Suzy's POV
Pagbukas ni Kuya ng pintuan. Agad akong tumakbo paloob ng Jollibee. Alam niyo naman siguro ung feeling na gutom, diba? =__________________= Ung mamamatay na ako sa sobrang gutom.
Ang saya kasama ng taong ito. Mula pagkabata, Namiss ko si Kuya, Sobra! HAHAHA XD Lagi kaming magkasundo sa lahat ng bagay. Tinuring ko siyang kapatid simula nung namatay ung totoo kung kuya TToTT
*FLASHBACK*
Nasa may slide ako ng Park. Naglalaro ako, nakangiti pero sa loob-loob ko, gusto ko ng umiyak dahil sa pagkamatay ng nag-iisang kuya ko. TToTT 4 years old lang ako pero may paki na ako sa mundo. Maski LOVE nga alam ko na. Habang naglalaro ako.
“Bata!” napatingin ako, batang lalaki na malalaman mo agad na mas matanda sakin. Nakatitig siya sakin.
“Ako ba?” malamang, ako lang naman andito eh =____________=
“Oo, bumaba ka diyan” agad ko siyang sinunod.
“Bakit?”
“Wala kang kasama?”
Ewan ko bas a lalaking ito pero diretso kasi yung tingin sa mga mata ko.
“Wala ee”
“Malayo ba bahay niyo dito?”
“Hindi naman masyado. Bakit mo pala ako pinababa?”
“Gusto ko lang sana ng kalaro, kaso - - ”
“Kaso, ano?”
“Kaso halata sa mga mata mong malungkot ka.”
Hah?! Paano niya nalaman? Hindi naman namumugto mata ko kasi hindi ako marunong umiyak. Oo, hindi ako marunong umiyak. Simula pagkabata. Kaya nga nung sinilang ako nakangiti pa nga daw ako. Oh diba?
“Paano mo nalaman?”
“May lahi kaming manghuhula” tsaka siya tumawa. “Joke lang. Nakita ko lang sa mga mata mong malungkot ka. Ano nangyari? Bakit ka nga ba malungkot?” pagtatanong niya ng nakatingin sa mata ko.
“Nakakahiya kasi.”
“Ba’t ka mahihiya? Kasi di mo pa alam pangalan ko?” Tapos tumawa siya ng mahina. Tinignan ko lang siya. “Choi Minho nga pala. 7 years old.” Nakangiti niyang sabi.
“Bae Suzy. 4 years old”
“Kwento muna”
“ang alin?”
“Yang kalungkutan mo”
“Ah! Namatay kasi kuya ko sa Car Accident. Sobrang close kami ng kuya ko. Ito ngang ribbon hairpen na ito, bigay niya sakin bago niya kami iwanan” Tinanggal ko ung hairpen sa buhok ko para mapakita sakanya.
“Kahapon lang nangyari lahat, kahapon din ung birthday ko. Ito ung regalo niya sakin. Hairpen, meron pa siyang necklace na binigay” tsaka ko pinakita ulit sakanya.
“Suzy, marunong ka bang umiyak? Alam kong gusto mong ilabas lahat ng sakit na nandiyan sa puso mo. Iiyak mo lang Suzy, hindi kita iiwan. Makikinig ako”
Sa sinabi niyang yun. Naluha ako at dahil sa kanya natuto akong umiyak.
“Ung nawalan ako ng kuya . . .” umiiyak na ako ngayon. Dirediretso na ung pagpatak ng luha ko.
“. . . ang sakit-sakit, sobra” niyakap niya ako. Kaya napahiga ako sa dibdib niya.
“Gusto mo ako na tatayong kuya mo? Kunwari kuya mo ako. Saktan mo ako”
Humiwalay ako sa yakap niya. Tsaka ko siya pinalo-palo.
“BAKIT MO KAMI INIWAN KUYA! ANG SABI MO HINDI MO KAMI IIWAN! KUYA PAANO NA AKO! KUYA . . . ” pinapalo ko siya pero hinawakan niya ung kamay ko tsaka niya ako niyakap ulit.
“Andito lang naman ako lagi eh. Lagi kitang babantayan. Dito lang ako sa tabi mo. Tingin ka lang sa kalangitan. Kung saan ung pinakamaliwanag na bituin. Ako yun”
“Kuya, mahal na mahal po kita. Mamimiss ka namin kuya” napayakap ako sa kuya ko. Mahigpit yun. Yun bang ayaw ko na siyang pakawalan.
Kahit sobrang bata pa nitong si Minho para umarte na kuya ko. Dama ko kasi ung mga sinasabi niya. Kaya humagulgol na ako sa iyak habang nakayakap sakanya.
“Tahan na Suzy. Tingin ka sa kalangitan oh.” Tumigil narin siya sa pag-arte na bilang kuya ko. Kumalas din ako sa pagkakayakap sakanya.
“Yun ba si Kuya?” Humihikbi pa ako tsaka ko tinuro ung pinakamaliwanag na star.
“Oo, yun siya”
“Kuya, pwede ko bang maginng kiya itong lalaking ito? Kung Oo, kuya malakas na hangin ang isagot mo.”
Inantay naming sagot ni Kuya pero mga 8 seconds tsaka humangin ng malakas.
“Pumayag si Kuya ko”
“Oo nga”
“Thank you”
“Para saan?”
“Tinuruan mo kasi ako umiyak”
“Hindi, talagang kaya mong umiyak. Nilabas mo lang yang sakit na nararamdaman mo. Binuhos mo lang. Sa sobrang sakit, naiyak ka”
“Thank you rin kasi dumating ka. Thank you kasi may kuya ulit ako. Thank you sa lahat”
Ngumiti siya “wala yun” tsaka biglang humangin ng malakas.
“nagpapasalamat din si kuya”
“walang pong ano man yun. Aalagaan ko po si Suzy.”
*END OF FLASHBACK*
BINABASA MO ANG
Past Present, FUTURE
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng sobrang nasaktan at siya ay pinaglaruan. Alam nating lahat na masakit masaktan, pero kapag siya ba ay bumalik. Mapapatawad mo pa kaya? o magmomoveforward ka na at haharapin ang kasalukuyan. Sinong pipilii...