Minho’s POV
“Saan ka pupunta? Di mo pa ubos tong pagkain mo”
“Ayoko na. Busog na ako. Tara na.”
“Hah? Ang unti nga ng kinain mo eh.”
“Halika na.” Lumabas na ako. Iniwan ko siya dun. Haha Bastos ba masyado? Ba’t ko ba ginawa yun? Hmp! Epekto siguro ng pag-iisip ko kanina. Tinignan ko wrist watch ko. Quarter to 1:00 na. Kailangan na naming magmadali. Di ko man lang napansin yung oras.
“Hoy! Ba’t ka ba lumabas agad dun? Galit ka ba?” Sabay inom ng Float niya.
“Ah. Quarter to 1:00 na kasi kaya ako nagmamadali.”
“So, galit ka nga?”
“Why would I?”
Tinignan niya lang ako ng diretso, umiinom parin naman siya ng float niya :D Hahaha
“Look Sulli, I’m not mad at you. I’m in a hurry. I mean tayo. Anong oras na. May klase ka pa.”
“Ok, ok! Let’s go!” Nakangiting sabi niya tsaka tinuro yung labasan ditto sa mall. Maglalakad na sana siya nun pero hinawakan ko kamay niya edi kinagulat niya naman.
“Hoy! Bakit?”
“Maling direksyon ka. Dito ako nagpark ng sasakyan ko.”
“Ah. Ganun ba? Ulitin ko. Let’s go!” tsaka niya tinuro yung labasan kung saan kami pumasok kanina. Aish~! Nasa mood to ng pagkabata -________- pero . . . She suits it! ^____________^ She’s CUTE ^______^
Nauuna siyang naglalakad sakin. Tinitignan ko lang siyang naglalakad na parang bata habang hawak niya yung Fries niya na nasa plastic pa tapos hawak ko tong dalawa pang float na nasa plastic rin. Dinalawa ko kasi alam ko yang si Sulli. F&F nga daw diba tapos may iniinom pa siyang float. Hahaha Takaw eh!
Andito na kami sa sasakyan ko, medyo tahimik ang atmosphere kaya nagpamusic na lang ulit ako. Same song ulit! Na-LSS na ata ako dito. Hahaha
“Oh, ito. Alam kong gutom ka pa. Say aaahhh.”
Hindi ko makita mukha niya, nakatingin lang kasi ako sa way, kinain ko na lang yung inabot niya malamang fries yun.
A while ago, ganun parin ginagawa niya. Subo parin siya ng subo sakin syempre pinapainom niya rin ako nung float. Magiging akin ka rin Sulli. SOON! ^_____________^
Sulli’s POV
Nakarating na kami dito sa park ng school.
“Ah, Minho I mean Sir. Thanks for this day. I have fun.” Sabi ko ng nakangiti sa kanya.
“My pleasure Sulli.” He smiled back.
Lumabas na kami ng sasakyan niya, hindi ko narin inantay na buksan niya, baka kasi may makakita pa, ano pa isipin nila -______- Marami pa atang chismosa dito eh. Tsk!
“Sir, I’ll go ahead. Thanks again.” Bakit parang ang gaan ng loob ko. Hayyy!!
“Take care. Bye!” Kumaway siya, nandun parin kasi siya sa may sasakyan niya nakatayo siya dun.
Naglakad na ako papuntang room ko.
“SULLI!!” may tumawag sakin from behind kaya tinignan ko.
“Oh! Ikaw pala Daewong.”
“Papunta ka na ba ng classroom?”
“Ah, Oo. Ikaw?”
“Yhup! Pwede nang sumabay?”
“Sure! Why not! Anyway. Bat andito ka pala outside ng classroom?”
“Bawal na bang lumabas ang isang nerd na tulad ko sa classroom. Hmp!” Nagpout siya! Kyyaahh! CUTE! ^____^ Oopps!! *iling-iling*
“Haha! Hindi naman. Naitanong ko lang at tsaka kasi galing ka ng Parking Lot, may sasakyan ka?” Wala lang gusto ko lang magdaldal sakanya. Haha
“Wala ah. Haha” Medyo padeny pa siya. Alam ko namang may kotse tong nerd na to eh. Haha Diba! Astig ng nerd na kaibigan ko. Hahaha ^_____________^
“Deny ka pa and your wearing those glasses again. Hmp!” Medyo nagpacute ako sakanya. Nagpout lang naman ako XD Hahaha
“Sorry. Hindi ko maiwasang ito maisuot ko.”
