina kuya Mike. Naiwan nalang kami ni Maikel na nakatingin sakanya.

"Maikel ikaw nalang ang maghatid sa magiging kwarto nya"

"Pero kuya! Bakit ako? Ikaw nalang"

"Ayt, mage- emote lang din ako" tumakbo nako paakyat para no choice si Maikel hehe.

------

Maikel's POV

Napakamot ulo nalang ako ng takbuhan ako palayo ni kuya Mackiee, alam naman nya na ayaw ko sa babae.

"Sunod ka nalang sa kanila ako na bahala sa gamit ko" nginitian nya ko pero nagtutubig na yung mata, kaya inakap ko sya. Ewan ko kung bakit pero ayaw ko parin makakita ng umiiyak na babae.

"Tahan ka na Sam" hinimas ko likod nya kaya napaiyak na sya, siguro naa- alala ko siguro sa kanya si Janice yung anak nung umampon sakin. Mabait sya sakin at kasing ganda nya rin.

"Salamat ha, kahit mukhang ayaw nila sakin andyan ka para damayan ako, charot ang drama ko masyado"

"Hatid na kita sa kwarto mo" hinila ko yung bagahe nya saka diko alam kung saan ang kwarto nya, sa maid's room o sa guest room?

"San ba kwarto mo?"

"Sa maid's room nalang ako nalang bahala kay mam Trish" umikot kami sa likod bahay doon kasi yung maid's room.

Ngayon lang ako nakapunta dito, ayaw kasi ni mama trish na pupunta kami dito.

"Ah~ eh~ sir Maikel bakit po kayo ang may dala ng bagahe, naku! Naku! Masisisante kami ng wala sa oras sir"

"Ahaha, no it's okay ginusto ko naman e. Tsaka ako naman ang bahala sainyo pagsinisante kayo ni mama. Okay /ngiti;" pinasok ko sa room ni Nancy yung gamit ni Sam. Ano kayang itsura ng kwarto nila.

Curios ako eh.

"Nancy ikaw nalang ang bahala kay Sam, nasa kwarto lang ako pagkailangan nyo ko" nagngitian kami ni Sam ng matagaltagal. Ewan ko kung bakit pero may something sa kanya na nakakapagpangiti sakin.

"Yiiieeee~ si sir kanina pa nginingitian si Sam"

"Ahahaha~ /kamot ulo; sorry na" pumasok na sina Nancy saka ako nagwave ng babye, trip ko lang.

"Maikel!!!"

"Bakit po mama Trish?!"

"Asan si Sam?"

"Hinatid ko pa sa kwarto sa maid's room dun nya daw po gusto e"

"Thank you Maikel ha kasi kahit papano kinakausap mo si Sam, anak din kase sya labas and tumigil sa pag aaral naawa naman ako kase--"

"Kase po ganun din po ang dinanas namin" inakap ko si mama Trish, asan na kaya ang totoong mama ko?

Kailangan kong mausapin si kuya Mackiee tungkol dito.

--------

A Little Thing Called DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon