“Sulli, kanina sa discussion. Panay ang tingin sayo ni Sir Minho” sabi ni Krystal.
Tumawa na lang ako.
“Oo nga Sulli. Baka may something. Haha” sabi ni Luna.
“Baliw kayo.” tumawa ulit ako. Habang nagkwekwentuhan kami, naalala ko bigla si Daewong. Kaya napag-isipan kong hanapin siya.
“Ah. May hahanapin lang ako, kita-kita na lang tayo mamaya sa room.”
“Saan ka naman pupunta? Hahanapin mo si Sir Minho? Hahaha" sabi ni Amber
“Hindi ah! Sige, mauna na ako” Hindi ko na inantay pa ung huli nilang sasabihin. Tumakbo na ako palayo, narinig ko pa nga silang nagtawanan.
Habang tumatakbo ako may natanaw akong di kaakit-akit sa mata. Ewan ko ba pero parang bigla akong nainis sa nakita ko. Sobrang inis! >__________________<
Sa may entrance ng school. Nakita ko si Sir Minho na may kasamang babae na nakahawak pa sa braso niya. Nagseselos ba ako? Habang tumatakbo ako may nakabungguan ako at ikinatumba ko yun.
“Ouch” mahina kong sabi
“Sorry miss, Di ko sinasadya. Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo”
May kaboses siya, “Sorry.”
Inabot niya ung kamay niya kaya kinuha ko yun para makatayo ako.
“Pare, si Sulli yan ah.”
Hah? Kilala ako ng taong ito? Kaya para makita ko kung sino sila. Inaangat ko ung ulo ko sa pagkakayuko. Nagulat ako sa nakita ko at binitawan ko ung kamay niya na nakahawak parin sa kamay ko. Mahigpit ung hawak niya, un bang ayaw na niyang bitawan pa. Tumakbo ako papuntang CR. Humagulgol ako doon. Buti walang tao dito, pero habang umiiyak ako may biglang pumasok. Sila Victoria pala. Napayakap ako kay Victoria. Di ko pa siya kayang harapin. Nasasaktan parin kasi ako.
“Bakit? Anong nangyari?” pagtatanong ni Victoria na nasa tono ng pag-aalala.
“Nakita ko siya dito. Dito narin siya nag-aaral.Ang sakit nang makita ko ulit siya after 6 months. Masakit parin sakin. Ang sakit-sakit”
“Tahan na Sulli, kilala ko na kung sino yang tinutukoy mo” niyakap ako ng mas mahigpit ni Victoria
“Tahan na Sulli” sabi ni Luna at lumapit sakin at hinimas likuran ko.
“Asan siya Sulli. Uupakan ko yun!” pagmamayabang na sabi ni Amber
“Sulli” matipid na sabi ni Krystal tsaka lumapit at yumakap sa may likuran ko.
Minho's POV
Wala naman na akong klase. Balik na lang ako dito sa school mamayang mga 1:00. Punta na lang muna ako ng Park. Medyo malapit lang naman yun dito sa school. Lalakarin ko na lang.
“Goodmorning sir” sabay-sabay na bati ng mga estudyanteng babae sakin.
Ngumiti lang ako. Narinig ko pa silang nagbulungan.
“Nginitian niya ako”
“Ako kaya”
“Excuse me! Ako un. Nakatingin kaya siya sakin.”
Hay nako! =____________=
“Kuya!”
Nakita ko ung babaeng papalapit sakin. Saglit, kilala ko to ah.
“Suzy?”
“Buti naalala mo pa ako” tapos humawak siya sa braso ko.
“Oo naman. Ba’t naman kita makakalimutan? Ikaw talaga!” Tsaka ko ginulo yung buhok niya.
Si Suzy nga pala. Tumayong kapatid ko. Magkapatid lang turing naming sa isa’t-isa. Alam din niya lahat tungkol sa babaeng nakilala ko sa Park at si Sulli yun.
“Anyways, kuya nakita muna ba ung girl na hinahanap mo?”
“Oo nahanap ko na siya. Dito sa school ko na to siya nahanap. Ang kaso nga lang estudyante ko siya. Sulli pangalan niya” habang sinasabi ko yun. Natanaw ng mata ko si Sulli na nakaupo sa sahig at inaabot ng lalaki yung kamay niya. Nakita ko lahat ng eksena. Pati ung pagtakbo ni Sulli na nakatakip ung mukha. I think she’s crying.
“Kuya, Siya ba yung Sulli? Ung babae sa Park?”
“Oo, siya yun”
“Umiiyak ata siya”
“Ewan ko. Pero I think Oo, Asan ba pumunta yun?” tanong ko kay Suzy
“Aba kuya! Malay ko! Nakita mong magkasama tayo tapos magtatanong ka sakin. Baliw ka ba?”
“Suzy, alam mo namang mahal ko ung babaeng yun diba?”
“Ayan ka nanaman kuya sa drama mo. Halika na nga, kain tayo. Libre mo ko. Tagal ko ng hindi natitikman libre mo eh” tsaka niya ako hinila kaya natauhan ako sa pagkakatunganga ko.
“Ikaw nga dapat manlibre. Galing ka ng Singapore”
“Tsk! Oo na! Halika na. Gutom na gutom na ako.”
Nang makarating kami sa Restaurant kung saan gusto niya kumain.
“Ano gusto mo kuya?”
“Suzy, bakit dito? Mahal dito. Doon na lang tayo sa favorite natin.”
“Hmp, tara na nga.”
“Jollibee?”
“Oo na. Favorite natin eh. Bilisan mo kuya. Gutom na ako.”
Bumalik na kami sa sasakyan. Dinala ko na itong sasakyan ko kasi for sure kapag si Suzy kasama ko malayo-layo pupuntahan namin.
Tulad nong dati, akala ko kakain lang kami tapos pagsakay namin sa sasakyan, sabi niya diretso ko daw ung biyahe namin hanggang sa makarating kami sa Airport tapos yun. Sabi niya gusto niya ako makasama buong araw kasi mamimiss niya daw kuya niya. Tsaka siya umalis papuntang Singapore. 1 year siya doon ee.
Sumakay na kami. Habang nasa biyahe, I-on niya ung Music Player. Tsaka sinabayan ung kanta.
“Everybody, Everybody, Every, Everybody, asdfghjkl;”
Hah? Ano daw? Kanta lang siya ng kanta. Hinayaan ko siya kasi miss ko rin itong Suzy na ito.
Buong biyahe ganun lang ginawa niya hanggang sa makarating kami sa Jollibee.
“Tama na yan. Andito na tayo” Bumaba na ako tsaka ko siya pinagbuksan ng pinto. Nang mabuksan ko na, agad naman siyang lumabas at pumasok sa entrance.
BINABASA MO ANG
Past Present, FUTURE
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng sobrang nasaktan at siya ay pinaglaruan. Alam nating lahat na masakit masaktan, pero kapag siya ba ay bumalik. Mapapatawad mo pa kaya? o magmomoveforward ka na at haharapin ang kasalukuyan. Sinong pipilii...