Kinabukasan late akong nagusing, malamang alas kwatro na ko natulog.
Andrei Patrick Dela Cruz'
P.O.VDi pa din ako makapaniwala na si Patchie yun. She…she…she looks so beautiful. Ano bang pinag sasabi ko? Nababaliw na ko. Si Patchie maganda, no way.
"Si Patchie ba talaga yun?" tanong ni Gale habang nasa court kami.
Pati siya di makapaniwala. Walang pasok ngayon, tambayan lang namin yung court.
"Dude I think I like her" binatukan ko agad si Gale.
"Si Patchie? Gusto mo? Nag tanggal lang ng salamin yung babaeng yun eh"
"Di yun si Patchie. Si Patricia na siya. Wala na si Patchie at Patricia na yung kasama natin. She's cool and beautiful"
Di ko alam ang isasagot ko. Oo nagbago na nga si Patchie, mas cool na siya at mas maganda. Di ko naman mapipigilan ang feelings ni Gale.
"Ligawan mo" sabi ko.
Parang nabulunan ako pero ewan ko kung bakit, wala naman akong kinakain.
"Liligawan ko talaga"Napatingin lang ako sa kanya. Seryoso ba talaga siya. Tumayo ako at humarap sa kanya.
"Wag mo siyang lolokohin" tumayo din siya.
"Wow protective ka na ngayon. Hayaan mo, minsan lang ako mag mahal Drei. Alam mo yan"
Umalis na siya. Minsan nga lang siya mag mahal pero seryoso. Natatakot ako na baka saktan niya lang si Patchie, teka bat ba ko natakot paki ko ba sa kanya.
***
Monday…
Tahimik ngayon ang araw ko dahil absent si Gale. Di pa din mawala sa isipan ko na gusto niya si Patchie. As of cue nakita ko si Patchie na nag lalakad habang naka head set, maasar nga. Lumapit ako saka inakbayan niya. Nagulat naman siya saka binaba yung head set niya.
"Hi Patchie" sabi ko.
"Andrei?" ang akala ko mauutal siya pero hindi, diretso siyang nagsalita.
"San punta mo?" tanong ko.
"Tanga ka ba edi sa classroom mag t-time na" inirapan niya ko saka umalis.
Ouch naman minura niya ko. Teka bat ba ko nasasaktan, di niya na ko gusto so pede ko siyang gantihan ng mga nakakaininis na ginawa niya dati sakin. I'm just returning the favor, tingnan natin kung anong feeling ng may nag hahabol sayo 24/7. Hinabol ko si Patchie saka hinawakan yung kamay niya.
"Patchie sabay na tayo" tumigil niya saka hinila yung kamay niya pero di ko binitawan.
"Mr. Dela Cruz ang sabi mo sasabay ka lang walang holding hands" di ko pa din binitawan yung kamay niya.
"Ayoko nga mas gusto ko toh" tas hinila ko siya papunta sa room.
Sinalpak niya yung head set niya saka di umimik. Tinitingnan ko siya kung kikiligin ba siya pero wa-epek. Nang makadating kami sa room kinuha niya na yung kamay niya saka nauna umupo.
"XyX Saturday" rinig kong sabi ni Tarah, kakasimula palang ng Linggo plano na agad para sa Sabado ang pinag uusapan.
"Game" game naman tong si Patchie.
Umupo na ko sa tabi ni Patchie at napatingin sakin si Tarah na nasa harapan niya.
"Sama ka ah, Bluesword" tumango nalang ako.
Nag isip ako ng pwedeng gawin this afternoon.
"May gala kayo mamaya?" tanong ko sa kanila.
"Wala" sagot ni Tarah dahil naka headset pa din si Patchie.
"Manonood ako ng movie, sama kayo my treat" sabi ko sa kanila.
"Sure" agad na sabi ni Tarah.
Tinanggal ko yung headset ni Patchie dahil mukhang wala siyang narinig. Tiningnan niya lang ako ng masama.
"Sama ka" di ko siya tinanong dahil pinapasama ko siya.
Umirap nalang siya. Sows pakipot pa gusto niya naman.
"Anong movie?" tanong niya sakin.
Naririnig naman pala ako eh.
"Furious 7"
Ngumiti siya agad.
"Geh" tipid na sagot niya.
Since mahilig kaming tatlo sa racing yung nalang ang papanuorin namin.
***
Nang matapos na ang klase namin pumunta na kami ng parking lot. Sasakay na sana si Patchie sa sasakyan ni Tara nang sumigaw ako.
"Patchie, sabay ka na!" gusto ko siyang pasakayin sa sasakyan ko, mas madali ko siyang maasar pag ganon.
"I thought bawal ako sa car mo" sabi niya at pumasok sa car ni Tarah.
Oo nga pala dati nag pupumilit siya ihatid ko siya eh ayoko bawal siya sa car ko eh. Pero dati lang yun. Pinaandar ko na yung sasakyan saka umalis na kami.
Pagdating namin dun umakyat na agad kami sa top floor. Bumili na kami ng popcorn and drinks.
"Whoo furious 7 here we go" masayang sabi ni Tarah pero tahimik lang si Patchie.
Pumasok na kami. Nag simula na ang palabas at tutok na tutok kami dun nang bigla kong hinawakan yung kamay ni Patchie. Kinuha niya agad yun saka nanuod.
"Ang ganda gusto ko pang manuod" sabi ni Tarah.
"Kain muna tayo" sabi ni Patchie.
Pumunta kami ng McDo saka umorder. Nakita kong sinawsaw ni Patchie yung fries sa sundae. Ganun pa din siya. Ginaya ko naman yung ginawa niya.
"Bakit ka nang gagaya?" mataray na tanong ni Patchie.
Sinubo ko yung fries na may sundae saka dinilaan yung daliri kong may sundae.
"Ew, akala mo maaakit mo ko dyan. Sabihin mo lang kasi kung gusto mong mag motel" sabi niya sakin.
"Ang alam ko gustong gusto mong mag motel tayo dati, Patch" kinindatan ko siya.
Inirapan niya nalang ako.
"Uwi na tayo" nauna na siyang umalis.
Pumunta na kami sa parking lot at naka sandal lang siya sa sasakyan ni Tarah.
"Ako nag mag hahatid sa kanya" bulong ko kay Tarah.
Hinila ko si Patchie papasok ng sasakyan ko.
"Ano ba?!"
"Ihahatid na kita" umalis na si Tarah.
"Diba bawal ako--"
Tinakpan ko yung bibig niya.
"Bawal si Patchie, pwede si Patricia" sabi ko at kinindatan si Patchie este Patricia.
"Dami mong alam" sumakay na din siya sa sasakyan ko sa wakas.
Hinatid ko na siya sa dorm nila.
"Thanks" sabi niya at bumaba bago pa ko makapagsalita.
She really change.
Next Chapter…
BINABASA MO ANG
The Nerd's Revenge (Completed)
Ficção AdolescentePatricia Justine Aquino was the school's nerd. Lagi siyang binubully pero wala siyang paki basta makita niya lang ang minamahal niyang si Andrei Patrick Dela Cruz. Simula pagkabata minahal niya na si Andrei at alam ni Andrei ito. Lagi siyang iniiwas...