Chapter 4: The Bet

23 2 0
                                    

Habang pauwi ako nakatanggap naman ako ng text message mula kay Claude. Ano na naman kaya ang nilalaman neto. Mamaya pangtritrip na naman grabe hindi ko lang talaga makalimutan yung ginawa niya kanina sa cafeteria. Ikaw ba naman ang halikan sa pisngi tapos iiwan ka na lang bigla at sasabihin pa sayo na Happy April Fools Day... Ay aba! Ibang klase ang bestfriend ko na yun! Ayan balik na tayo sa realidad naalala ko lang yung ginawa niya. Kinuha ko agad ang cellphone ko at binuksan na ang aking inbox para malaman kung ano ang tinext niya.

From: Claude Manyak

Jam hindi muna kita masasabayan umuwi ha. May training kasi kami ngayon at may pupuntahan ako after neto.

To: Claude Manyak

Okay. Kasama ko naman si Noemi, at oo nga pala Claude humanda ka sa akin ha! Hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mo kanina! Urgggh!

Agad ko naman siyang nireplyan na okay lang. Kasi hindi naman sa lahat ng oras lagi niya akong inaatupag. Di porket bestfriend niya ako na babae ay kailangan 24/7 ay anjan siya sa tabi ko. Mali yun! Kasi may sarili naman siyang buhay eh gaya nga ng sabi ko hindi naman sa lahat ng oras ay lagi siyang anjan. Darating din kasi ang time na magkakaroon kami ng kanya kanyang buhay. Magkakaroon siya ng Gf ako naman Bf at magiging busy pa sa other activities so hindi dapat kailangan palaging mag rely. Kailangan din naten matuto ng tayo lang "Just You and Your Shadow." ayan so natuto na naman kayo ha. Wag kayo mag-alala 5pesos kada malalaman niyo galing sa "Inspirational Words of Jam" HAHA!! Joke lang syempre! Pero okay lang din kasama ko naman si Noemi eto pa hindi talaga mawala sa isipan ko yung ginawa niya kanina kainis!

Naglalakad na kami palabas ng SU dahil oras na para magpahinga at sakto 5:30 pm palang naman at kitang kita ko ang papalapit na paglubog ng araw. Ang ganda tignan kaya mas gusto ko na laging ganito ang oras ng uwian, kasi gustong gusto ko palaging nakikita ang paglubog ng haring araw. Yung iba nga jan eh yan din ang gusto makita bukod sa makaharap nila ang mga mahal nila ay gusto din nilang nakikita ang sunset. Mga ate at kuya umamin kayo wag kayo magmalinis na inaabangan niyo din ang sunset at amaze na amaze pa kayo!

Pagkatapos ng mejo mahaba habang lakad nakarating na agad kami ni Noemi sa sakayan ng bus. "Girl! napakatagal naman ng bus! anong oras na oh?! aabutin tayo dito ng siyam siyam eh!" reklamo niya na ikinatuwa ko naman. Bihira lang kasi magkaganyan yan madalas baliw yan sa soccer team players eh haha!! "Nako! Ang sipag sipag mo maghintay hanggang sa matapos ang practice ng soccer team! tapos ang paghihintay ng masasakyan naten na bus makauwi di mo magawa!" pagtataray na sagot ko sa kanya. Ayun at bigla naman siyang ngumuso letche nagmuka kang platypus haha!! sabi ko sa utak ko. "Ehhhhh!! Iba naman kasi yun Jam!" pagmamaktol na sagot niya na akala mo naman magmumuka siyang bata sa ginagawa niya! "Wala naman pinagkaiba yun Noemi eh. Parehas lang naman ang gagawin mo maghihintay ka pa din." sagot ko ng walang gana sa kanya kasi nakakapagod din ang mga kaganapan kanina. Ikaw ba naman bigyan ng mga projects eh 1st day palang naman grabe na eto! "Basta Jam meron!" Hirit na naman ng baliw kong bestfriend. "Ano naman?" bored kong tanong sa kanya."Kasi pag naghintay ako na matapos ang practice ng soccer team may mga pogi akong naabutan." Ngingiti niyang sabi na kinikilig kilig pa. Nako po bakit ba may bestfriend ako na ganito! "and then?" tanong ko ulet kasi may kasunod pa yang hirit niya. "Sa bus naman wala kang kasigaraduhan kung may pogi o wala. Tsaka Jam ano ka ba? Mas okay na maghintay ng tao kaysa sasakyan atleast yun pag gabi nakakasama mo sa bed at sila pa sasakay sayo minsan pero ang sasakyan ikaw lang pwede sumaka--." ARAY KO NAMAN JAM PAG AKO PUMANGIT HUMANDA KA!" Agad ko naman siya binatukan kasi kung ano anong lumalabas na kahalayan sa bibig niya! "Ang baboy ng ugali mo Noemi kanino ka na naman natuto niyan?! at isa pa di muna kailangan pumangit pa kasi pangit ka na talaga" Cool kong sagot sa kanya at hindi ko naman tinuruan yan maging ganyan nako po nahawa na naman siya sa mga lalaki sa room! "Sorry na Bes hindi na mauulit huhu!! Pero hindi ko mapapalagpas yang pagsagot mo na pangit ako!" Naiinis na sagot niya. I just rolled my eyes at her Haha! natatawa na lang ako minsan sa kanya lalo na pag naiinis kasi nawawala yung mga mata niya at para siyang pusa!

"Gambler's Zone"Where stories live. Discover now