Kinakabahan ako sa mga to. Ano kaya ung nag-iisang rule na yon. Argh!
"Friendship never ends!" sabi nilang apat. Phew! Akala ko kung ano na -_________________-
Nagsilabasan na kami sa sasakyan. Nagulat ako sa mga estudyanteng may dala-dalang banners at ung iba nagulat ng makita ako.
"Sino kaya itong babaeng ito?"
"Baka siya na ung bagong member."
"Oo nga. Kung siya nga. Kumpleto na ang F(x)"
Bulungan ng tatlong babae. Anong kumpleto? Ako ba?
"Ang swerte naman niya, siya ung napili"
"Kaya nga, ano kayang pangalan niya?"
Sabi pa ng ilan. Nagulat ako ng may marinig akong familiar na boses ng isang babae sa mic. Pagtingin ko, silang apat nasa stage.
"Hey guys, F(x) is now complete. We already found our new member named Choi Jin Ri or all of you just call her Sulli for short"
Para akong natutukan ng spotlight at nakatingin lahat ng estudyante sa akin. Hindi ko alam gagawin ko. Nanatili lang akong nakatayo. Hindi ako sanay sa ganito.
"Come near" sabi ni Amber, naglakad na lang ako papunta sa kanila. Nang makalapit ako.
"Introduce yourself" bulong ni Amber sakin, tsaka niya inabot ung mic sakin.
Kinakabahan ako ng hawakan ko ung mic. Nagpakilala na lang ako.
"Annyeonghaseyo, Choi Jin Ri or Sulli imnida. New member of F(x) and a new student here. Enjoy the first day of school" Pagpapakilala ko ng may halong kaba pero di ko pinahalata. Nakangiti lang ako.
Walang nagpalakpakan pero may narinig akong babaeng sumigaw.
"Sulli, Hwaiting!"
Tapos paulit-ulit sinigaw ung pangalan ko. Nakakatuwa lang. Hindi ako naging ganito sa dati kong school. Isa akong dakilang loser sa school ko dati but I have a wonderful heart pero nasaktan ako ng isang lalaking lubusan kong minahal TToTT Ge! Drama ko nanaman. =_____________=
Bumaba na kami sa stage, ung ibang estudyante. Sinasabihan ako ng congrats, ung iba naman ngumingiti sakin at nagha-hi. Ngumingiti na lang din ako. For response.
Nakarating kami sa room namin, wala pang teacher kaya naupo na lang muna ako.
"Sulli, dito ka!" sigaw ni Krystal sakin.
"A-ah, sige" tumabi ako sa pagitan ni Luna at Krystal.
Popular girls pala sila sa school na ito. Si Victoria ung parang tumatayong leader sa kanila, susunod si Amber, Luna, Ako at Krystal. Nadagdag ako, pinakabata pala samin si Krystal. Hindi na ako magtataka kung bakit makulit siya.
"Magkwento ka naman Sulli about sa past mo" sabi ni Luna, napatingin naman si Victoria at Amber at biglang lumapit sakin. Wala na akong magagawa kundi magkwento.
"Umpisahan mo sa, kung bakit ka lumipat dito sa school na ito" Nakangiting sabi ni Krystal.
"Lumipat ako sa school na ito dahil gusto kong mabago buhay ko." sabi ko ng nakayuko
"Hah?! Mabago? Anong nangyari?" Sabi ni Victoria
Interesado talaga sila sa kwento ko. Sisimulan ko na.
"Isa akong dakilang loser sa school, loner ako. Ewan ko ba, pero ayaw sakin ng mga tao. May popular din sa school namin. Girl and Boy group sila. Miss-A at VIXX yung pangalan ng group. Isa sa member ng Boy Group na yun, minahal ko ng sobra pero sinaktan lang ako. Pinaglaruan ako. Pinagpustahan ako kung sasagutin ko daw ba siya o hindi. Naging sweet siya sa akin. Nagtagal kami ng 5 months kasi yun din ung pustahan. Hindi ko nga napansin na ginagago lang ako. Tsaka ko lang nalaman ng marinig ko silang nag-uusap-usap about sakin sa lumang gusali ng school. Pero napansin kong nakayuko lang siya at hindi nagsasalita. Habang nakikinig ako hindi ko napigilan ang sarili ko at lumabas sa pinagtataguan ko. Inamin ng mga kaibigan niya sakin lahat pero siya hindi umiimik at nakatingin lang sakin. Tapos pinagtawanan pa nila ako at sinabihan ng loser. Tumakbo na lang ako palabas." pinunasan ni Krystal ung mga luha ko. Hindi ko napansing umiiyak na pala ako.
"Nang mapagod akong tumakbo, naglakad na lang ako hanggang sa makarating ako sa Park. Doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nang may biglang lalaki na lumapit sa akin at binigay ito." Nilabas ko sa bulsa ko ung panyo kung saan ko ipinunas ung luha ko dati at ngayon, ipupunas ko ulit sa panyong ito ang mga luha ko.
"Itong panyong ito. Gagamitin ko lang kapag umiiyak ako" kinuwento ko narin sakanila kung anong nangyari sa Park.
"Tahan na Sulli, nakilala mo ba ung guy?" sabi ni Luna habang hinihimas likuran ko.
Kinuwento ko ung huling part na nangyari sa Park.
"Hindi ako makapaniwalang sa ganda mong yan. Loser ka. Insecure lang yun!" Sabi ni Amber
"Tama na at baka pati ako maiyak pa, Sulli, gusto mo bang doon ka matulog sa dorm namin para naman mas maging close pa tayo?" Sabi ni Victoria habang pinunasan niya yung namuong luha sa mata niya.
"Ah. Sige, pero magpapaalam muna ako kila mommy, pero kung papayagan ako, bukas na ako matutulog sa dorm at mag-iimpake pa ako." Tumahan narin ako. Masyado ng madrama ee.
"Sige, bakit wala pa ung teacher natin? Anong oras na ah." sabi ni Victoria, sabay tingin sa wrist watch niya.
"Excuse me, May I ask?" sabi ni Krystal
"Y-Yes, Of Course!" sabi nung girl na halata mong kinilig pa kay Krystal.
"bakit wala pa ung adviser natin?" sabi ni Krystal.
"ah yun ba? kasi new adviser daw ung magiging adviser natin. 18 years old lang daw siya pero nagtuturo na." nakangiting sagot niya.
BINABASA MO ANG
Past Present, FUTURE
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng sobrang nasaktan at siya ay pinaglaruan. Alam nating lahat na masakit masaktan, pero kapag siya ba ay bumalik. Mapapatawad mo pa kaya? o magmomoveforward ka na at haharapin ang kasalukuyan. Sinong pipilii...