Monday morning rain is falling ay mali Sunday pala yun. Ano ba yan Jam! Pati lyrics nabago na lahat na nagbago pero yung pagmamahal ko pa din sa kanya ayun di nagbago eme!! Okay seryoso na. it's 6:30 am in the morning and yet I'm still on my bed nakakatamad kaya pumasok ng university eh 1st day palang naman at for sure magpapakilala palang lintek na pakilala yan diba? Aminin niyo ayaw niyo din ng introduce yourself part which is ang tagal niyo ng magkakaklase tapos may ganyan pa din minsan ang saya tampalin ng school noh? Ay mali hindi yung school baka masaktan lang ako pag ginawa ko yun diba? Masakit kaya manampal ng gawa sa bato pero madaling manampal ng mga gago. Gets niyo na? Kaya ingat kayo sa mga tagalog words niyo mga ate at kuya nakakababa ng confidence. So ayun naisipan ko na bumangon kasi maya maya lang kakatok na naman si kuya JD yes I prefer calling my kuya "JD" kaysa Jaeden ksi napaka haba tho very light lang naman. So I got up and I decide to go to the bathroom for me to have a shower pampaalis libag din tsaka stress sa katawan mga ate haha!! I let the water stream down over my skin it was really good not too hot and not too cold yung sakto lang parang sa pagmamahal lang yan eh magbigay ka lang ng sakto wag yung sobra kasi sobrang sakit pag walang natira sayo para kang isang vase pag natabig ganon kalakas ang impact at pagkawasak mo sa babagsakan mo. Okay too much hugot na dami niyo na naman natutunan sa isang Jamila Gonzales no? Haha idol niyo na ako niyan ha joke! After thirtymins. natapos din ang pagligo ko, I feel sexy and fresh na naman ngayon haha. After ko magbihis ay bumaba na ako para kumain ng agahan nakita ko na din sila mama at papa na nakaupo na sa kanilang pwesto gayon din si kuya JD na kakababa lang.
"Kuya JD paano ba yan nauna ako natapos maligo... So ililibre mo na ba ako mamaya?" Pang aasar ko kay kuya kahit alam ko naman na di siya naasar
"In your turtle dreams Jam" pag sagot sa akin ni kuya jd bago siya uminom sa kanyang hot chocolate
"Ma at Pa oh si kuya turtle dreams daw." Nakanguso kong pagsusumbong sa mama at papa ko
"Jam pag pasensyahan mo na ang kuya mo ganyan talaga pag may girlfriend na" natatawang sagot ni mama
"Mama naman lagi mo na lang kinakampihan si Jam. Dad help naman jan oh pinagtutulungan nila ako" haha!! At natawa naman ako sa pagtatampo ng kuya ko at naghanap pa ng kakampi
"Jd tama naman kasi ang mama mo pero anak aral muna ng mabuti okay? Gragraduate ka na eh pati ikaw jam ha wag muna magboboyfriend" at bigla naman ako napalunok sa lalamunan ko gawa ng sinabi ni papa
"Papa naman eh" pagmamaktol ni kuya na umani ng tawanan. Ganito lang kami hindi man kami masyadong mayaman atleast mayaman naman kami sa pagmamahal ng magulang at bawat isa. After ng masayang kwentuhan sa agahan agad na kami nag ayos ni kuya para pumasok sa university pero napansin ko na lang na parang nagmamadali na naman ang magaling kong kuya
"Ma! Pa! Alis na po ako kailangan po kasi kami sa school ng maaga pag uusapan pa po ang sched ng mga training namin para sa darating na tournament sa school" pagpapaalam ng maayos ng kuya ko
"Hindi mo ba isasabay si jam?" Tanong ni mama
"Ah-eh kasi---" nautal utal na sagot ni kuya
"Ma okay lang po maaga pa naman po mamaya pa naman 8 am klase ko" nakangiti kong sagot
"Okay" sagot na lang ni mama
At umalis na nga ang kuya ko minsan ramdam ko na may nililihim eto eh hmmm dibale na nga, ayon nag ayos na ako ng mga gamit ko ayos onti ng buhok sipilyo and spray ng pabango syempre para mabango naman at presentable sa harap ng iba alam nyo guys di naman kasi digmaan pupuntahan ko kungdi school so alam niyo na pero mas maganda pa din kung presentable ka palagi kahit sabihin mo pa na school yan or what para laging positive ang aura. Mag 7 am na ng natapos ako mag ayos nag paalam na din ako sa aking mga magulang at humalik sa kanilang pisngi bago lisanin ang aming bahay habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng bus biglang may tumigil na audi na matte black sa gilid ko alangan namang sa likod ko so paano ako maaaya ng may ari neto? Tsk! So ayun di ko mawari kung sino ang may ari neto pero ang ganda ng kotse niya mga bes!
"Hop in." Sabi nya kilala ko ung malalim na boses na yon kung di ako nagkakamali sa bestfriend ko na si Claude Chua eto.
" geh geh" sagot ko at byumahe na kami papuntang school at bigla siya nagtanong na bumasag sa aming katahimikan na dalawa
"Why are you walking all by yourself? Siguro favorite mo na ang kanta na all by myself" sabi niya na nagpipigil pa ng tawa na ikinataas ng kilay ko
"Alam mo Claude kung wala kang magandang sasabihin na maayos tumahimik ka na lang" inis na sagot ko sa kanya
"Bakit ka naiinis?" Tanong niya na mas lalo kong kinainis dahil nagpatay malisya pa siya putek!
"Kasi naistress ang kagandahan ko" pagmamayabang ko sa kanya
"Maganda ka pala? Bakit hindi ko makita." Sagot niya na nangiinis talaga isa na lang Claude makakasapak ako ngayon!
"Totoo naman na maganda ako ah" sabi ko kasi totoo naman na maganda ako brainy pa saan ka pa edi kay Jam Gonzales na!
"Okay geh agree ako pero 0.001%" sabi niya ng natatawa tawa ay aba gago eto ah!
"Alam mo Claude kaya hindi mo nakikita kasi singkit ka! " sigaw ko sa sobrang inis kaya naman napatakip na lang siya sa isang tenga niya jusko po sa lahat talaga ng ayaw ko pag si Claude na ang nang iinis kasi lagi kong taob sa kanya kainis!
The drive went smooth after ng pang aasar nya bwiset talaga! Nakarating na kami sa SU (shin university) at nakapag park na din siya. Bago pa ako bumaba ng sasakyan niya bigla niya akong hinila na ikinagulat ko naman.
"Claude ba-ba-bakiiiit?" Nauutal kong tanong habang papalapit ng papalapit ang muka niya sa akin
"Ang ingay mo Jam masyado alam mo ba yon?" Sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko " Alam mo ba hindi bagay sayo ang mag ingay dito sa sasakyan ko." Bulong niya na nagpataas ng balahibo ko at nagbigay ng chill sa sistema ko at nagsalita siya ulet
"Alam mo kasi Jam don't get loud if you aren't in for a duty with me okay?" Sagot niya na ikinapula ng pisngi ko putcha Claude ang aga aga!Sorry kung yan lang nakayanan chapter 1 palang yan expect more? Haha!! Happy reading!
Votes po and other suggestion ay maluwag kong tinatanggap

YOU ARE READING
"Gambler's Zone"
Teen FictionI almost know everything about him. His favorite food,sports,color,standard towards a woman but I never knew he was a gambler when you enter his zone.