PPF-4

68 0 0
                                    

 Pag-uwi ko, sinalubong ako ng tanong ni mommy

 "Oh anak. Musta first day?" sabi ni mommy na nasa kitchen.

 "Ok naman po. Nasali po ako sa group na F(x) sa school. Popular girls po sila" sabi ko habang hingal na hingal.

 "WOW naman anak. Popular ka narin?"

 "Hindi ko po alam ma. Di po ako sure." sabay inom ng tubig.

 "Tsaka na po ako magkwento. Punta lang po ako sa kwarto ko."

 "Sige anak. ipatawag na lang kita."

 Umakyat na ako ng hagdan at dumiretso sa kwarto ko. Naligo muna ako, pagkatapos maligo, nagbihis at nahiga sa kama ko. Nang may biglang kumatok.

 "Ma'am, kain na daw po kayo."

 Si Ate Rose pala, kasambahay namin. Ang totoo niyan. Anak mayaman ako.

 "Sige po ate. Susunod na po ako"

 Pababa na ako ng hagdan at pumunta sa hapagkainan.

 "How's your day darling?" sabi ni daddy.

 "It's fun dad. I join a Girl Group. what I mean is, they join me in their group."

 "What group is that?"

 "F(x) dad"

 "just keep yourself safe, ok?"

 "yes dad. Aa. mom?"

 "Yes darling?"

 "pwede po ba akong magdorm with my co-members?"

 "Yes darling. Maganda yun. Dad, do you agree?"

 "Yhup! I will. Just for my one and only princess."

 "Thanks."

 Pagkatapos ng usapang un. Kumain kami ng tahimik. After dinner bumalik na ako sa kwarto ko to pack my things.

 Tinext ko narin si Victoria para sabihin na pumayag parents ko. Nagpalitan kasi kami ng number sa school. Alam narin nila kung saan bahay namin kasi binigay ko narin ung address.

 From: Victoria ^o^v

 Ok, Puntahan ka na lang namin diyan bukas.

 Hindi ko  na nereplayan. Natulog na ako. Pagod na pagod talaga ako and I enjoy this day ^_____^

 *Krrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnngggggggggggggggg!!!!!!!!!!!!!!*

 *yawn* second day!

 Naligo

 Nagbihis

 Nag-ayos

 Pagkatapos ng procedure na yun. Bumaba na ako at nag-breakfast saktong pagkatapos ko kumain, may bumusina sa labas ng bahay. Sila Victoria na yan.

 Nagpaalam na ako at lumabas ng bahay. Sila nga ^O^

 "Morning Sulli" sabay-sabay nilang bati sakin.

 "Morning!" nakangiti kong bati.

 Lumabas silang apat ng sasakyan para tulungan akong buhatin ung mga bagahe ko at ilagay sa likod ng sasakyan tsaka kami sumakay.

 "Let's Go!" sabi ni Krystal.

 Pagdating namin sa school, sinalubong kami ng mga estudyante at may mga banner narin na nakasulat ung pangalan ko. Dumiretso na kami sa room ng marinig ko ung bulungan ng mga babae.

 "Darating na daw ung teacher na 18 years old."

 "talaga? gusto ko na siyang makita."

 Sa totoo lang pati ako na-eexcite sa teacher na yan. Nang makarating kami sa room. Naupo na kaming lima.

 Nagkwentuhan kami ng may biglang pumasok. New student din siya? Bakit hindi siya naka-uniform?

 Nakayuko siyang pumasok ng classroom. Ung ibang babae nagbubulungan.

 "Ang gwapo niya"

 "Oo nga"

 "Nabihag na niya ako"

 Nagulat kami ng nagsalita siya sa harap at mas lalo kung ikinagulat ng inangat niya ung ulo niya. Nakatingin siya sakin habang nagsasalita siya. Naalala niya kaya ako? Ako kasi Oo, ung ang lalim ng boses niya, ang swabe at ang linaw.

Past Present, FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon