Natatawa na lang ako sa muka ni Jam grabe. Ang epic lang ng sobra! Pero di ko naman talaga intensyon yun noh. Yung nangyari kanina sa cafeteria. Mapang asar kasi siya at bihira niya lang naman ako maasar ng sobra kaya bumawi ako. Alam niyo naman siguro kung ano yung ginawa ko haha!
Papunta na ako ng field para sa training namin. Balita ko kasi kanina sa mga ka-team ko may paghahandaan na mini tournament na gaganapin dito sa SU(shin university).
Nang makarating na ako sa field agad na namin sinimulan ang training namin. Syempre stretching muna at ilang warm up exercise para nasa condition kami sa pagtratraining at iwas injury na din. After twenty minutes ng stretching at warm up exercises. Agad kami tinawag ng aming coach. "Makinig kayo. Kailangan naten magtraining tuwing weekdays and saturday kung kakailanganin kasi hindi naman ako makakapayag na mapahiya ang soccer team na eto lalo na sa university naten mismo eto gaganapin nagkakaintindihan ba?" Sabi ng coach ko na dinaig pa ang may opening remarks sa mga general assembly psh! "Yes Coach!" Sagot namin. Agad na din namin sinimulan ang pagtratraining. Hinati na din kami sa anim para makapag simulate mabuti sa pwede mangyari sa gaganapin na tournament. Napansin ko ang pag tigil ng mga kamag aral namin. Para makapanood ng practice namin. Nakakatuwa kahit papaano kasi ramdam ko ang suporta nila sa team. So kailangan na pag igihan mabuti. Takbo dito, takbo doon ganyan ang ginagawa namin palagi as a soccer player kasi di ka naman pwede gumamit ng kamay sa sports na eto. Bantay dito isip ng magandang plano para maka goal. Parang basketball lang din naman eto ang pinagkaiba nga lang mas narami manglalaro sa loob ng field kaysa sa basketball na lima lang ang pwede na maglaro sa loob ng court at isa pa paa ang pang goal namin habang sa kanila ay kamay naman. After ng apat na oras na pag practice"Break Muna!" pinagpahinga muna kami for twentyfive minutes. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Jam.
To: Jam Epic
Jam hindi muna kita masasabayan umuwi ha. May training kasi kami ngayon at may pupuntahan ako after neto.
Agad ko naman sinend ang message ko sa kanya. Syempre kailangan ko pa din naman sabihan ang bestfriend ko para hindi na siya mag hintay pa.
Mamaya maghintay yan sisihin na naman ako bakit ang tagal ko.
After ilang minutes nakatanggap ako ng reply sa kanya.
From: Jam Epic
Okay. Kasama ko naman si Noemi, at oo nga pala Claude humanda ka sa akin ha! Hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mo kanina! Urgggh!
Ramdam ko na ang pagkainis niya. Ang saya niya lang kasi inisin pero wag kayo kahit iniinis ko yan maaasahan mo yan si Jam.
To: Jam Epic
Abangan ko yan Jamila Gonzales.
Reply ko sa kanya at natawa naman ako kaagad dahil naalala ko na naman ang itsura niya ng iwan ko siya after namin kumain.
Agad naman ako nakarinig ng tawa sa gilid ko. "Haha! Ano may nakabingwit na ba ng puso ng ace ng soccer team?" Tanong ng team mate ko na si Zean.
"Baka naman meron. Tsaka pre eto munang pagsosoccer at pag-aaral ko ang aatupagin ko bago yan." Sagot ko naman. "Wala daw. Pero kung makangiti habang may katxt iba eh." Natatawang sabi niya. " Pre. Hindi na ba pwede natatawa lang ako kasi nakita ko na naman yung epic na muka ng bestfriend ko." Sabi ko sa kanya." Sino? si Jam?" Tanong niya."Oo bro si Jam. Grabe pre ang epic talaga ng muka niya." Sagot ko sa kanya ng natatawa tawa pa. " Ano ba ginawa mo?" Tanong niya ulet. "Simple lang bro. I just kiss her on her right cheek, then I said happy April Fools day." Sagot ko sa kanya. "Iba talaga ang isang Claude Chua!" Sabi niya ng malaman ang nangyari kanina. "Gago!" sagot ko habang natatawa.
"Balik na sa field tama na ang kwentuhan!" Sigaw ng coach namin.
Habang pabalik na kami bigla naman ako tinawag saglit ng coach ko.
"Claude pumunta ka muna saglit dito." Sabi niya at ramdam ko ang pagka seryoso niya sa sasabihin niya. "Ano po yun Coach?" Tanong ko ng may galang. "As an ace of the soccer team I want you to motivate your team mates to train hard okay?" Sabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko kasi hindi naman ako ang captain at ace lang ako pero kahit ganon pa man napakalaking trabaho din eto bilang ace kasi ikaw yung palaging aasahan ng team kasi ikaw yung isa sa mga pinakamagagaling eh bukod pa sa captain at vice captain ng team. Agad naman ako nabalik sa aking sarili ng magsalita si coach at pagkatapos ko pag isipan ang isasagot ko. "Ano Claude are we clear?".
"Yes Coach!" Lakas loob kong sagot sa kanya. "Good! So simulan niyo na ulet ang training!" Sabi niya na sinang ayunan ko na lang. Wala naman na kasi akong magagawa eh kungdi gawin ang trabaho ko para sa team na eto. Alam ko na mahirap kasi sayo sila kukuha minsan ng lakas para maipanalo eto. Hindi ko din naman masisi ang sarili ko kasi ilang beses ko na ipinanalo ang team na eto. Nagsimula na kami mag training agad. Sinunod ko din naman agad ng sinabi sa akin. If I have to motivate them and train them hard ay sisimulan ko muna sa sarili ko. Mahirap kasi mag motivate ng kateam mate kung ikaw mismo hindi mo magawa yun sa sarili mo.
After ng mahabang habang practice namin pinatawag kami agad ulet ng aming coach. "Good job! Bali friday na ang susunod na practice okay?" Sabi ng coach namin.
"Yes!"
"Wooh!"
"Yeah!"
Pagdidiwang ng mga kateam mate ko. Ikinatuwa ko din naman kasi nagawa pa talaga nila yan kahit pagod na pagod na sila.
"Magsi ayos kayo!" Sigaw ng captain namin na si Shane. Agad naman nagsitahimik ang lahat. "Wag muna kayo mag diwang na porket sa friday pa ang training ay nagsasaya na kayo any time pwede ko kayo ipatawag for training nagkakaintindihan ba?!" Sabi ni Shane. "Yes Captain!" Sagot namin sa kanya. "Okay pwede na kayo umuwi at magpahinga." Sabi ng coach namin.
Agad naman ako pumunta sa shower room ng school para makapag shower saglit. After fifteen minutes agad na din ako nag ayos ng mga gamit ko at pumunta na sa sasakyan ko. Paalis na sana ako ng katukin ni Zean,Emille,at Boush ang bintana ng aking kotse. Agad ko naman binaba ang bintana para malaman ang gusto nila sabihin
"Ano yun?" Tanong ko sa kanila.
" Bro wag ka muna agad umuwi pwede ba?" Sabi ni Zean
"May gala ba?" Tanong ko ulet kasi di ko naman alam kung anong balak ng mga eto.
"Oo bro may bagong bukas na pwede naten tambayan." Sagot ni Emille
"Saan naman eto at itxt niyo na lang sa akin kung saan at pupunta ako." Sagot ko sa kanila.
"Aasahan namin yan ha." Sabay sabay nilang sabi.
"Oo di naman ako naging talkshit sa inyo." Sagot ko para tumigil na sila.
"Geh Claude punta ka na lang ha." Sabi ni Boush. Tinanguan ko na lang at nagmaneho na ako pauwi sa amin.
The drive went smooth kasi hindi naman na ganon katraffic dahil alas nuwebe na ng gabi ng matapos ang training namin. Pag dating ko sa bahay ay agad ko etong pinark at nagmadali papunta sa aking kwarto at nagpalit muna para makapag handa.
Sakto naman pagkatapos ko magbihis agad nagtext si Boush.
From: Boush
Claude pumunta ka sa Silver's Game House around SU lang sa may right corner.
Hindi ko na nireplyan si Boush at agad na ako nagmaneho papunta sa tinext sa akin na lugar kung saan kami magsasaya.
Mabilis naman ako agad nakarating sa game house na eto. Pagpasok ko sa loob puro mga manlalaro ng kung ano anong card game ang nakita ko may nag porker,lucky nine,tong-its at kung ano pa. Natuwa naman ako kasi ang tagal ko ng hindi nakapaglalaro at bago pa man yun hinanap ko muna ang mga kaibigan ko.
Nakita ko naman agad sila Zean,Emille,at Boush.
"Yes Pareng Claude!" Bati sa akin ni Zean na napansin ko na may kaakbay siyang babae.
"Sup niggas!" Bati ko din sa kanila
"Maka nigga pre ha! Wag kang mayabang di porket maputi ka!" Pagrereklamo ni Boush.
Agad naman nagtawanan kami nila Emille at Zean.
"Pare accept the reality na lang." Dagdag ni emille na lalong nagpahalakhak sa amin.
Umorder na kami ng pagkain at syempre di mawawala ang hard drinks. So isa pala etong casino na bar cool ha. Magandang business eto kung nagkataon.
"Zean di mo pa sa amin pinapakilala yang kasama mo." Sabi ni Boush na sinangayunan naman namin ni Emille.
"Oo nga pala guys si Alexa isa sa varsity ng volleyball team ng university naten." Pagpapakilala niya sa amin ng kasama niya.
"Nice to meet you Alexa!" Bati namin sa kanya. So nagbibinata na pala ang isa kong kaibigan dahil nalaman ko na nililigawan niya eto. Not bad kasi maganda naman si alexa maputi,mahaba ang buhok at makikita mo ang pagiging simple niya.
After namin kumain. Napagdesisyonan namin na maglaro ng mga games. Napansin ko ang isang table na bakante at naupo doon at ilang sandali lang may naupo sa harap ko. "Ano bata wanna play a game?" Tanong ng hindi ko naman kilala na lalaki. "Sure no prob." Pag payag ko na lang. "Simple lang ang laro na eto poker lang naman pero ang matatalo ay may gagawin na consenquence so ano deal?" Sabi niya na akala niya naman hindi ko alam ang laro na yon. "Geh lang so ano ang pusta mo?" Tanong ko ulet sa kaharap ko. " 20,000" sagot niya. "Good bet." Sagot ko naman sa kanya "eh ikaw ano ang ipupusta mo?" Tanong niya na may halong pagka interes na akala mo naman matatalo niya ako psh.
"Hmmm ano nga ba?" Pumalumbaba muna ako tsaka pinag isipan kung ano ang pwede ko ipusta.
"Ano bata wala ka ba maipupusta? Kahit babae man lang." Sabi niya na mejo naiinip na malaman kung ano ipupusta ko.
"Easy boss. Wag ka mainip tsaka ko na lang sasabihin ang pusta ko after ng larong eto." Sabi ko na ikinakunot naman ng noo niya.
" Geh! Nang malaman mo na ang pagkatalo mo!" Galit na sabi niya at ayon na nga sinimulan na namin ang nasabing laro.
Umabot na kami sa mid game at bigla ulet nagsalita ang kalaban ko. "Bata why not umatras ka na lang tutal wala ka naman maipupusta." Natatawang sabi niya. "Alam mo boss don't be fool on what you see." Sagot ko na ikinatahimik niya.
Patagal ng patagal ang laro namin at napansin ko din na parami ng parami ang mga tao na nanonood sa amin. Napansin ko din na nasa likod ko na sila Zean at Alexa,Emille, at Boush.
After 5 mins nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at laking gulat ko na lang din ng may sumigaw ng pangalan ko "Claude!"Shit anong ginagawa ng bestfriend ko dito?!
Sorry ha haha wala eh bawi na lang ako sa mga susunod na chapter. Feedbacks and Votes are Highly Appreciated.
YOU ARE READING
"Gambler's Zone"
Teen FictionI almost know everything about him. His favorite food,sports,color,standard towards a woman but I never knew he was a gambler when you enter his zone.