Chapter 11: I love you Unnie

1.8K 50 0
                                    

Tarah Scarlet Flores'
P.O.V

Hays kapagod ang school. Kakauwi ko lang din ngayon. Si Nash, andun sa kanila inaayos niya pa gamit niya.

"Hi Unnie!" pagbati ko nang makita ko si Unnie na nanunuod ng tv.

Inirapan niya nalang ako bigla. Ewan ko ba sa kapatid ko pero parang lagkng meron tuwing kasama ko. Umakyat nalang muna ako sa kwarto para gumawa ng assignments. Yes bait assignments talaga.

"Nandyan na sina Mommy sa baba" sabi ni Unnie pagkadaan niya sa kwarto ko pero di niya ko tiningnan.

Nakabukas kasi yug pinto ng kwarto ko. Agad akong bumaba para salubungin sila.

"Omma!" niyakap ko sila.

"Di ka ata sa dorm ngayon?" tanong sakin ni Omma.

"Mas gusto ko dito eh. Bukas dun ako" sabi ko sa kanila.

"Ah ganun ba" sabi ni Appa saka pumunta sa kitchen.

Pumunta din kami sa kitchen. Makalat yung kitchen. Wala naman kaming maids.

"Si Thania ba kanina nandito" tanong ni Appa.

Tumango naman ako.

"Thania ano ba tong kalat mo sa kusina?! Bumaba ka nga at ligpitin toh" sigaw ni Appa.

Agad namang bumaba si Unnie habang nakasaltak yung earphone niya sa tenga niya.

"Tss cellphone nanaman. Dapat di nalang kita hinayaan na mag stop sa pag aaral eh" sabi ni Appa.

Nag stop si Unnie kasi sabi niya sa boutique nalang daw ni Omma siya mag tatrabaho. Pinilit niya si Appa at pumayag naman toh.

"Lagi nalang ako" rinig kong bulong ni Unnie pero di ata napansin ni Omma at Appa.

"Nga pala may ibibigay kami sa inyo" sabi ni Omma.

Pumunta kami sa living area.

"Bags, imported yan. Mamili na kayo dali" sabi ni Omma samin, well akin lang kasi sa kitchen pa si Unnie.

Maya maya pumunta na si Unnie sa living room.

"Ano yan?" tanong niya.

"Bags nga diba" sabi ni Omma.

Pipili na sana si Unnie nang pigilan siya ni Omma.

"Si Tarah muna amf pipili ng bag dahil bunso siya, mamaya ka na" sabi ni Omma.

Umirap naman si Unnie.

"Sa kanya na lang yan, wala kong ganda sa bags ngayon. Ok na ang cash" sabi niya at umakyat.

"Meron ba yang ate mo?" tanong ni Omma.

"Lagi naman ata meron" sabi ko at tumawa kami.

Binigay na sakin ni Omma yung dalawang bag saka umakyat na ko. Magkatabi lang kami ni Unnie ng kwarto kaya narinig ko agad siya. Umiiyak siya. Nilapag ko muna yung bags na binigay sakin ni Omma saka pumunta sa kwarto ni Unnie. Dun ko nakita na umiiyak siya.

"Unnie?" napaharap agad siya sakin.

Pinunasan niya yung luha niya bago nag salita.

"What?" mataray niyang tanong.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko.

"Di akk umiiyak may sipon ako kaya lumabas ka na" sabi niya.

"May sakit ka? Gusto mo sabihin ko kay Omma?"

"You don't need to cause I can take care of myself kaya labas" tinulak niya ko saka sinara yung pinto.

Alam kong may problema siya. Di ko nalang muna tinanong kasi baka magalit siya sakin.

The Nerd's Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon