Chapter 7: Rye Anderson

14 1 0
                                    

Di mawala wala ang ngiti ko hanggang ngayon grabe! First time ko lang makaramdam ng ganito. Sa lahat kasi ng babae na nakilala ko, naging girlfriend ko, siya lang ang nakapag bigay sa akin ng ganitong epekto. I really want to know her more!

I'm on my way to our practice kasi napag alaman naman na ng coach namin na nagbalik na ang isa sa mga magagaling na player ng SU sino pa ba edi ako? joke! Pero napag alaman na talaga ni coach ewan ko na lang kung binalita na sa iba.

Namiss ko naman agad ang pakiramdam na mag simulate kayo ng game during practice, magplano mabuti kung paano maipapanalo ang game, at syempre ang mag enjoy habang naglalaro ka sa field kasama ang mga team mates mo.

Habang papunta ako  ng field kung saan nagtraining ang mga varsity ng soccer team napansin ko na napaka dami pa din palang studyante ng SU ang nanonood ng practice ng soccer team tuwing pagkatapos ng klase. Mas lalo akong na enganyo  mag practice kasi makikita mo talaga ang suporta ng schoolmates mo!

Agad ko na dinalian ang pagpunta, tumakbo na ako papuntang locker room at agad na din nag palit para makapag practice na.

Pagkadating ko sa field, napansin ko naman ang pagkabigla ng mga nanonood na studyante, ultimo ang ibang ka team mates ko dati ay napatulala ng makita ako. Hindi ko naman sila masisi kung bakit ganyan ang reaction nila wala eh pogi ako eh joke! Pero pogi talaga ako haha!! Okay seryoso na. Ang totoo niyan nangibang bansa kasi ako para bisitahin ang dad ko na may sakit na at onti na lang malapit na etong mamaalam. Inabutan ko pa naman siya pero wala eh. Hindi naman naten hawak ang panahon kung hanggang kailan ang itatagal naten sa mundong eto.

"Coach!" masiglang bati ko sa coach namin

"Oh andito ka na pala Rye!" hindi coach anino ko lang siguro eto.

"Rye!"

"Idol!"

"Welcome back!"

"Yes! buo na ulet ang starting line up ng team!"

Bati ng mga kateam mate ko. Nakakatuwa lang kasi nakaramdam ako ng mainit na pagwelcome galing sa kanila, kahit na nawala ako ng mahabang panahon ay hindi pa din nila ako nakakalimutan.

"Kamusta kayo?" Tanong ko sa mga kateam ko kahit na may mga bago.

"Okay naman kami!" 

"Tama na ang kamustahan mamaya na yan! Simulan niyo na mag warm-up at stretching para sa practice dahil sa susunod na week na ang tournament na gaganapin sa ating university." sabi ng coach namin

"Yes Coach!" Sagot naming lahat.

Sinimulan na nga namin ang warm up exercises at iba pang stretchings, mejo naninibago ako kasi hindi naman ganito yung ginagawa naming stretching sa ibang bansa. Kung dito mahirap na eto doon ay mas doble pa ang hirap.

Bawal ang reklamo kung gusto mo may mapatunayan ka. Kailangan mo paghirapan lahat para makuha ang gusto mo. Kung gusto mo manalo sa isang tournament or even sa isang league kailangan mo mag training ng mabuti hindi yung basta na makapag training ka lang. A big no because you need a proper training for you to become a better athlete, not just in the field or in the game but also in your everyday living.

Pagkatapos ng twenty minutes mahigit na warm up exercise at stretching. Sinimulan na agad namin mag simulate ng game as usual magiging masaya eto kasi magagamit ko ang mga natutunan ko sa ibang bansa.

Sinubukan ko yung mga natutunan ko sa ibang bansa at natatawa na lang ako sa reaction ng mga kateam mate ko kasi hindi nila masundan ng ayos ultimo kakampi ko sa simulation hindi din magawan ng paraan kung paano mag sync ang pasahan namin ng soccer ball. Ganon ba talaga pag nag iba ang playing style?

"Gambler's Zone"Where stories live. Discover now