“Haha. To naman. Bat ka nagsosorry. Ok lang yan. It suits you naman.” Ngumiti ako sakanya. SWEAR! Bagay niya rin namang may glasses pero ang kapal kasi. Napayuko siya kaya tinignan ko siya pero napatingin ako sa glasses niya.
“Ah, Daewong.”
“Yes?”
“Pwede ko bang mahiram yang glasses mo?”
“Why?”
Kim Daewong's POV
“Ah kasi, ano.”
“Here.” Inabot ko sakanya yung glasses ko. Pumikit siya tsaka niya sinuot yun.
“Walang - - -” Pinutol ko siya.
“Haha. Oo wala nga. Walang grado yan. Wala lang gusto ko lang kasing magsuot ng salamin na ganyan.Yung makapal. Hahaha” Napansin niya. Ayoo~!
“Here. Trip mo lang ganun?” Sarcasting niyang sabi habang inaabot niya sakin yung salamin ko.
“SULLI!!” Tinawag siya ni Krystal. Nakarating na pala kami ng room.
“Go ahead.” Sabi ko tsaka kami pumasok at ako tumungo na sa upuan ko.
Sulli’s POV
“Ano nangyari?” Krystal.
“Oo nga! Ikaw ah!” Amber.
“Nabanggit ko kasi sakanila na magkasama kayo ng teacher natin kanina.” Mahinang sabi ni Victoria.
“Dali na Sulli. Kwento na!” Luna.
Biglang pumasok adviser namin at tsaka yung principal namin. Wooh! Medyo savior sila sa tanong ng mga kaibigan ko ^_______________^
“Goodmorning Principal and Sir Minho.” Bati naming lahat.
“Seniors! You have two subject from Mr. Choi.” Principal.
“Hawak ko ang Math and P.E. subjects niyo.” Sir Minho. Sinundot ni Krystal tagiliran ko. Aish~! Anuba! -_________-
“That’s all. Bye class!” Principal.
“Goodbye Principal and Sir Minho. Have a nice day!” bati ulit namin. Pang gr.1 lang diba? Hahaha at pumasok na teacher namin sa Filipino.
“Mamaya Sulli.” Bulong ni Krystal sakin. Akala ko takas na ako sa mga to. Hindi pa pala. Doon pa man din ako sa dorm matutulog. Aish~!
*KRRRRRIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGGG KKKKKRRRRRRIIIIIINNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGG*
At natapos na ang day na puno ng sundot sa tagiliran ko. Eh paano naman kasi kanina sa P.E. namin last subject pa namin yun ah. Panay ang sundot sa tagiliran ko ng apat na to. Sige! Sila na kinikilig.
Papalabas na ako ng gym kasabay silang apat ng. . .
“SULLI!!” pangatlong sigaw ng pangalan ko ngayong araw. Kanina si Daewong, si Krystal tapos ngayon. O__________________________O
“N?” Ang tipid ng pangalan no. Haha Oo si Cha Heok Yeon nga ang nakikita ng dalawang mata kong patakbo papunta sakin. Ge! Hindi siya nahiya. Nakatingin lahat ng taong nasa gym samin. Duh?! Naging FAMOUS kaya tong hinayupak na to dito sa school na to -______________- I heard kasali daw siya sa team ng basketball. Ayun! Mas nakilala nanaman siya ng mga estudyante dito. Well, napatingin ako sa lahat ng tao, nasaamin atensyon. TToTT Medyo di ako sanay, nahagip ng mata ko yung gwapo naming adviser *iling-iling* si Minho. Ah! Sir Minho. Bat yun. Ansama ng tingin kay . . . . . . N? X______________X
BINABASA MO ANG
Past Present, FUTURE
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng sobrang nasaktan at siya ay pinaglaruan. Alam nating lahat na masakit masaktan, pero kapag siya ba ay bumalik. Mapapatawad mo pa kaya? o magmomoveforward ka na at haharapin ang kasalukuyan. Sinong pipilii...