That night, nasa Park ako sa may swing at patuloy ang pagpatak ng mga luha ko, nakayuko lang ako at ang tumatakbo lang sa isip ko. Gusto ko siya kalimutan, sobra na akong nasasaktan ng dahil sa kanya at ayoko na siyang makita pa. Biglang may dumating na nag-abot sa akin ng panyo at naupo sa kabilang swing.
Tinignan ko siya pero parang ako lang din tong lalaking ito. Kumbaga, para ko siyang boy version. Ang lungkot ng mukha niya, ang lalim ng iniisip niya at mahahalata mong sa mga mata niya, parang araw-araw siya umiiyak at walang tulog.
Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na gwapo siya, ang amo ng mukha niya, na may pagka-badboy. Halo ang gwapo ng mukha niya. Basta ang gwapo niya. Habang pinagmamasdan ko siya biglang siyang nagsalita.
"Bakit andito ka? ngayon lang kita nakita dito"
Kinilabutan ako sa boses niya, ang lalim, ang suwabe at ang linaw. Yumuko na lang ako.
"Gusto ko lang makalimot. Bagong lipat lang kasi kami dito. Naglalakad kasi ako ng mapansin ko itong Park. Kaya naupo muna ako dito"
"Ganun ba? Dito kasi ako tumatambay kapag may problema. Ako nga pala si - - "
BINABASA MO ANG
Past Present, FUTURE
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng sobrang nasaktan at siya ay pinaglaruan. Alam nating lahat na masakit masaktan, pero kapag siya ba ay bumalik. Mapapatawad mo pa kaya? o magmomoveforward ka na at haharapin ang kasalukuyan. Sinong pipilii...