PPF-8

66 0 0
                                    

Suzy's POV

 “Ano sayo kuya?”

 “Kung ano sayo, yun narin sakin”

 “Paano yan. Di ako kakain” biro ko

 “ikaw? Di kakain. Imposible. Hanap lang ako vacant seat.”

 “Sige. Sunod na ako” naglakad na siya palayo pero bumalik.

 “Ms. Pwede bang ipadala na lang ung order namin. Wag niyo ipapadala sa kapatid ko. Ok?”

 “Ok po sir.”

 Naglakad na si Kuya paalis.

 “Wag niyo pong papakinggan yan. Ako na lang po magdadala”

 Bumalik ulit si Kuya pero tumabi na siya sakin. Mukhang narinig niya yung sinabi ko.

 “Dito na lang ako. Narindi ako sa narinig ko eh”

 Sinabi na nga eh, narinig niya. Nagpout na lang ako. Tsaka niya pinirit ung ilong ko. Nag-order na ako ng kakainin namin. Tsaka kami naghanap ng vacant seat. Nang makahanap kami, agad kaming umupo at inumpisahan ko ng magsalita para magkwento.

 Minho's POV

 “Kuya, alam mo bang miss na miss kita. Hindi kaya sumipot ung ka-arranged marriage ko nung pumunta kami sa Singapore. Tsk! Pero nag-enjoy naman ako doon.”

 Daldal niya parin. “Namiss din naman kita eh” tsaka ko pinirit ung pisngi niya tapos nagpout siya. Panggigilan ba? Hahahaha “Ee, ako nga, ginawa nila akong adviser sa Willford, trainee lang naman ako. Hindi ko nga alam kong kaya ko to.”

 “Ikaw pa kuya. Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Andiyan naman inspiration mo diba? Yiiieee!”

 Nahinto pag-uusap namin ng dumating ung order namin. Kaya nang makaalis ung waiter tinuloy namin ung usapan namin. “Si Sulli? Oo nandoon siya. Gusto ko siya maging akin pero hindi pwede kasi estudyante ko siya”

 “Paano kuya kung umalis kana sa school na yan?”

 “Hah? Kung kailan ko siya nahanap, tsaka ulit ako aalis”

 “Tsk?! Suggestion lang naman kuya. Kain na nga lang tayo. Tikman mo to oh.” Kinain ko ung inaalok niya sakin.

 Nang matapos kami kumain. “Nabusog ako kuya. Wala ka bang klase ngayon?”

 “Wala. Kasi 4th year lang tinuturuan ko ngayon. Math lang subject ko sakanila kaya babalik na lang ako mamayang mga 1:00, magpapakita lang sakanila. Baka kasi sabihin nila, adviser nila akong absent ng absent.”

 “Wow kuya! Todo explain ka ah! Hahaha babalik ka kasi dahil kay Sulli. Palusot pa kasi eh!” sabagay, my point siya. Baliw talaga to.

 “Oo na. Tara na nga”

 “Shopping tayo kuya.”

 “Ikaw lang mahilig diyan. Tara.”

 Sulli’s POV

  Andito na ako sa room namin. Well, may klase na kami pero hindi nanaman ako nakikinig. Lumilipad utak ko. Iniisip ko kasi ung nangyari kanina. Paano siya nakarating dito? Sinusundan niya ba ako? Assuming naman ako, pero yung kasama ni Sir Minho kanina. Yung babaeng yun. Parang nakita ko na siya at tsaka mas maganda siya sakin. Ang bata ng mukha ng babaeng yun. Saan ko na ba siya nakita? Wait, pumapatol ung teacher namin sa mas bata sakanya? Ibig sabihin may chance ako? Argh! Ano ba tong iniisip ko. Hindi ko siya mahal. At hindi dapat, kasi teacher namin siya. Magiging malaking issue kapag malaman nilang nagsasama kami. Ano ba tong iniisip ko?! =______________= Dapat kong itatak sa isip ko na hindi ako mamahalin ng isang teacher. No. No.

 “No.”

 “Very good Ms. Sulli. Ok class. That’s the final question for today. Class dismiss.”

  Hah? Tinanong ako pero hindi ko alam kong ano yun.

 “Uy Sulli” tawag ni Krystal sakin ng mahina kasi katabi ko naman siya.

 “Bakit?”

 “Kanina ko pa kasi napansin na nakatunganga ka. Kanina ka pa nakatingin sa libro mo. Lipat ka lang naman ng lipat ng page. Buti nga nakasagot ka sa tanong ni Ms. Kang kanina.”

 “Ano ba yung tanong niya?”

 “Ayan! Nakatunganga ka nga. Tinatanong ka kung, In the Greek Methology, is it Zeus is the God of the Sea? tapos sumagot ka ng No. Kaya ayon! Nagtatanong kasi si Ms. Kang satin isa-isa para malaman kung sino ung nakikinig at sa hindi”

 “Ganun ba? Asan sila Victoria?”

 “Sumama kay Ms. Kang para buhatin yung ilang mga gamit ni Ms. Kang”

 “Ah, Krystal. Ano next subject natin?”

 “Wala, vacant natin”

 Tinignan ko ung wrist watch ko, 10:05 na. “Ikot lang muna ako ng school. Maghahanap ng kakalibangan.”

 “Sige, Doon lang muna ako kay Daewong”

 “Sige”

 Naglalakad ako kung saan papunta ung paa ko. Naisipan kong sa may Butterfly Garden  na lang muna ako.

 Madadaanan kasi yung entrance ng school papuntang Butterfly Garden. Naalala ko lang si Sir Minho kanina tapos yung pagkakatumba ko. Naglalakad lang ako hanggang matanaw ko ung Butterfly Garden. Pagpasok ko, ako lang tao dito. Ang saya naman. May dumapong paru-paro sa may kamay ko. Ang cute naman.

 “Ang ganda dito diba? Kasing ganda mo.”

 Napatingin ako kung sino yung nagsalita. Kinagulat ko ng makita ko ulit siya. Tinatagan ko sarili ko para kausapin ulit siya.

 “Kamusta ka na?” tumingin na lang ulit ako sa mga paru-paro

 “Ok naman ako. Ikaw?”

 “Ako? Simula nong iwan kita halos gumuho na mundo ko.”

 Napatingin ako sa kanya at umagos yung luha ko. Napaupo ako sa malapit na bench.

 “Alam mo bang mahal na mahal kita babe, iniwan kita dahil ang gago ko”

 Mahal pa niya ako? “B-Babe?! Tigilan mo ko! Hindi na kita mahal!” Pasigaw kong sabi.

Past Present, FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon