"Takteng Claude yan! Ano ba naisip niya?! Bakit siya ganon!" Inis na sabi ko sa aking sarili ang aga aga talaga as in nagawa niya pa magbiro ng ganon?! Like wtf! Sobrang nakakainis!! "Haha para kang baliw jam" sabi sa akin ni Noemi na bestfriend ko din. "Noemi walang nakakatawa." I just rolled my eyes at her. "Nako Jam ha meron kaya alam mo kung ano?" Sabi niya habang ngingiti pa na parang pusa haha ang cute mukha siyang persian sabi ko sa sarili ko. "What?" Bored kong sagot sa kanya. "Yung pagiging ewan mo kanina akala mo hindi kita naririnig ha? Anong meron bakit nagrarant ang bestfriend ko?" Tanong niya ng may pag-aalala. Akala mo naman mamatay na ako susme! "Si Claude kasi..." Sagot ko sa kanya. "Ano na naman ba ginawa ng gwapong bestfriend mo?" Tanong niya na naman. Wait... what? Si Claude gwapo? Oo gwapo yun wait.. again I am even praising him? Ew no ew napaka manyak non! Sabi ko sa sarili ko. "Noemi kung alam mo lang." Sagot ko na lang kasi baka awayin ako neto kasi gwapong gwapo talaga siya sa bestfriend ko. Ewww fangirl eww... I can't even imagine na magkatuluyan ang bestfriend ko at yung isa ko pang bestfriend psh. Pero sino ba kasi hindi maiinis doon kanina sa ginawa ni Claude grabe lang talaga! Tapos ang worst laging nag eecho sa utak ko yung sinabi niya kanina "Don't get loud if you aren't in a a duty with me okay?" Tangina lang!
Masanay ka na Jam ganyan talaga pag varsity lalo na pag ball games ang laro. Bulong sa akin ng subconsious ko. Binura ko na lang kung ano yung naiisip ko. After ng mahabang-haba na lakad nakarating din kami agad sa una naming klase susmeyo tama nga ako. Introduction 101 is for real!! Grabe naman kasi ano hanggang sa grumaduate kami? Ano ba klaseng school eto? Makakalimutin ang mga prof? Buti pa nga eto makakalimutin eh! Para di na makaranas ng sakit eh! ikaw kailan mo kakalimutan ang hindi na pwede? Haha!! Wag kayo magalit, I'm just being me. Ayan after ng mejo mahabang introductory sa klase sinimulan na ng prof namin magbigay ng lesson plan.
Naging smooth lang ang 1st class kasi first day palang naman pero alam niyo yun napaka bagal ng oras kasi nagugutom na ako. Gusto ko na kumain kakaiba kasi sikmura ko may alagang salamander joke! Ayan natapos din yung lintek na dalawang subject na yun. Okay time to eat!! Agad ako lumabas ng classroom hindi ko na natawag si noemi kasi masyado siyang busy sa pakikipagkilala sa mga kaklase namin na bago sa section namin.
Habang naglalakad ako papuntang cafeteria nakita ko ang mga varsity ng soccer team.
Grabe ang paghihirap nila sa training isama mo pa yung nakabilad sila sa initan kasi open field ang lugar kung saan sila nagprapractice alangan naman sa basketball court sila para naman ata silang timang pag ganon haha!!
Pagkatapos ko manood saglit sa training ng soccer team nakita ko na naman ang bestfriend ko na eto. Kaagad din siya pumunta kung nasaan ako. "Hoy Jam!" Bati niya sa akin ay aba ang kapal din neto para ma-hoy ako?! Ano ganon na lang nalimutan nya na agad yung ginawa niya?! Ay aba gago pala eto eh! "Wag mo ako ma-hoy jan Claude ha! May kasalanan ka pa!" Inis na sabi ko sa kanya!
" ano ba yun Jam? Wala naman akong ginagawa sayo ah." Inosente niyang sagot. Ay aba naman oo oh! Nagpaka inosente pa nangiinis talaga eto!
"Ano pagkatapos mo sabihin yun di mo na maalala?!" Nakakainis talaga siya! Napaka galing niya sobra! sa pang iinis pwede na siyang suma cumlaude pag may course na ganito!
"Ano ba kasi yun Jam? Tinatanong kita hindi mo naman sinasabi." Wtf? Nagawa niya pa maging casual sa lagay na eto?! Mapapa facepalm ka na lang sa sobrang inis!
"Ewan ko sayo!" Sagot ko na lang ng iwan ko siya, bigla niya naman nahawakan ang aking braso at hinila ako papalapit sa kanya.
" Shhh Jam ang sungit sungit mo na naman." Sabi niya. "Sino ba kasi hindi magsusungit sayo ha?!" Sigaw ko sa kanya! Sabihan ba naman ako kaninang umaga ng kababuyan niya nako po! Bakit ba ako binigyan ng bestfriend na ganito.
Narinig ko naman ang kanyang pagtawa "haha, Jam ano ba kasi yung sinabi ko kanina? Wala naman ah." Eto na naman kami. " Anong wala ha?! Claude you almost said na wag ako maingay dahil sa kama lang naman dapat ako nag iingay pag nasa duty with you!" Inis na inis na sagot ko sa kanya. "Chill jam! Haha! Masyado mo naman sineseryoso eh. Alam mo jam?" Tanong niya habang nakangiti at tinignan na lang siya ng nakakaburda "Ano na naman?" Bored ko na lang na tanong nakakapagod na magsisigaw sa ulupong na eto!
