Chapter 17: Flower

1.4K 38 0
                                    

Ngayon ko na ibibigay tong bulaklak. Kinakabahan ako.

"Ready?" tanong ni Cloe.

Tumango naman ako kahit di pa talaga. Pumunta na kami sa may room.
"Goodluck" sabi ni Cloe at umalis.

Pampadagdag kaba lang ginawa niya eh, banas. Pumasok ako sa room buti nalang wala pa si Patchie. Maski yunh dalawang mag best friend wala pa din. Nilagay ko yung flower sa table niya tulad ng plano.

"Mayy secret admirer ata si Patricia. Nako lagot kay Gale kung sino man yun" narinig kong usaman ng iba naming blockmates.

Wag nalang kaya. Kinuha ko yung flower at lumabas ng room.

"Hays tanga tanga" sabi ko at umikot ikot sa hallway malapit sa hagdan.

May mga dumadaang estudyante at pinagbubulungan kung ano bang ginagawa ko pero di ko pinansin. Bahala kayo mag bulungan tingnan niyo kung may paki ako.

"Dapat iniwan ko dun. Bwiset" bulong ko.

"Kinuha mo yung bulaklak!" muntikan na kong mahulog sa hagdan nang biglang sumulpot si Cloe.

"Bakit wala ka sa klase mo?"

"What's the point na pumasok ng maaga kung tatambay ka lang sa room" sabi niya sabay irap at nag pinagcross pa ang arms niya.

Kala mo boss toh o ano. Humarap niya ulit sakin at tumingin sa kamay ko. Hawak ko pala yung bulaklak.

"Bakit nasayo yan?" sabay turo niya sa bulaklak.

Anong sasabihin ko? Ankgn sasabihin ko? Anong sasabihin ko?

"Ah, wala pa kasi siya saka ano. Wala siya ayun" galing mo mag palusot Andrei maniniwala talaga siya.

"You expect me to believe that lie, Patrick. Oh please, you gotta do better than that" sabi niya sabay irap.

"Cloe kanina pa kita hinahanap. Pupunta tayong library diba" sabi bigla ng isang babae.

"Yeah susunod ako Yui" sabi niya sa babae at umalis yung babae. "Laters ibigay mo ah"

Umalis na din si Cloe. Nakahinga ako ng malalim. Pagkatalikod ko sakto dahil biglang dumating si Patricia. Wala si Gale.

"Uy ikaw pala Andrei" sabi niya.

"Si Gale?"

"Absent may sakit. Para kanino yan?" sabay turo niya sa bulaklak na hawak.
Eto na, eto na talaga. Huminga ako ng malalim at inabot yun sa kanya.

"P-para sayo" sabi ko.

"Sakin? Para saan?" sabi niya at kinuha yung bulaklak.

"Ah kasi…sa Science class namin assignment mag palaki ng bulaklak tapos yan lumaki na. Na check na ng prof namin kaya naisipan kong ibigay sayo" sabi ko.

Naks galing ko gumawa ng kwento.

"Thanks. Ang ganda" sabi niya at pumunta sa room.

Yes mission accomplished.

Patricia Justine Aquino's
P.O.V

Somethings bugging me. I think si Cloe yun. Di naman ako galit sa kanya pero super close sila ni Andrei. Patrick pa tawag niya kay Andrei. May feelings pa din ako kay Andrei kahit kami na ni Gale, I know its cheating but I can't help myself.

Napangiti nalang ako nang tiningnan ko yung bulaklak na binigay sakin ni Andrei. Inipit ko yun sa isang libro para na preserve.

From: Gale

Pwede ka ngayon?

Text sakin ni Gale. Half day lang kami ngayon kaya maaga ako umuwi. Wala naman akong ibang gagawin eh.

To: Gale

Wala naman

From: Gale

Date tayo. Please

Natawa naman ako sa pagsabi niya ng please.

To: Gale

Why not? Mag bibihis lang ako

From: Gale

Yey. Susunduin kita

To: Gale

Ok

Nag ayos na ko saka lumabas. Nakita ko si Gale sakto kakababa niya lang ng kotse niya.

"San tayo?" tanong ko sa kanya.

"Surprise"

Ayan nanaman siya sa mga surprise niya. Pinag buksan niya ko ng pinto ng kotse niya at pinasakay dun.

Nakadating na din kami sa pupuntahan namin. Napansin kong nasa malaking masion kami.

"Bahay mo?" tanong ko sa kanya.

"Yes" sagot niya.

First time ko lang makapunta sa kanila and I was surprise. Ang laki ng bahay nila.

"Nasan parents mo?" tanong ko sa kanya.

"Out of town. Mag isa lang ako dito" sabi niya.

Pumunta kami sa likod ng bahay nila. Wow ang laki. May mga puno din.

"Picnic?" nagulat ako dahil may hawak siyang basket at blanket.

Mukhang pinrepare niya toh ah. Nilatag niya yung blanket sa damuhan sa ilalim ng puno. Buti nalang di ako naka dress kundi nahirapan ako umupo dito. Nilabas niya na yung mga foods na nasa basket.

"You planned this?" I asked.

"Yes" nahihiyang niya sabi.

"I love it"

"I lovw you" sabi niya at naramdaman ko naman na nag blush ako.

Natawa naman siya sa reaksyon ko. Di pa din ako sanay eh. Tumayo siya saka pumunta sa likod ng puno. Pag balik niya may hawak siyang yellow flower. Nilagay niya yung sa taas ng tenga ko.

"Bagay sayo" nag pout naman ako bigla. "Don't do that it makes me want to kiss you" mas lalo akong nag pout sa sinabi niya.

Lumapit siya at kiniss nga ko.

"I told you don't do that" natatawa niyang sabi.

Napairap naman ako. Nagkwentuhan pa kami dun. Maya maya hinatid niya na ko pabalik sa dorm ko.

"Thanks for today" sabi ko.

"Basta para sayo" sabi niya at lumapit sakin para halikan ako.

"Sige goodnight"

"Goodnight din I love you"

"I love you too"

Pumasok na ko sa dorm. Di pa din ako sanay kapag nag sasabihan ng I love you. Tumingin ako sa salamin. Nandun pa din yung bulaklak na binigay niya sakin. Kinuha ko yun at nilagay sa book kung nasaan yung flower na binigay ni Andrei sakin.

"Ano bang ginagawa ko?" bulong ko sa sarili ko.

Humiga ako. Matutulog na sana ako nang biglang tumunog yung phone ko.

From: Andrei

Tulog ka na?

Di ko alam kung mag rereply ba ako o ano. I decided na replyan nalang siya.

To: Andrei

Matutulog na sana

From: Andrei

Ah sige matulog ka na. Goodnight:-)

Next Chapter…

The Nerd's Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon