Chapter 6: Accidentally Bumped

10 1 0
                                    

Once again I was left alone. I just watch him walking away, carrying those burdens in his back and in his heart. Onti onti siya nawawala sa aking paningin, gustuhin ko man na sundan si Claude at pigilan ay may kung ano sa aking pakiramdam na nagsasabi na wag ko muna siya sundan at hayaan na lang muna. 

Nilisan ko na din ang bleachers kung saan iniwan niya na naman ako na nag-iisa, sinimulan ko na din mag madali baka mahuli pa ako sa aking pangalawang klase. Agad din kasi ako nakatanggap ng text kay Noemi na in just a span of fifteen to twenty minutes ay darating na ang susunod namin na prof. 

Agad naman ako nanakbo pagdating sa may bandang cafeteria hindi na pinansin kung pag pawisan sa sobrang pagtakbo kasi ayoko naman na mahuli ako sa klase namin.

Ako kasi yung tipo ng studyante na cool pero sinisigurado ko na hindi ko papabayaan ang aking acads. Gusto ko din naman mapunahan ang paghihirap nila mama at papa, kasi isa na yun sa napakagandang regalo ang makapagtapos ako sa pag-aaral ko at may  maipakita ako na diploma ko na nakapagtapos na ako sa kolehiyo. Hindi lang naman para sa akin kungdi para sa mga taong nakapaligid sa akin especially ang  aking pamilya.

Nakarating  na ako agad sa may tapat ng building ng CAS (College of Arts and Sciences) kung saan ako pumapasok, agad kong tinahak ang elevator at sa sobrang pagmamadali ko hindi ko napansin na may nabangga na pala akong kamag aral ko.

"Sorry Miss hindi ako nakatingin." paghingi ng paumanhin ni kuyang pogi. Wait what?! geh Jam pairalin mo na naman yan!

"It's okay kuya. Sorry din hindi din kasi ako nakatingin nagmamadali din kasi ako papunta sa pangalawa kong klase." paghingi ko din ng paumanhin.

Napansin ko na lang na nahulog yung I.d. niya at nakita ko na same course kami BS Psychology din ang course niya. Mukang transferee siguro eto.

"Kuya do you mind if I ask?" tanong ko kay kuya na hindi ko naman kilala. 

Syempre Jam hindi mo naman tinatanong ang pangalan niya paano mo malalaman? So stupid Jam! Very stupid!

"Sure! ano yun?" tanong niya habang nakangiti. Oh Shit! those perfect set of porcelain teeth! Ang Pogi! Jam tigil nako po!

"BS Psych course mo?" tanong ko na kahit na alam ko naman. Malay niyo dating course nya lang. Wag niyo ako masabihan ng stupid baka suntukin ko kayo to the tenth power! 

"Yes! bakit same course ba tayo?" Shit! kuya pakitigilan ang pag ngiti baka di na ako makarating sa room ng buhay pa!

"Yes! Ano nga pala section mo?" tanong ko. Okay I think anytime mag creep out eto si kuya.

"Section 3B" pagngiti niya naman na sagot.

"Great! Magkaklase tayo!" I beamed at him!

"Really? By the way I'm-" 

"Mamaya na yung pakilala session tara na malelate na tayo sa klase naten!" 

Agad ko na isinama si kuya na hindi ko naman kilala kasi halata sa kanyang mata na naliligaw siya. Mukang mabait din naman siya at wala naman siyang gagawing masama sa akin.

Galawang Jam ang hilig humatak naka ilan ka ng hatak Jam?

Agad kong binura yung mga naiisip ko actually hindi ako eh! Yung subconscious ko joke!

Kahit ikaw ang owner ko?

Yeah whatever subconscious! Agad naman kami nakarating ng classroom at sinimulan ng kumatok sa pinto dahil napansin ko na nakasara na eto at for sure anjan na nga ang second prof namin. Agad naman eto binuksan ng aming prof at sinabi na pumasok kami, agad naman kamng humingi ng paumanhin ng kasama ko, na bagong kaklase namin I guess?  at tuluyan ng naghanap ng mauupuan. Pagpasok palang namin ng kasama ko agad nagtilian ang mga kaklase kong babae sa hindi naman malaman na dahilan.

"Gambler's Zone"Where stories live. Discover now