"You're blushing!" Sabi niya at instant na napakuha ako ng salamin para tignan kung totoo nga na namumula ako.
"HAHA!" Rinig kong tawa niya isang isa ka na lang talaga Claude!
"Shhh kalma Jam alam ko gusto mo na akong sapakin sa sobrang inis. Kalma lang ung ilong mo oh umuusok na." Nangaasar niyang sabi.
"Che! Alam mo wala talagang kakupasan yang pang iinis mo no? Aminin mo nga Claude. May crush ka sa akin no?" Tanong ko na nakapag pakunot sa noo niya aha! Gusto mo ng inisan gaming ha geh pagbibigyan kita!
Natahimik siya at hinila na lang ako papunta sa cafeteria pasensya na guys ha masyado kasing napatagal ang pag uusap namin sa gitna ng daanan eh paki niyo naman edi gumaya din kayo.
"Anong gusto mo? My treat!" Sabi niya. Mabait naman si Claude, Galante pa, yun nga lang umiiral ang kakupalan minsan pero maniwala kayo o sa hindi napakabuting tao ni Claude kaya wag kayong Judgmental! Baka pagtatampalin ko kayo.
"Asus wala ka lang bawi eh." Pang aasar ko na kinakunot na naman ng noo niya. "Claude tigilan mo yan di bagay sayo magmumuka ka agad lolo pag ganyan ka ng ganyan." Pang aasar ko. Natatawa ako kasi bihira lang yan mainis sa akin madalas ako palagi ang naiinis.
"Pwede ba Jam. Kung ayaw mo wag mo." Seryosong sabi niya.
"Eto naman binibiro ka lang eh." Sabi ko ng natatawa kasi naman napaka cute niya pag naiinis once in a blue moon lang yan kaya sulitin.
"Steak na lang w rice tapos ice tea" sabi ko at nginitian siya.
"Okay." Sagot niya at pumila na para umorder ng aming pagkain.
Naghanap naman ako agad ng bakanteng upuan at lamesa para naman may maitulong ako sa kanya kahit paano.
Nakahanap din ako at sakto kakatapos niya lang din umorder agad ko siyang sinenyasan. "Claude over here!" Pagtawag ko sa kanya w matching kaway kaway para maranasan ko naman ang feeling ng isang beauty queen haha!! Joke lang!
Pumunta naman siya agad kung saan ako naka pwesto at sinimulan na namin kumain.
Habang kumakain kami hindi ko naman maiwasan maging conscious sa paligid ko. Lalo na ang mga kababaihan. Mga fangirls ba sila ng ulupong kong bestfriend? Ay iba din pala etong kasama ko may fans. Di ko din naman sila masisisi eh isang hamak na bestfriend lang naman ako ni Claude at may di kayo alam. Ilang beses na pinanalo ni Claude ang soccer team ng school kaya no doubt na siya ang ace ng team nila at maraming humahanga sa kanya.
"Claude matanong ko nga?" Pambasag lang sa katahimikan namin.
"You're already asking Jam. Don't be stupid." Sabi niya habang seryosong kumakain. Basag ako dun ha!
" Eh kasi naman tignan mo di ka ba nacoconscious? Ang dami mong fangirls oh, parang kakainin ako pag gumawa ako ng mali sayo." Sabi ko na ikinangiti niya naman. Wew yabang!
"Jam wag ka mag alala di ka naman nila aawayin." Sabi niya habang kumakain ng nakangiti na.
"Eh ano pala?" Tanong ko naman.
"Ibibitay ka lang hangga't sa malasog ka." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Just like wtf! Grabe naman ang malasog na term gago eto ah!
" ang sadista naman nila! Dibale crush mo naman ako haha!" Sabi ko ng may halong pagyayabang.
" In your dreams Jam." Sabi niya "baka nga ikaw ang may crush sa akin eh." Sabi niya while doing his smirk
" Ang kapal! Alam mo di ko pa nalilimutan yung ginawa mo kanina ha!" Inis na sabi ko na naman!
" Yun ba? Pwes mas hindi mo eto malilimutan Jam." Sabi niya na ikinabahala ko naman ng sobra.
Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Hindi niya na din pinansin ang mga tao na nalabas pasok sa cafeteria sa gagawin niya sa akin.
"O-ooy ano na-na-naman gagawin mo?" Utal kong tanong. Mas lalo akong kinakabahan kasi sobrang lapit na ng muka namin sa isa't isa hindi gaya kanina na sakto lang kasi may binulong lang siya.
Pagkalapit niya ng sobra bigla niya na lang ako hinalikan sa pisngi. Na may naramdaman ako na hindi kanais nais sa aking sistema.
"Don't play with me Jam." Sabi niya na hindi pa din ako makapag react kahit sa pisngi lang ang ginawa niyang pag halik.
"I told you di mo yan malilimutan Happy April Fools my dear bestfriend." At umalis na siya habang ako naiwan doon tulala, at hindi na alam ang gagawin. Puta! Anong klaseng april fools yan Claude Chua!Feedback at Vote naman jan haha! Ng sipagin naman is me.
YOU ARE READING
"Gambler's Zone"
Teen FictionI almost know everything about him. His favorite food,sports,color,standard towards a woman but I never knew he was a gambler when you enter his zone.